I thought I was rescuing her.
I thought I was the knight in shining armor.
But it turns out;
She was the badass princess that was rescuing me.-Anonymous-
Isang direct message na naman ang natanggap n'ya mula sa hindi makilalang Twitter account. Nagtataka na talaga si Jane. Palaisipan pa rin sa kanya kung sino nga ba ang nagpadala ng mga message na iyon. "Pinagtitripan lang kaya ako nito? Mukha ba akong katrip-trip?" Tanong ni Jane sa sarili. Habang nag-iisip ng mga posibleng gumawa nito sa kanya ay nabaling ang tingin n'ya kay Kaye. Kasalukuyang busy ito sa pagcecellphone.
"Sino na naman kaya yung kausap n'ya? Hmm nagkakataon lang kaya 'yon? kapag nakakareceive ako ng message from anonymous account eh busy s'ya sa cellphone n'ya like nung sa hospital? Wait, Hindi kaya---? Shocks! Impossible" umandar na naman ang pagiging assuming n'ya.
Tumayo s'ya at kunwari'y naglakad sa likod ni Kaye. Wrong timing, hindi na naman n'ya suot ang eyeglasses n'ya. Naiwan pala n'ya sa office. Tinatanggal n'ya kasi yun kapag hindi n'ya feel ang magsuot ng salamin. Feeling n'ya kasi s'ya sa Ms. Minchin. Hindi n'ya tuloy makita kung sino ba yung katext ni Kaye.
Nakaupo kasi sa sahig si Kaye at nakasandal ang ulo nito sa round pouf habang hawak ng dalawang kamay yung cellphone n'ya. Napatong naman sa dalawang binti n'ya yung gitarang ginamit n'ya kanina. Pwedeng pwede s'yang gulatin para sakto sa mukha yung cellphone pag nalaglag pero 'wag kasi sayang ang fes, gwapo pa naman Huehue.
Sa sobrang pagkacurious ay unti-unti s'yang lumapit. Hindi n'ya makita. Lumuhod na s'ya. Ayaw pa rin. Halos isubsob na n'ya ang pisngi sa sahig para lang masatisfy s'ya sa kalokohan n'ya. Hindi n'ya mabasa. Kaunting effort pa. Ayan, naaaninag na n'ya. "Parang--- parang tula ang ginagawa? O kanta? O kaya naman ay...... " sabi n'ya sa sarili.
At dahil ang weird na n'ya at muntanga na s'ya ay napansin na nga s'ya ni Kaye. Agad na nilock ni Kaye ang cellphone at saka inilagay sa bulsa. Wala ng nagawa si Jane kaya pinanindigan na n'ya yung posisyon n'ya.
"Jane, ano bang hinahanap mo d'yan? Nakakagulat ka, bigla-bigla kang sumusulpot sa likod ko" Sabi ni Kaye habang tumatayo. Parang gulat na gulat nga talaga s'ya.
"Wala! Yung ano kasi.. yung-- aha! Yung puso ko nalaglag yata, a-ah este yung-- yung kapares kasi ng hikaw ko na heart shape. Oo! Yung hikaw ko nawawala." At nalusutan nga n'ya. Medyo tumagilid s'ya para tanggalin ang isang hikaw at pasimpleng inalagay sa ilalim ng lamesa. Hindi naman ito napansin ni Kaye dahil nasa gitara ang tingin nito habang maingat na tumatayo.
"Bakit ba kasi nawala? Ano bang pinaggagawa mo? San mo banda nahulog?" Daming tanong ni Kaye.
"Naghawi kasi ako ng buhok, sumabit yata kaya natanggal. Alam ko dito lang sa banda dito nalaglag" tuloy lang ang palusot ni Jane. Mukhang nacoconvince naman si Kaye
"Sige tulungan kitang maghanap. Finders Keepers ah. Ang unang makahanap sa kanya na yung puso mo. Este yung hikaw mo pala" pilyong sabi ni Kaye.
"Luh aanhin mo yun? Walang kapares?" Alam ni Jane kung saan n'ya hinagis 'yung hikaw pero hindi n'ya kinukuha. Abah, gustong mapunta yung puso n'ya kay Kaye. Mga galawan nga naman.
"Pwede naman maghikaw ng walang pares eh. Uso kaya yun" nakaluhod na rin ito at naghahanap sa missing heart ni Jane.
Pareho na silang mukhang weird ngayon.
"Ayun oh!" Sabi ni Kaye. Kunwaring nakipag-unahan si Jane pero si Kaye pa rin ang nagwagi. Ang galing talaga ng acting skills mo Jane. Kanino ka nagworkshop?
Nakaupo pa rin sila sa sahig.
"So pano ba yan? Sa akin na ang puso mo?" Pabirong sabi ni Kaye habang tinitignan ang puso ni Jane este yung hikaw nga kasi, ano ba author?
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fiksi Penggemar(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?