A.K.A Rock Chick

281 22 3
                                    

Paroo't parito, pabalik-balik na hakbang ni Jane sa kanyang kwarto.

Alas-syete palang ng umaga ay himalang gising na si Jane. Hindi normal na gising maliban nalang kung may pasok s'ya. Ang daming gumugulo sa isip n'ya kaya hindi s'ya nakatulog ng maayos.

(1.) Cheesy confessions ni Carlo.

(2.) Performance for Company's Year-End party

(3.) Previously Landian with Kaye Cal

(4.) Mysterious twitter account na nagmemessage sa kanya.

Last but not the least,

(5.) Si Wendy, oo si Wendy dahil ang aga aga ay kinukulit na s'ya nito. Mas napepressure pa yata si bakla para sa kanya.

"Jane, ano ready ka na? Inom ka ng salabat para hindi ka mamaos. Tapos yung guitar mo, ayusin mo na. Palitan mo ng strings para mas maganda yung tunog. Tapos yung damit mo, haist, please magsuot ka ng maganda. 'Wag naman yung parang napadaan ka lang at pinabili ka ng suka ng nanay mo. See you later bakla. Kaya mo 'yan! Support lang akes all the way to your stardom. Love you! Ewww.. "

- Wendy.

Text ni Wendy sa kanya. Text lang yun pero parang naririnig n'yang sinasabi ang mga ito with his maarteng boses.

"Opo madam! See you later kung pupunta ako. Joke. 😁"

- Jane.

Nagchecheck na din naman s'ya ng mga messages kaya nilubos lubos na n'ya at as usual present yung unknown twitter account.


Dear Jane,

Good Morning Jane, how are you? If you have time, please listen to this song. This is what I really wanted to say in front of you but I'd  rather just kept it inside for a very long time. Waiting for the right moment and trying to collect all the courage in the world to tell how special you are to me.

By the way, goodluck on your performance later. I will be watching you from a far and secretly share one of the happiest moment of your life. Don't worry, I'm okay. Don't look for me. You will gotta know me real soon. I promise!

https://youtu.be/j1Z52XQBwoQ

-Anonymous-



Hindi alam ni Jane kung kikiligin o maiinis sya sa message ng "Secret suitor n'ya" dahil ayaw n'ya ng hindi nagpapakilala sa mga messages. Patagal ng patagal ay palalim ng palalim ang mga sinasabi nito. Unti unti na rin itong nagpapakilala. Hindi s'ya makapaghintay na makilala kung sino man iyon.

Habang malalim ang iniisip ay tumunog na naman ang kanyang cellphone.

"See you later, please pag-isipan mo yung sinabi ko sa'yo last time. Please give me a chance, Jane"

-Carlo

Kinikilig s'ya na ewan. Mas sumasakit lalo ang ulo n'ya.

Muli na namang tumunog ang cellphone n'ya. Galing sa isa sa pinakapaboritong tao n'ya.

"Good morning. Are you ready Jane? Let us give our best shot later. I'm so excited makakasama na naman kita on stage"

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon