Overdosed

313 26 0
                                    

"Beshy! Keri na ba to? Bagay ba saken?" Iba iba talaga tawag nya kay Jane. Wala silang endearment. Kung ano ano lang maisip itawag.

Namimili ng damit si Wendy para sa Christmas party nila.

"Oo okay na yan. Resort lang yun beshy ndi naman beach. Hindi na kailangan umawra" sabi nito habang nagchecheck ng IG

"Hindi ka naman tumitingin eh." Nagpout ito na parang bata. Gwapo tong si Wendy eh. Mali lang yata yung napaglihian ng nanay nya nung pinagbubuntis ito.

Tumingin si Jane. Kinuha yung damit kay Wendy. Itinapat sa balikat yung damit na parang sinusukat yung haba. Long dress kasi ito na pangbeach.

"Ma'am maganda po yan. Bagay sa inyo. Kukuhanin nyo po?" Sabi ng sales lady.

"Ay hindi po. Para po sa kanya. Chinecheck ko lang kung okay yung haba at ung style" tugon ni Jane.

Natawa naman yung sales lady na hindi ikinatuwa ni Wendy.

"Tara na nga! Hindi ko na pala yan bibilin. Mas bagay pala sayo eh"

"Tampururot ka naman masyado" sabay akbay kay Wendy. "Tara kain muna tayo. Nagugutom na ko"

"Ang takaw mo talaga"

"Bakit hindi ka ba nagugutom?"

"Sabi ko nga nagugutom na eh. Tara! Libre mo ah"

"Ano ba yan! Ako na naman!"

"Promise ako na next time"

"Narinig ko na yan dati.." sabi nalang ni Jane. Pero wala naman syang magagawa.

Nagpunta sila sa isang café. Pareho sila ng inorder. Carbonara at frappe. Pag hindi mo sila kilala ay mapapagkamalan mo silang magboyfriend ng biglang magsalita si Wendy.

"O M G! As in O M G talaga bakla!" Iba na naman tawag niya kay Jane.

"Ano ba yun? Nakakagulat ka naman!" Napahawak sa puso si Jane.

"Look oh.." tinignan ni Jane ang phone ni Wendy.

"Si Kaye Cal!!!!! Nasa Amana Waterpark sa sundaaaaayyy!" Nakapilantik pa ung isang kamay ni bakla..

"Oh tapos?" Pero deep inside nag-init ang pisngi nito. Halatang kinabahan. Napakuha sya ng frappe at biglang uminom.

"Di ba crush mo to?"

"Woy wala akong sinabing crush ko yan!"

"Alam ko naman noh kahit hindi mo sabihin. Alam mo na we're sisters kaya. Wala kang maililihim saken" pagmamayabang ni Wendy.

"Edi nice nandun sya. Nagpeperform pala dun ng live. Hindi pa ako nakapunta dun" pinipilit na gawin cool ang sarili pero sa totoo lang gusto na nyang magsunday para makita ng personal si Kaye.

"Sows sige push mo yang pagpapanggap mo ah. Wag na wag ko lang makikita na isa ka sa mga tumitili pag nagperform na sya.. sasabunutan talaga kita." Sabi ni Wendy.

"Hindi talaga!" Okay. Ikaw na Jane ang denial queen of the year.

Biglang tumahimik ang paligid. Namayani ang isang magandang awitin sa background.

"Why can't it be
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers
Only friends
You came along
At a wrong place, at a wrong time
Or was it me"

Napangiti si Jane.

"Okay! Ayan ang walang pakialam. Napapangiti bigla ng marinig yung version nya. Ano deny pa more?" Sabi ni Wendy.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon