Rejection

209 25 5
                                    

"Until this moment, I had not realized that someone could break your heart twice, along the very same fault lines."

Jodi Picoult, My Sister's Keeper




Lumapit si Kaye para mas marinig ang pinag-uusapan ni Jane at kasama nito.

"Alam kong dito ka pupunta. Favorite park n'yo ito ni Drew di ba?"

"Yeah"

Tumahimik bigla. Mas lumapit si Kaye. Halos nasa likuran nalang s'ya ng mga ito.

"Jane, I'm sorry"

Familyar ang boses ng lalaki. Si Jane lang ang nakikita n'ya dahil nasa gilid nito ang kausap.

"You can punch me on my face if you want"

"No. I won't kahit gustong-gusto ko na."

"It's okay for me. Tutal napakawalang kwenta kong kaibigan naman. Nagsinungaling ako sa'yo. Nasaktan kita. I deserve it"

"What's the use? Kahit ilang suntok pa ang gawin ko sa'yo mas masakit pa rin yung idea na nagsinungaling ka sa akin." malumanay na sinabi ni Jane. Hindi galit ang boses nito. Tila nagpapaliwanag lang.

"Jane..."

Unti-unting yumuyukom ang kamao ni Kaye. Pakiramdam n'ya ay nahuli na s'ya. Kung mas binilisan lang n'ya sana. Kung napaaga lang sana s'ya ng ilang minuto.

"Po?" Matipid na sagot ni Jane.

"I know it is not the right time to ask you this but I will take the risk" nakatingin lang si Jane kay Carlo

"Can you be mine?"

Hindi namalayan ni Kaye na tuluyan na ngang nasira ang Kwintas na kanina pa n'ya hawak.

Katahimikan.

"Naniniwala ako sa kasabihan na Silence means Yes, pero parang hindi sa pagkakataon ito"

"Carlo."

"Please Jane" hinawakan ni Carlo ang mga kamay ni Jane.

"Please give me a chance to prove my feelings for you. Since we were just a kid, I knew you were special. Here" inilagay ni Carlo ang kamay ni Jane sa kaliwang dibdib n'ya.

Naghihintay si Kaye ng isasagot ni Jane ngunit tahimik lang ang dalaga.

"Please Jane, say Yes"

Tahimik pa rin si Jane.

"I guess may mga question talaga na mahirap sagutin"

"C-carlo, I..  love..  you.. b--"

Parang gumuho ang mundo ni Kaye sa mga oras na iyon. Ang sakit marinig ng mga katagang iyon mula sa taong mahal n'ya, pero hindi para sa kanya, para sa ibang tao.

Patakbo ang lakad, umalis na s'ya sa kinatatayuan dahil hindi na n'ya gustong marinig pa ang mga sasabihin ni Jane. Hindi nya namalayan na nakagawa pala s'ya ng ingay na maririnig nila Jane at Carlo.

Akala ko sa'yo natagpuan
Pag-ibig na walang hanggan
Ang ating pagsasama
Pinaglaruan ng tadhana

Patuloy ang pagtakbo ni Kaye. Derecho sa kotse at doon ibinuhos ang lahat ng galit at inis na naramdaman. Basang basa ng luha ang braso n'yang nakadukdok sa manibela ng sasakyan.


Nagmahal ka ng iba
Iniwan mo akong mag isa
Hindi ko maturuan ang pusong
'Wag magmahal ng tapat sa'yo

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon