Madilim ang paligid habang ang mga ilaw ay sumusunod sa indayog ng pag-awit. Nagmistulang libo libong bituin na bumaba mula sa langit.
Winawagayway ng mga manunuod ang kanilang mga telepono habang naka-on ang flashlight. Ang gandang tignan.
Sa gitna ay matatagpuan ang babaeng nakatayo. Umaawit. Nakapikit habang kinakapa ang chords ng gitara. Damang dama ang pag-awit. Habang ang mga tao ay nakikisabay sa kanya. Ito na ang huling awit nya para sa gabing iyon.
Nakafocus ang mukha nya sa malaking screen sa likod nito. Nakakunot ang noo na para bang gusto ng umiyak. Parang ilang saglit lang ay lalabas na ang luhang kanina pa pinipigilan.
Natapos ang awit. Napabulong sya sarili "Dreams do come true".
Sya lang ang nakarinig.
Kumakaway sa mga tao. Hudyat na tapos na. "Thank you for coming!" Sabi nya.
Dreams
Do
Come
True.
D R E A M S........
*Kring!* *Kring!*
Napabalikwas si Jane sa higaan. Gulat na gulat ang mukha nito. Sabog sabog ang buhok at may kaunting luha sa mga mata nya.
"Shoot! Anong oras na?" Tumingin sa phone nya.
"Anak ng tofu! 10am naaaaaa!"
Pasigaw na sabi nito. 11am ang call time nila para sa christmas party. Sabay sabay kasi sila pupunta sa Amana.
Dali dali syang tumayo. Kumuha ng towel at dumerecho sa CR.
"Hindi pa ako nakakapag-ayos ng gamit koooo!" Sigaw nya habang nasa loob ng CR.
Ilang minuto. Woahla! Natapos na syang maligo. Ang bilis.
Kumuha sya ng backpack at naghanap ng mga damit na dadalhin. Kung ano nalang ang mahanap nya. Wala din naman syang magagandang damit para sa ganong okasyon.
Panligo. Check
Pantulog. Check
Pang-uwi. Check.
Extra. Check.
Action cam. Check -dinadala nya kahit saan to. Para may pang-awra yung baklita nyang friend.
"Okay na yan" sabi nya habang nakapamewang. Nasa ulo pa din nya yung towel.
Kumuha sya ng slip-on na sapatos at isinuot. Lumabas na sya ng kwarto.
"Ate alis na akoooo!" Pasigaw nito.
Nasa kusina ang Ate nya pero nakita nya si Jane.
"Woy! May towel ka pa sa ulo! Hahaha bakit ba sobrang nagmamadali ka?"
Nagulat si Jane. Napahawak sa ulo.
"Shoot! Ou nga." Pumasok ulit sa loob ng bahay. Kinuha yung towel sa ulo. Sabay hagis sa Ate nya. Kinuha din nito yung suklay na nakalagay sa may upuan at mabilis na sinuklay ang maikling buhok. Shoulder length lang ang buhok nito.
"Putek! Buti hindi nasawsay sa patis tong towel. Bruha ka talaga!" Sigaw ng Ate nya.
Natawa lang si Jane. "Alis na ko! May christmas party kame. Punta kame sa bulacan. Amana Waterpark"
"Bakit ngayon ka lang nagpaalam? May magagawa pa ba ako? Sige ingat!" Sabi ng Ate nya.
Nagflying kiss lang si Jane.
Ang cute talaga nilang magkapatid. Super close kasi silang dalawa kaya nung mag-asawa yung Ate nya medyo nalungkot din ito. Pero nasanay na din sya. Siguro nga kailangan na din nyang makahanap ng Boyfriend. Pero pano?
Sa office....
"Asan na si Jane? Pupunta ba yun?" Sabi ni Suzette.
"Hala baka nagtampo saken ang bruhilda" ani Wendy.
"Bakit? Ano na naman yung ginawa mo?"
"Yes? Bakit parang ang bad ko sa part na yon? Pinapaamin ko lang naman sya kung crush ba nya si Kaye Cal"
"Bakit napasok si Kaye?
"Eh nasa Amana lang naman sya mamayang gabi!"
"O M G! Totoo? Wow ang swerte naman natin!" Hinahampas hampas pa ni Suzette si Wendy sa braso. Kilig na kilig
"Aray! Aray!.. Stop it! Ang wild mo baklaaa!.. So ayun nga, sinabi ko sa kanya yun pero parang wala lang sa kanya. Pero naamoy ko na crush nya yun kaya pinapaamin ko. Hehe" dumila pa ito na kala mo bata.
"Sabagay. Iba tingin nya dun sa picture ni Kaye nung kumakain tayo last time. Magaling lang magtago ng feelings yang si Jane" sabi ni Suzette.
(Okay. Magaling pala sya sa game na Taguan-ng-feelings. Talent yan Jane. Teach me how.)
"I know right! Kaya hindi nagkakajowa eh. Pag may gusto sya deadma lang. Kaya pag like din sya nung guy, wala! Nawawalan ng pag-asa kasi parang naiisip nila wala naman silang chance sa kanya." Nakahawak pa sa baba si Wendy. Akala mo ay may sinosolve na math problem.
"Yes? Pag-usapan daw ba ako habang wala? Galing nyo guys!" Sumingit si Jane.
"Ay butiking panis!" Nagulat na sabi Wendy.
"Hahahaha! Napapanis pala yung butiki? Natikman mo na bakla? Pati ba naman butiki walang patawad sayo?" Tawang tawa si Suzette sa reaksyon ni Wendy.
"Bruha ka! Eto kasi nakakagulat. Teka bakit ba ngayon ka lang? Kanina pa namin ikaw hinihintay!" Yes? pabebe talk lang tong bakla na to.
"At teka ano yan? T-shirt, ripped jeans, slip on shoes? Baklaaaaaa!... " ani Wendy.
"Anooooo" habang ngumunguya ng chewing gum.
"Kaloka ka. My chewing gum ka pa! San ba punta mo girl? Gigimik ka ba? Bakit ganyan ang outfit mo?"
Sa malayo ay natatawa lang ang grupo ni Carlo. Ang ingay kasi nilang tatlo.
"Bakit ba? Ano bang problema mo sa damit ko? Ganito ako manamit eh" sabi ni Jane.
"Anak ka ng nanay mo. Beshy pupunta tayo sa resort. Bat ganyan?" Napahawak sa noo parang ang laki ng problema nya.
"Eh late na ako nagising. Kung ano nalang makuha kong damit yun nalang sinuot at nilagay ko sa bag. Hehe" nagpeace sign sya.
"Haha! Bistado! Late pala nagising eh" sabi ni Suzette.
"Don't tell me wala kang pang-awra jan sa bag mo?" Kukunin na sana ni Wendy yung bag nya pero iniwas ni Jane ito.
"Luh may bag inspection pala dito? Saka wala naman rules na kailangan umawra ah. Hindi na kailangan umawra. Maganda na ako" sabay papogi ni Jane.
"Friend!" Humarap sya kay Suzette. "Kausapin mo nga yan! Hindi ko kilala yan!"
"Ang hard mo kay Jane!" Tawang tawa si Suzette sa kanilang dalawa
"Lagi mo nalang ako ginaganito baby" sabi ni Jane.
"Yuck kadiri ka talaga! I hate you!"..
"But I love you!" Biro ni Jane. Niyayakap si Wendy. Pero umiiwas si ito.
"Don't touch me. I don't know you. Guaaaard my baliw po dito." Naghahabulan na silang dalawa. Parang bata.
Masaya silang tatlo ng biglang.....
---------
Isang mabilis na update. Bago lumuwas.
Monday na naman! Have a productive week guys. 😄
Please comment, Vote and Share 😙
Twitter: @simbjang
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfic(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?