CCTV

243 23 13
                                    

"I....

Nakatitig.

Love....

Palapit ng palapit..

You..."

Hanggang sa...

"A-ang bigat!" Reklamo ni Jane

"Huy Kaye, gising" tinatapik tapik nya ang braso ni Kaye ngunit hindi ito nagrereact. Tuluyan na nga yatang nakatulog sa yakap ni Jane. Hindi n'ya magawang lingunin ito dahil kaunting galaw ng ulo niya ay halos mahahalikan nya si Kaye.

A/N:  Pero pwede rin naman, kung sasadyain n'yan. Pero conservative kuno kaya 'wag na na lang pala.

"K-kamusta naman 'yon. 5"9' na tao magpabuhat daw ba sa 5"flat? Kaye naman gising na. Ang bigat bigat mo kaya." Reklamo ni Jane pero sumisilay ang pilyang ngiti. Ang-harot-po-ni-Ate-girl.

"Paano naman kaya kita ipapasok sa bahay mo Karen Jade Cal?"

Hindi n'ya malaman kung paano hihingi ng tulong. Ang tanging nasa labas ng ay ang guard ng condo. Hirap naman s'yang kuhanin ang pansin nito dahil nasa tagong pwesto sila.

"Tu---" sisigaw sana si Jane kaso hindi n'ya itinuloy.

"Ay wag" napatakip s'ya ng bibig, "baka mapagkamalan nilang hinaharass ako nito. Pero hindi ba?" Napangiti na naman si Jane. Nakakaloko.

"Kaye kasi gising na d'yan." Pabulong nya

Napagod na s'ya kagigising dito kaya maingat s'yang tumalikod at isinampay ang kanang braso ni Kaye sa balikat n'ya.

"Kaye, buti nalang..

Buti nalang. .ma. . Gwapo ka" pabulong na sinabi ni Jane.

"I really like you, Jane" bulong ni Kaye.

Nagulat si Jane sa narinig. Ramdam n'ya ang mainit na hininga ni Kaye dahilan para lalong mamula ang kanyang mga pisngi.

"Nananaginip? Sana hindi n'ya narinig" napatakip nalang s'ya ng bibig.

"Too late"

Nilingon n'ya si Kaye. Nakatingin na ito sa kanya at nakangiti.

"Narinig ko 'yon"

"K-kaye.. a-ano. .gising ka pala. . Teka nga! tumayo ka na nga ng maayos. Kaya naman pala ang hirap mong gisingin. Nagtutulug-tulugan ka lang pala."

Sa halip na umayos si Kaye ng pagkakatayo ay nagpabigat pa ito. Na out of balance sila kaya pareho silang tumumba.

"Aray kooo!" Sigaw ni Jane.

"S-sorry. Hindi ko na kayang tumayo. Pakibuhat nalang ulit ako. Please!"

"Manigas ka d'yan. Ang bigat mo kaya."

"Nabali yata yung paa ko. Araaayy"

"Ang O.A mo. Tayo na"

"Tayo na?" Nakangising tanong ni Kaye.

"Oo, eh. . Huy ano ba yon? Teka, I mean. .tayo na. Tumayo ka na d'yan. Wag kang matulog d'yan. Mapupulmonya ka"

"He he. Ang sweet naman ng Honey ko"

"Honey?"

Biglang naalala ni Jane yung unang tinawag ni Kaye sa kanya. "Honey". Napangiti ito.

"Honey, tara na sa bahay natin" pabirong sabi ni Kaye.

"Tse! Umuwi ka mag-isa"

Tatayo na sana si Jane ng biglang. .

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon