Naglalakad ang magkakaibigan sa hallway para pumunta sa malapit na kainan ng makita nila si Carlo at ang grupo nito.
"Uy Carlo. Gusto n'yo sumama? Tara kain tayo treat ni Wendy" bungad ni Suzette.
"Ay iba din! S'ya na nga yung ililibre nag-aya pa ng kasama. Lupet mo ate girl" reklamo ni Wendy.
"Wow libre? Sige sama kami." Sabi ni Alex.
"Isa pa 'tong medyo makapal eh. Tara na nga baka lalong uminit ang ulo ko sa inyo" kunwari pa 'tong si Wendy pero feeling rich talaga s'ya ngayon.
Ilang minuto ng paglalakad at nakahanap na rin sila ng makakainan. Pagpasok sa loob ay saktong may bakanteng lamesa na kasya ang anim na katao. Nagkanya-kanya na sila ng upo. Sa isang side sila Jane at sa kabilang side naman sila Carlo. Kaharap ni Jane si Carlo, si Wendy and Joy, Alex and Suzette naman ang magkatapat.
"Naks para tayong nagtitriple date" ani Suzette
"Wag naman lugi ako. Hindi kami talo ni Joy" sabi ni Wendy.
"Ako nalang magpapakalalake Wendy, choosy ka pa eh" sabi ni Joy
"Oo naman noh, Jane palit nalang tayo" kinakalabit n'ya si Jane ng parang bata. Umiiling-iling naman ito habang nakangiti.
Nagtawanan ang lahat.
"Oh sya umorder na nga kayo. Ang daming kwento eh" sabi ni Wendy.
Umorder na sila. Habang kumakain ay napansin ni Jane ang cellphone ni Carlo na nakapatong sa lamesa. Nakita n'ya na accoustic guitar ang wallpaper nito. Hindi s'ya masyadong sigurado dahil hindi s'ya nagsuot ng contact lense dahil nagmamadali si Wendy mag-aya para kumain. Familiar ang itsura ng picture sa unang tingin.
"Uy ang ganda naman n'yan. Sayo?" Tanong ni Jane habang nakaturo sa cellphone ni Carlo.
"Aah. Eeh. Hindi, sa pinsan ko to. Nagandahan ako kaya pinicture'an ko" kinuha nito ang cellphone at inilagay sa bulsa.
"Ah okay. Akala ko pa naman marunong ka na din tumugtog." Sabi ni Jane na halatang nagtataka pa rin sa nakita.
Hindi na kumibo si Carlo sa huling sinabi ni Jane. Ibig sabihin ay Accoustic guitar nga iyong wallpaper n'ya.
Nagpatuloy sila sa pagkain. Galit galit muna sila.
Makalipas ang ilang minuto.
"Ang sarap talaga pag libre" sabi ni Alex habang hinihimas pa ang tiyan.
"Sila libre,ikaw? Magbayad ka dun" tinuro ni Wendy ang cashier.
"Grabe ka, hindi pa naman ako nagdala ng pera. Teka, bakit ang sungit mo sa akin? Type mo ba ako?" Pang-aasar ni Alex.
"Kapal talaga nito. Pagdating sa pagkain nawawala yang hiya mo. Akala mo nakalimutan ko na yung apple ko na kinain mo?"
"Move on na tayo. Nailabas ko na nga 'yun eh"
"Joy, san ba kumuha ng kakapalan ng mukha 'tong si Alex. Nasobrahan ata" tanong ni Wendy kay Joy.
"Kung mag-e'LQ kayo 'wag nyo akong idamay d'yan" pabirong sabi ni Joy habang sumisipsip sa mango shake n'ya.
"Sungit naman nito pagkatapos ko kayong ilibre ganyang ang igaganti n'yo sa akin? Mga wala kayong utang na loob" pag-iinarte ni Wendy.
"Nagdrama na naman po s'ya. Salamat sa libre bakla!. Oh sya tara na, baka hinahanap na tayo ni Ms. Michelle" singit ni Suzette.
Tumayo na sila para bumalik na sa resort ng biglang may magtext kay Jane.
"Jane, asan ka ngayon? Hindi ka ba uuwi ng bulacan?" - Tatay
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfic(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?