Jealous

298 31 0
                                    

Say it's true, there's nothing like me and you
I'm not alone, tell me you feel it too

Magkatabi sila ngayon sa loob ng isang sasakyan. Halos magkatamaan ang siko nila sa isa't isa.

And I would run away
I would run away, yeah..., yeah
I would run away
I would run away with you

Tahimik na binabaybay ang daan patungo sa destinasyon. Ilang minuto palang sila sa loob pero parang forever na ito para kay Jane.

Cause I am falling in love with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you

Biglang sinabayan ni Kaye ang awit sa radyo. Original version ito ng "The Corrs". Dahil lalake ang boses ay nabigyan ng hustisya ang nais gawin na blending. Ang gandang pakinggan.

"Wow ang ganda pala pag personal mong narining yung boses" pabulong ni Suzette kay Carlo para hindi madistract si Kaye sa pagkanta.

Tumango lang si Carlo at ngumiti kay Suzette bilang tugon nito.

"Narinig ko 'yon. Nakakatouch. Salamat!" Nakangiting sabi ni Kaye pero hindi sya tumingin sa likuran dahil busy ito sa pagtetext.

Napansin ni Jane 'yon. "Sino kaya ang katext nya?" Sabi sa sarili.

Biglang nabasag ang kanina pang tahimik na paligid sa sasakyan. Tila ba naghihintayan lang sila ng unang magsasalita.

"Kaye, pwedeng magrequest?" Walang kagatol gatol na sinabi ni Wendy.

"Sure ano 'yon?" This time inangat na ni Kaye ang ulo at tumingin kay Wendy na nasa harapan.

"Pwede kanta ka? Kahit isa lang. Sige na please" pagmamakaawa ni Wendy.

"Yun oh. Special request. Pagbigyan mo na. Sinimulan mo na rin naman" sabi ni Joshua

"With guitar please" hirit pa ni Wendy.

"Ibaaaa! Demanding ang bruha!" Sabi ni Suzette.

Tumingin si Kaye sa paligid para alamin kung makakatugtog ba sya sa loob ng van. Positive. Ipinatong nito ang kanang tuhod sa upuan at humarap sa likod. Inabot ang gitara na nasa tabi ni Suzette.

Inihiga ng bahagya ni Kaye ang sandalan ng upuan. Nasa tabi siya ng pintuan at ang inuupuan n'ya ay yung adjustable ang sandalan.

Medyo humarap ito kay Jane at nagsimulang itono ang gitara.

"Ano bang request mo Wendy?" Tanong ni Kaye na seryoso sa pagtotono.

Napahawak sa baba si Wendy senyales na nag-iisip ito. Nakalingon sya para makita ng husto si Kaye "Latch by Sam Smith. Pwede ba 'yon?"

"Sure, pwedeng pwede"

"Videohan ko ah"

"Sige lang beh" pabirong sabi ni Kaye.

Kung titignan n'yong maigi (sana nakikita nyo talaga kasi ako malinaw na malinaw sa imahinasyon ko haha). Ang pwesto ni Kaye ay nakaharap kay Jane. Para bang haharanahin niya ang dalaga.

"One, two, three"

I feel we're close enough
Could I lock in your love?
I feel we're close enough
Could I lock in your love?

Now I've got you in my space
I won't let go of you
Got you shackled in my embrace
I'm latching on to you

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon