The Invitation

275 21 4
                                    

"Smile!"

*click*


"Bakla, isa pa. Ang pangit oh kita 'yung pores ko d'yan" reklamo ni Wendy.

"Bakla wala na tayong magagawa kung galit 'yang mga pores mo. Ifilter ko nalang para matago" ani Suzette

Busy sa kakaselfie si Suzette at Wendy habang si Jane naman ay -- busy sa pagtulala.

"Ang sabihin mo pangit lang 'yang camera mo"

"Wag mong isisi sa camera ko yang mukha mo. Teka, quiet shhhh"

*Click*

"Hoy ano ba 'yan!" Ani Jane.

Pinicturan kasi ni Suzette si Jane. Nakapalumbaba kasi ito habang sumusubo ng pagkain pero nasa malayo ang tingin.

"Malayo ang tingin, wala namang tinatanaaaaaww" pagkanta ni Wendy with feelings pa. "Ano ba kasing nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba?" 

Kasalukuyang nasa pantry sila at nanananghalian.

"Ah oo okay lang ako" nakangiting sabi ni Jane.

"Mukha nga, nangingiti-ngiti ka pa d'yan eh, Teka di ba umuwi ka sa inyo sa Bulacan? Kamusta naman?" Tanong ni Suzette.

"Maayos, sobrang ayos" sagot ni Jane.

"Wow, mabuti naman. Kasi kahapon bago tayo maghiwahiwalay ay malungkot ka"

Ngumiti lang ito bilang tugon kay Suzette.

"Iba! Mukhang nahihibang na ang isang 'to. Oy bakla, paalala ko lang ah, magpeperform ka sa Dec. 28. Year-end party natin. Magprepare ka na ng 3 songs. Sobrahan mo just in case na magrequest pa sila." Ani Wendy.

"Baka nga hindi pa ako makadalawa, pababain na nila ako ng stage" pagbibiro ni Jane.

"Tekaaaaaa!" Sigaw ni Suzette.

"Jusko naman makasigaw ah. Aatakihin ako sa hart hart niyan eh. Aney ba 'yon?" Alam n'yo na kung sino ang nagsalita.

"Di ba may contact na tayo kay Kaye Cal? Jane,pwede bang duet ulit kayong dalawa?" Excited na sinabi ni Suzette.

"Ah eh si Wendy, sya ang punong-abala. Bahala s'yang mag-ayos n'yan"

"Gimme the number, I'll call him. Her pala."

Inilahad ni Wendy ang kamay para kunin ang cellphone ni Jane. Parang gustong ipagdamot ni Jane ang personal cellphone number ni Kaye lalo na kay Wendy. Baka kulitin lang n'ya ito.

"Ang tagal!" Naiinip na sabi ni Wendy.

At wala s'yang nagawa. Iniabot na nga n'ya ang cellphone na naglalaman ng personal number ni Kaye Cal. Akala n'ya ay kukuhanin lang ni Wendy ang number at tatawag sa sariling cellphone ngunit...

*Ring*  *Ring*

"Hello Jane? 'Bat napatawag ka? Miss mo na ako?" sabi ng nasa kabilang linya.

Tinakpan ni Wendy ang mouthpiece ng cellphone at saka nagsimulang tumili.

"Waaah. 'Yung tataa! Nagkita ba kayo kahapon?" Mabilis na tanong ni Wendy pagkarinig sa sinabi ni Kaye sa kabilang linya.

Tumango lang si Jane.

"Mag-uusap tayo mamaya. Unahin ko lang ang isang 'to"

Ibinalik ni Wendy ang cellphone sa kanyang tainga at kinausap si Kaye.

"Hi Kaye, si Wendy to. 'Yung magandang friend ni Jane na mas maganda pa sa kanya." Sabi ni Wendy habang tumitingin tingin kay Jane. Si Suzette naman ay kinikilig at pasimpleng inilalapit ang tainga sa cellphone.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon