Looking for Jane

236 26 4
                                    

"Jaaanneee!"


Agad na lumabas ng sasakyan sila Kaye at Wendy. Ganoon din sila Carlo, Alex at Suzette. Hindi sila makadaan dahil bahagyang humarang ang truck sa way nila. Sa sobrang lakas ng preno ay nawala sa linya ang truck.

Tumakbo si Kaye papunta sa kabila para icheck si Jane.

"Kaye! Kamusta si Jane?"  Sigaw ni Wendy.

"Wala s'ya dito" ani Kaye habang lumilingon lingon. Nagbabakasakaling makita si Jane.

"Paanong wala?"

"Hoy! Kasama n'yo ba 'yun? 'Wag n'yo nga hinahayaang magneho yun. Makakadisgrasya pa s'ya eh" sabi nung driver ng Truck. Nasa early 50's na ito base sa itsura.

"Pasensya na manong." Sigaw ni Alex.

"Wag kayong magmamaneho pag lasing. Ang mga kabataan nga naman ngayon."

"Hindi po s'ya lasing. Sorry po talaga"

Pinaandar na ng driver ng truck ang makina, tumabi muna sila sa gilid para bigyan ng daan ang driver ng truck.

"Ingat manong!" Sigaw ni Wendy.

"Magsiuwi na kayo." Sigaw ng driver ng truck. Hindi mo alam kung galit ba o sadyang malakas lang ang boses.

Nang makaalis ang truck ay lumapit sila sa kinaroroonan ni Kaye.

"Kung wala yung sasakyan at wala din si Jane, ibig sabihin hindi s'ya nadisgrasya. Thank you Lord!" Sabi ni Suzette na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Dumerecho s'ya. Saan kaya pupunta 'yun?" Tanong ni Alex.

"Guys, maybe we have yo give her time to think and space to atleast makaget over. Grabe kasi kayo alam n'yo ba yon?" Ani Wendy.

"No! Baka mapano si Jane." Biglang singit ni Carlo.

"Look, lahat tayo gustong masundan si Jane at malaman kung saan s'ya pupunta. Pero guys naman hindi n'yo ba napansin na gusto lang n'yang mapag-isa?" Ani Suzette

"Alright. Sana lang 'wag n'yang gasgasan yung kotse ko. Magagalit sa akin si Dad." Reklamo ni Alex.

"Kita mo 'tong taong 'to. Yung sasakyan pa rin yung concern n'ya. Kaloka ka! Ang galing mong kaibigan talaga"

"Grabe ka Wendy. Syempre concern din naman ako kay Jane noh pero kasi hindi pa fully paid yung kotse ko. Saka wala pang insurance 'yun"

"I understand Alex, sige sasagutin ko na yung pagpapagawa. If ever magasgasan o may masira" Sabi ni Kaye.

"Ay talaga? Nakakahiya naman sa'yo Kaye." Kumakamot sa ulo na sabi ni Alex.

"Iba din, nakuha pang mahiya ng walang hiya" pangangantyaw ni Wendy.

"Oh tama na yan. Sige na, I'll contact Jane at makikibalita kung kamusta na s'ya. For sure pag ako yung tumawag eh sasagutin n'ya" utos ni Suzette.

"Grabe s'ya so pag kami hindi n'ya sasagutin?" Tanong no Alex.

"Oo, lalo na kayong dalawa." Tumuro si Suzette kay Kaye at Carlo. Kahit kailan talaga walang preno ang bibig nito.

"Balitaan n'yo ako ah kung kamusta s'ya" sabi ni Carlo.

"Ako din please. I'll wait got for your call or text" Seryosong sabi ni Kaye.

"Oo na, pareho namin kayong babalitaan. Pati si Alex kahit hindi naman s'ya concern kay Jane."

"Concern nga ako. Ang kulit! Wendy ah!"

"For now, umuwi muna tayo. After 24hrs (tingin sa relo) if wala pa rin s'ya lets do another action. Okay? 'Wag tayong magpanic. Walang magpapanic, okay?" Taliwas sa mga sinasabi ni Wendy ang ikinilikos n'ya.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon