Playlist ni Jane

540 38 6
                                    

*Your playlist is somehow a diary of your life*


" Bye guys! Ingat kayo pag uwi" Paalam ni Jane habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan ni Ms. Michelle.

Si Ms. Michelle ang nagmistulang taga hatid ng mga alaga nya ngayon dahil sya lang ang may dala ng sasakyan sa kanilang apat.

Alas otso na ng umaga. Pagod na ang katawang lupa at isip nya pero busog na busog naman ang kanyang tiyan. Perks of having a good paying job, nakakain n'ya ang mga food na talagang trip n'tang kainin. Magtitipid s'ya sa ibang bagay huwag lang sa pagkain.

Dumerecho sya sa kwarto at nagpalit ng damit. Pagkapatapos ay nahiga sya sa kama. Lapat na lapat ang likod nito sa malambot na higaan. Ipinikit ang kanyang mga mata at saka bumilamg ng..

Isa, dalawa, tatlo...

Ginagawa nya to para makatulog. Weird but effective naman sa kanya maliban sa araw na ito. Nakapikit sya pero nakikita nya ang larawan ni Kaye sa kanyang imahinasyon. Hindi nakatulong ang pag titig nya sa larawan nito. Nakabisado yata nya ang muka ng Singer.

Napangiti sya. Hindi nagtagumpay ang misyong makatulog bagkus ay dumilat sya at kinuha ang phone. One last time, magbabrowse ulit s'ya bago matulog. Pampalipas oras.

Wifi: On

Scroll..

Chuckle . . Ang funny nung post. Great! Makakatulog nga s'ya sa mga memes and videos na tinigtignan n'ya.

Then a notification pops out. Someone tagged her from a post. She checked it. . She smiled.

Tinag s'ya ni Suzette sa pictures ni Kaye Cal.

She really can't get enough of Kaye kaya naman lumabas na naman ang stalking skills niya. Her stalking skill is high level. Pede ng pang NBI sa galing dahil pati buhay ng taong malapit sayo ay aalamin nya.

Pinuntahan n'ya ang FB fan page nito then starts browsing every post on Kaye's page.

Stop. ..

Scroll..

Smile..

Scroll..

Tawa..

Mabenta sa kanya ang mga post ni Kaye. Kita rin sa FB page ang closeness and bonding ng Cal family. Some pictures with the band and her manager. Uunti uniting naging interesting ang buhay nito kay Jane.

Sino ba namang hindi?

"Parang ang humble nya. Mabait kaya sya sa personal?" bigkas nito.

Scroll..

Scroll..

Scroll..

Enough of FB. Punta naman sya sa Youtube Channel ng singer. She searched the most viewed cover nito and she stopped at the video "Sa aking Puso". An OPM song. She is not fond of OPM but she still hit the play button. Ang Bata pa ng itsura ni Kaye dito. Ang gwapo.

Nasa Author's note ito. Pero inattached ko na din para hindi na kayo bumalik. Love ko kayo ih. 😄 pakinggan nyo muna bago ipagpatuloy ang pagbabasa.

Malumanay ang pagkakaawit. Malamig ang tinig. May panahon na nadidistract sya dahil sa pagtingin tingin nito sa camera sabay ngiti. Bumibilis ang tibok ng puso nya. Tila ba. . Hmm nagagayuma?

Natapos ang kanta. Nakangiti lang si Jane. Kakaibang kaba ang naramdaman nya. Hindi maipaliwanag. Basta ang alam nya nag-enjoy sya sa kanta nito.

She never thought she would love an OPM song like that. Sobrang nakakainlove. The lyrics, melody and voice. Enchanted

Scroll pa ulit.

Stop..

Scroll..

Tingin sa picture..

Smile. .

Baliw lang? Haha.

"Ang dami na nyang covers" bulong sa sarili.

Pumili sya ng kanta. "Statue" ang title. This time, familiar na s'ya pero she can't imagine how this song would be like if this will going to be sang in an accoustic way. So curious, she then hit the play button and earphones on.

"Wow! Long hair sya talaga dati."nakangiting sabi nya.

At ayon, naging statue nga ang lola mo. Jk. Her heart almost skipped a beat. Pakiramdam nya sya ang kinakantahan nito. May kakaibang kilig syang naramdaman. Aatakihin na yata sya sa puso. O.A? Pero yun talaga ang naramdaman nya ng mga oras na yon. Bakit ko alam? Well... Secret. Haha

Patuloy ang panunuod nya ng mga covers nito. Every cover is worth watching. Napapatulala rin sya sa paggigitara nito. Few minutes later, napansin nyang napapadownload na sa mga kanyang si Kaye ang nag cover at may gawa.

Nadagdagan ang kanya playlists na dati ay puro Ed Sheeran, Bruno Mars lang. May ilan ding mga kanta ng The Chainsmokers, Ellie Goulding at iba pang foreign artist. Pero may bagong favorite ang tenga ni Jane. May bagong kapitbahay ang playlist ni Jane.

-----------------------------

1st day of December 2017. Nakakaloka.

1. Magwiwithdraw sana ako sa ATM. Pinasok ko ang card. Nagtype ng PIN and amount. Naghaaaaaang. Machine unavailable. 😑 walang lumabas na pera pero nabawasan ang account ko. GREAT!

2. Dahil sa naghang na ATM machine. Hindi ako nakasabay sa company shuttle. Nagdecide ako mag Uber. 30 mins. before shift dumating na ung driver. Sumakay ako. Ilang minuto.... TRAFFIC!.. time in: 1:00pm ( midshift) saktong sakto.

Me talking to myself: ang galing mo!.

Pero hindi pa din ako makamove on sa 1k na nadebit saken. Ibalik nyo ang pera kooooo!. *insert Nora Aunor's tone*

Ang habaaaaaaa ng kwento ko db? Kamusta itong part na to? Nagawa nyo rin ba yung mga ito?

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon