Nagising si Jane sa init ng sinag ng araw na tumatama sa mukha n'ya galing sa bintana.
"Happy new year!" Aniya habang nag-uunat ng mga braso.
Bumangon si Jane mula sa pagkakahiga. Nag-unat ng mga braso. Mukhang maganda ang tulog n'ya. Kinapa n'ya ang eyeglasses sa kanang bahagi ng higaan kung nasaan ang maliit na lamesa. Isinuot n'ya ito at...
Flashback.
Muling sumagi sa isip n'ya ang mga pangyayari kagabi. Parang isang scene sa pelikula kung saan si Kaye mismo ang nagsuot ng salamin n'ya sa mata.
Slow motion.
Habang isinusuot sa kanya ang salamin ay unti-unting lumilinaw ang imahe ng taong kaharap. Nakangiti din ito sa kanya.
Hindi talaga pumapalya si Kaye na pangitiin si Jane. Sabagay, marinig lang nito ang pangalan ni Kaye ay napapangiti na s'ya. Malalim na yata ang pagkahumaling sa hinahangaan. Hindi na rin n'ya alam kung ano na nga ba ang nararamdaman.
Sa lamesa ay natanaw n'ya yung memory card na nakapatong sa kanyang cellphone. Kagabi pa n'ya gustong panuorin ang laman nito. Naudlot lang dahil sa isang nakakaintrigang mensahe sa kanya.
Isa rin pala sa dahilan n'ya kagabi kung bakit tila pagod na pagod ang kanyang utak. Parang hindi n'ya kayang pagsabay sabayin ang iba't ibang klase ng emosyon sa isang gabi lang.
"Ano kayang laman nito?" Tanong ni Jane sa sarili.
Mayamaya ay nakaramdam si Jane ng kalam ng sikmura kaya naman ipinagsantabi muna n'ya ang pagnanais na malaman ang nakakaintrigang video. Gusto na n'ya talagang panuorin kung ano ba talaga yung tinutukoy ni Kaye na Find The Value of Kaye pero nangingibabaw ang gutom n'ya. Naakit ang nostrils n'ya sa masarap na niluluto sa kusina. Alam na alam n'ya ang amoy na 'yun, hindi s'ya maaaring magkamali, amoy yun ng paborito n'yang sinigang.
Lumabas s'ya ng kanyang kwarto, sinundan ang pinanggalingan ng amoy. Tama nga ang hinala n'yang sinigang ang niluluto ng Nanay n'ya. Lumapit s'ya dito sabay yumakap ng patalikod. Lagi n'yang ginagawa iyon sabay hawak sa malambot nitong bilbil. May bonus pang kagat sa balikat dahil lagi n'yang pinanggigigilan ang kanyang Nanay.
"Aray ko! 'tong batang 'to talaga. Kung may sakit ako sa puso, inatake na ako." Reklamo pero nakangiting sabi ni Nanay.
"Sorry, ang taba mo kasi hehe."sabay pahabol pang sundot sa bilbil nito.
"Nagising ako dahil d'yan. Ang sarap ng amoy 'Nay" tinuro ni Jane yung niluluto gamit ang nguso n'ya.
"Gutom ka na ba? Umupo ka na d'yan, malapit na itong maluto"
"Mamaya na, sabay sabay na tayong kumain. Nasan pala sila?"
"Naku, mauna ka na. Maagang umalis si Tatay mo. Pinuntahan yung bahay nila lola mo. May aayusin yata. Sila Ate at Kuya mo naman ay pumunta kay balae, bibisita lang saglit."
"Aah ganon ba. Sabay na tayo 'Nay"
"Sige na busog pa ako, late na ako nag-almusal kanina."
"Wala talagang gustong sumabay sa'kin sa pagkain. Sad. Teka, late ka na nag-almusal?anong oras na ba?" Ngumuso pa s'ya na parang bata para maemphasize ang pag-arte na nalulungkot talaga. Lumalabas ang pakachildish n'ya pagkausap ang mga magulang.
"A las once y media na anak. Napasarap ka ng tulog"
"Ay talaga ba, Nay?"
Nagulat si Jane ng malaman kung anong oras na. Balak talaga n'yang maaga gumising para maumpisahan ang unang araw ng makalabuhang gawain. Naniniwala kasi s'ya na kung ano ang naumpisahan ay ganon ang mangyayari hanggang sa katapusan ng taon, ngunit wala namang scientific explanation yun. Mahilig lang s'yang gumawa ng mga paniniwala at napapaniwala naman talaga s'ya kasi isa s'yang paniwalain.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfiction(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?