The Spotlight

264 29 0
                                    

Malamig ang paligid subalit mistulang  nakikipagpaligsahan dito ang lamig ng mga palad ni Jane. Ganito ang kamay n'ya kapag sobra sobrang kaba ang nararamdaman.

Kasalukuyang magkahawak ang kamay nila habang binabaybay ang daan patungo sa entablado. Unti unting nawawala ang ingay ng mga tao na kanina lang ay malakas ang hiyawan at masayang binibigkas ang kanilang mga pangalan hanggang sa tuluyan na itong mabingi. Ang tanging naririnig nalang nya ay ang yabag ng kanila mga paa at ang mabilis na tibok ng puso. Wirdo at kakaiba pero masarap tainga. Parang isang bagong tugtugin na ngayon lang n'ya narinig. Hindi pa rin sya makapaniwala sa lalake/babaeng naglalakad sa unahan nya. Talagang pinapangarap n'ya ang mga ito pero hindi akalain na mangyayari ng sabay. Ang kumanta sa maraming tao at makita ang iniidolo. Ibang klase pala pag naglaro ang tadhana, nakakabigla.

"Tara?"

Nakangiting aya ni Kaye. Nasa may hagdan na sila. Apat na baitang lang pero parang ang taas taas ng hahakbangin n'ya.

Unang hakbang. Kinakabahang tumingin sa audience si Jane. Nakangiti ang mga ito sa kanya.

Pangalawang hakbang. Lalong bumibilis ang tibok ng puso. Hindi nakatulong ang hilig sa pag-inom ng kape. Nasobrahan yata ang pagiging nerbyosa n'ya.

Pangatlong hakbang. Hawak pa din siya ni Kaye. Mas lalong humihigpit. Wag mo akong iwan please. Sabi sa sarili.

Ikaapat na hakbang. Tuluyan na s'yang nasa entablado. Ilang minuto nalang ay sasabak na s'ya sa kantahan.

"Huwag kang kabahan. Nandito lang ako" sabi ni Kaye sabay higpit sa pagkakahawak sa malamig na palad ni Jane.

Dapat ay nagwawala na ang puso ni Jane sa mga narinig na linya pero hindi, namamayani ang kaba. Mukhang magpupulot na s'ya ng pusong gustong kumawala sa dibdib n'ya.

Huminga ng malalim si Jane para kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman. Ito na yata ang sinasabi nilang "stage fright".

Lumapit si Kaye sa kaniya. Gulat na gulat si Jane kaya biglang napaurong ito ngunit hinatak naman s'ya ni Kaye. Hindi din nakakatulong ang mga gestures ni Kaye na ganito lalo na sa ganitong sitwasyon.

"Saan ka mas komportable? Sa pagkanta habang naggigitara or kanta lang?" Pabulong na sabi ni Kaye.

"Ah.. eh.. kanta habang.. naggigitara" pautal utal na sabi ni Jane.

"Alam mo ba yung chords?"

Nag-aalalang tanong ni Kaye. This time hawak na ng kanang kamay ni Kaye ang kaliwang kamay ni Jane. Magkaharap sila sa isa't isa, sa gitna ng entablado. Medyo nakayuko ito para mas malapit na mabulungan si Jane.

"Oo. Napanuod ko sa youtube yung guitar tutorial mo para dun sa song." Sabi ni Jane.

Lumawak ang ngiti ni Kaye. Parang kinilig ng kaunti.

"Talaga? Wow! Hindi pala tayo mahihirapan" masayang sabi nito.

"Ikaw siguro hindi. Hindi ko lang alam kung makikisama tong kamay at boses ko." Nakuha pa n'yang bumanat.

"Alam ko namang kaya mo. Ikaw pa ba?" Pampalakas ng loob na sabi ni Kaye.

Kumalas muna sa pagkakahawak si Kaye.

"San ka pupunta? Sabi mo dito ka lang?" Sabi ni Jane sa sarili.

Kumuha ng tig-isang gitara si Kaye. Nakalagay ito sa tabi nila Joshua. (Si Joshua ang Lead Guitarist ng banda). Dalawa lagi ang dinadala n'ya kapag mayroon s'yang gig. Para in case of emergency ay may reserba ito. Minsan na kasing napigtas ang string gitara n'ya habang nagpeperform.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon