The sunflower is the Greek symbol of Clytie (a water nymph) who turns into a sunflower after grieving over the loss of her love (Apollo). The mythological symbolism here is that Clytie (in the form of a sunflower) is always facing the sun, looking for Apollo's chariot to return and she might be joined again with her love.
"Tao po!"
"Uy Carlo ikaw pala 'yan. Ang tagal mo ding hindi napunta dito"
"Oo nga po eh. Hmm Ate si Jane po? Yayayain ko po sana. May pupuntahan lang kami."
"Si Jane, ayun natutulog pa. Naghihilik pa pati yung tumbong n'ya. Gisingin ko na para sa'yo. Tara muna sa loob"
Alas-otso pa lang ng umaga. Kapag walang pasok ay karaniwang naghihilik pa si Jane sa mga oras na ito.
"Huy Jane gising. Nandyan si Carlo, hinahanap ka. May pupuntahan yata kayo"
"A-ano ba! Ang aga aga pa eh." Hindi n'ya iniintindi ang sinasabi ng Ate n'ya dahil inaantok pa talaga s'ya.
"Tirik na yung araw kaya bumangon ka na d'yan. Nakakahiya kay Carlo oh. Ngayon lang ulit napunta 'yung tao dito kaya sige na bumangon ka na d'yan" sabi ng Ate n'ya habang hinihila ang isang braso nito.
"Ang aga aga pa eh. Maawa ka naman sa akin please! Wala pa akong tulog." Sabi ni Jane habang nakapikit pa rin ang mga mata at lumalaban sa paghila ng Ate n'ya.
"Anong wala pang tulog? Magdodose oras ka ng nakahilata d'yan. Naghihintay na si Carlo sa labas kaya bumangon ka na."
"Ano ba kasing mero---" hindi na naituloy ni Jane ang sasabihin ng matauhan s'ya. "Si Carlo? Bakit daw?"
"Aba malay ko sa inyo. Wala ba kayong pinag-usapan na lakad ngayon?"
"Wala naman" umupo na si Jane habang pupungaspungas.
"Sige mag-ayos ka na. Yung maayos ah! Bihis na bihis yung kasama mo baka mamaya kung ano lang isuot mo"
"Bakit ba sobrang concern kayo sa pananamit ko?" Sabi ni Jane habang kumakamot sa ulo. Mukhang wala pa s'ya sa hwisyo.
"Napakaboyish mo kasi."
"Wala namang batas na kailangan magpakikay lahat ng babae ah"
"Pano ka magkakaboyfriend n'yan? Baka si Carlo na yung matagal mo ng hinihintay. Sige na tumayo ka na d'yan"
"Bakit ba botong boto ka dun? Saka si Carlo? Magiging jowa ko? Tss!" Naalala na naman n'ya yung dare ni Wendy kay Carlo ng minsan silang mag-inuman sa bahay ni Wendy. Napatahimik nalang s'ya bigla.
"Oh ano na? Tunganga nalang?. Sige na kumilos ka na d'yan. Lalabas na ako."
"Bagay na bagay kayong magsama ni Wendy. Pareho n'yo kong nilalagay sa sitwasyon na ganito" reklamo ni Jane.
"Anong sabi mo?"
"Wala sige na labas ka na. Matutulog pa ko" humiga ulit si Jane.
"Anong matutulog. Bumangon ka na d'yan" hinampas ng Ate n'ya ang isang unan sa mukha ni Jane.
"Aray! Oo na, eto na nga oh babangon na. Sige na labas ka na"
"Magmake-up ka ah!" Sabi ng Ate n'ya habang papalabas ng pintuan.
"Sige na shuuu! Shuuu!" Hinagis ni Jane ang unan. Hindi naman tinamaan ang Ate n'ya dahil agad nitong naisara ang pinto.
"Wala naman kaming lakad. Bakit kaya nandito yun?" Tumayo si Jane at dumerecho sa cabinet para kumuha ng damit. Katulad ng dati, kung ano lang ang madampot na damit ay okay na sa kanya. Pagkapili ay saka s'ya pumunta sa CR para maligo.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfiction(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?