The Street

251 24 4
                                    

Libu-libong makukulay na pailaw ang bumibida sa kalangitan. Mistulang nagsasayawang mga bulaklak sa kumpas ng isang salamangkero na nagtatago sa likod ng mga ulap.

"Lord thank you kasi sa wakas, sa loob ng mahabang panahon ngayon ko lang naranasan ang sumaya ng ganito. Hindi ko naman aakalain na magiging ganito yung twist ng year end ko. Thank you! kahit na naging pasaway ako, kahit nagtanong ng maraming bakit, sinisi ka sa lahat ng kabiguan ko at inisip na napakadaya mo. Sorry po. Kahit naging ganon ako, hindi ka nagkulang. I love you po." Nakangiti si Jane habang pinagmamasdan ang fireworks display sa kalangitan. Tila seryoso sa kausap n'yang hindi naman nakikita ng mata pero damang dama ng puso n'ya.

"Naks, ang ganda naman ng ngiti ng anak ko. Ngayon ko nalang ulit nakita yang mga ngiti na 'yan ah" may lalakeng umakbay sa kanya. Si Tatay pala.

"Talaga 'tay? Sobrang tagal na ba?" Inihilig ni Jane bahagya ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang Ama. Nakatingin pa rin s'ya, silang mag-ama sa kalangitan.

"Oo anak, namiss ko 'yan. Alam ko, kahit hindi mo sabihin. Mayroong nagpapangiti sa'yo. S'ya ba yung kasama mo dito dati?"

Napaangat ang ulo ni Jane ng marinig iyon sa kanyang Tatay.

"Sabihin nating isa s'ya dun 'tay" malawak ang ngiting ibinigay n'ya sa kanyang Ama. "Maraming magandang bagay din kasi ang nangyari 'tay. Yung para bang panaginip na nagkatotoo"

"Pakisabi nga d'yan kay Kaye na Salamat. Dahil pala sa kanya bumalik ang ngiti sa mukha ng anak ko."napatingin si Jane sa Tatay n'ya. Hindi akalaing natandaan nito ang pangalan ng minsang naging bisita.

"Sige 'tay, makakarating." Malambing na yakap ang binigay n'ya sa kanyang Tatay. Ang totoo ay sinakyan lang n'ya ang pabor nito kahit hindi naman talaga n'ya alam kung paano sasabihin yun kay Kaye.

"Ano naman 'yung maraming bagay pa na 'sinasabi mo?" Tanong ng Tatay n'ya.

"Alam mo kasi 'tay, nagawa ko kasi yung bagay na matagal ko ng gustong gawin" sagot ni Jane.

"Simula pagkabata ang alam ko na gustong gusto mong ginagawa eh ang tumugtog ng gitara at kumanta. Kasama si Drew" mahinang sabi ni Tatay sa pangalan ng kababata ng Anak.

"Ito ba 'yun Jane?" Biglang may sumingit sa seryosong usapan nilang mag-ama.

"Ay anak ng tofu! Nakakagulat ka naman 'te" napahawak sa dibdib si Jane sa sobrang gulat.

Sinilip ni Jane ang tinutukoy ng Ate n'ya. Video pala nila ni Kaye noong Year-end Party na nakaupload sa Youtube.

"Bakit hindi mo sakin sinabi na nakaduet mo pala si Kaye ha? Napakadaya mo. Tapos hindi lang isang beses. Dumalawa pa talaga kayo ah" pagmamaktol na sabi ng Ate n'ya.

"Ano kasi 'te, biglaan lang 'yung una. Tapos ayun, yung pangalawa.. ano.."

"Yung pangalawa? Kaya pala bihis n bihis ka. Akala ko dahil kay Carlo"

"Bakit na naman napasok sa usapan si Carlo?"

"Jane, alam mo kasi may tenga ang lupa, may pakpak ang balita. Tama ba yun?" Napahawak pa sa baba ang Ate n'ya.

"Kasabihan ng mga chismosa"

"Huwag ka ng magmaang maangan Jane. Nagpaalam sakin si Carlo. Liligawan ka daw n'ya" kinilig-kilig na sabi ni Ate.

Namula ang mukha ni Jane. Hindi alam kung paano magrereact. Hindi s'ya sanay pag-usapan ang lovelife n'ya.

"Bwisit talaga 'yung Carlo na 'yun"

"Pagbigyan mo na. Sabi ko Go lang!"

"Talagang ibinugaw mo na ako ah"

"Para naman magkalovelife ka na. Saka mabait na tao naman 'yang si Carlo. Matagal na kayong magkakilala. Boyfriend material pa. Bagay na bagay kayo. Isang mabait at isang suplada."

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon