Suplada - Maldita

364 31 4
                                    

"Baklaaaaa! Anong nangyare dyan sa fes mo. Bakit ang lake ng eyebags mo? Anong pinanuod mo kagabi ha?"

Nasa meeting sila pero kinukulit ni Wendy si Jane. Pansin mo nga dito ang malaking eyebags. Mukang hindi nakatulog ng husto.

"Wala! Bat ba ang kulit mo? Makinig ka nalang dyan. Baka mamaya makita ka ni Ms. Michelle at ipadiscuss sayo lahat ng sinabi nya. Ikaw din."

" Nacurious lang ako bilang friend mo. Wala ka na ngang jowa tas hindi ka pa nag-aayos. Baka tumanda kang single nyan. Ayos ayos din pag may time."

"ikaw kasi talaga yung hinihintay ko Wendy, kelan mo ba ako mapapansin?" natatawang sabi ni Jane.

"Yuck kadiri ka! Lubayan mo ko hindi tayo talo" sabi ni Wendy. Tumaas pa ang isang kilay.

"Ouch! Nabroken hearted naman ako dun. Sige hihintayin nalang kita baka isang araw marealized mo love mo din pala ako. Tanggap naman kita kahit ano ka pa"

"ewwwwww!" tanging tugon ni Wendy.

Napalakas ang pagkakasabi nito. Tinginan lahat ng nasa Meeting room. Pati si Ms. Michelle ay napatingin.

"Ano yun Wendy? Bakit napapa-Eww ka dyan?"

"Oops! Wala po Ms. Michelle. May nakita kasi akong kuto sa ulo ni Jane."

Nagtawanan lahat.

"Baliw ka" Pabulong na sabi ni Jane.

Natatawa lang si Wendy. Tila ba nakaganti ito sa pang aasar ni Jane sa knya kanina.

"Okay, may questions or violent reactions ba kayo regarding sa new update ng process natin? If meron please sabihin nyo na para aligned tayo. Mahirap na baka may maaudit saten." Sabi ni Ms. Michelle

"Wala na po" sabay sabay nilang sinabi.

"Just to add, we will be having our christmas party. Buong Project. Next week na ito. Sa isang resort sa Bulacan. Amana Waterpark. Sana makasama lahat para mas enjoy."

"Wow maganda doon. Sama ka?" siniko ni Wendy si Jane.

Sila talaga ang pinakaclose sa magkakateam kahit na parang aso't pusa.

"Tignan ko pa" tugon ni Jane.

"Ano ba yan. Wala ka namang jowa. Wala kang kadate wag ka na magpanggap" Nammumuro na talaga tong bakla na to sa pagsabi ng walang Boyfriend si Jane. Buti nalang sanay na ito sa knya.

"Family? Hindi ba pedeng maging reason ko sila? Badtrip to ah!"

"ayyy! Okay ikaw na family oriented. Pero sana makasama ka para happy happy".

"Ang Sweet mo talaga saken baby!" pang-aasar ni Jane. Sa ganitong biro talaga naiinis ng husto so Wendy kaya nakakaganti sya dito.

"bwisit ka talagaaaa!" aambang sasabunutan si Jane. Pero pabiro lang.

"Oo na. Sasama na ko. Wala din naman akong ganap nun. 3rd week pa ako uuwi samen"

"kita mo! Papilit ka lang kasi nakuuu!".

"Whatever!" sabi ni Jane.




Lumabas na sila ng meeting room at nagpunta na sa knya kanyang station para magtrabaho.

Tinatamad magtrabaho si Jane dahil wala nga syang masydong tulog. Para ganahan, tulad ng dati nyang ginagawa ay kumuha sya ng headset para makinig. Pero this time ang hinahanap hanap ng tenga nya ay ang malumanay na boses ni Kaye.

Namili sya ng kanta at pinatugtog. Mapapansing ngumingiti ito. Nakita sya ni Carlo at nilapitan sya nito.

"Hi Jane" sabi ni Carlo

Walang imik si Jane. Tawagin daw ba kasi ung nakaheadset.

Kinalabit nya ito. Napalingon si Jane. Gulat na gulat pa. Natawa si Carlo.

"Ano ba yang pinakikinggan mo at napapangiti ka pa jan. Hindi mo napansin na may lumalapit na sayo." Natatawa sa expression ni Jane. Dahil din siguro sa itsura nito na malaki ang eyebags.
"ah wala. Ano ba yun?" iritable na sabi ni Jane.

"Sungit naman, eto pala ung pinagawa mo saken nung isang araw" tapos tumingin sa itaas sabay sabi "Thank you Carlo! Ang bait mo talaga" tila ba ginagaya nya si Jane at sya na ang nagpasalamat para sa sarili nya.

"Tss ang korni mo. Pero thank you! Sa uulitin" sabi ni Jane habang binubuklat yung folder na inabot sa kanya ni Carlo.

"Ay ibaaaa! Mejo makapal! Pero sure basta ikaw". Pabulong lang nyang sinabi yung huling linya.

"Ano yun?" sabi ni Jane.

"Sabi ko may parada kayo mamaya. Sumama ka ikaw ang leader. Ano bang song yung pinapakinggan mo. Buti pa yan napapangiti ka. Saken ang sungit sungit mo" sabay tingin aa playlist ni Jane.

"Ay iba na taste mo sa music? OPM na? Dati Ed sheeran and Bruno Mars ka db?"

"maiba lang. Gusto ko lang mamiss silang dalawa bakit ba?

"Okay Okay! Wala na ko sinabi" nakataas lang pa ang kamay nito na parang susuko.

Natawa nalang si Jane. Si Carlo naman ay bumalik na sa upuan nya.

Hindi alam ni Jane at Carlo na kanina pa nakatingin sila Suzette at Wendy sa kanila. Nangingiti ang mga ito na kala mo nakakaloko. Napansin sila ni Jane. Nagfinger heart ang dalawa habang si Jane, deadma at binalik ang headset sa tenga. Umandar na naman ang pagkasuplada ni Jane



Habang nasa pantry..

"Alam mo girl ang manhid mo!" sabi ni Wendy.

Napaturo sa sarili si Jane habang ngumunguya.

"Ay hindi! Sya!" sabay turo kay Suzette. "Sayo ako nakatingin di ba? "

"Haha. Sorry naman! Bakit na naman? Ano na naman bang ginawa ko?" sabi ni Jane.

"Nagpapapansin lang naman sayo yung tao kanina" si Suzette ang nagsalita. "Umandar na naman yang pagiging suplada mo".

"Kaya hindi ka nagkaka Boyfriend" sinabayan ni Wendy si Suzette sa pag sabi niti. Alam ni Wendy na yun na yung next line ni Suzette. Friend's instinct.

"Sige ipagsigawan nyo pa sa buong universe!" tuloy pa rin ang pagkain nito.

"Ewan ko ba sayo bat ganyan ka. Sawang sawa na kame kakapaalala na dapat hindi ka suplada, at mag ayos ka. Kaso wala! Parang lumalabas lang sa kabilang tenga mo yung mga sinasabi namin. Kaloka ka!" ayan na naman si Wendy sa mga kadramahan nya.

"Ang O.A mo po. Hayaan mo nalang kasi ako. If dadating,dadating. If hindi okay lang. Masaya naman ako. Oh eto kumain ka nalang jan" inabot kay Wendy yung food nya.

"Ay salamat. Yummy!" ang bilis magbago nga atensyon. Kalokang bakla to.

"Wendy and suzette sama kayo sa Christmas Party aa! Hindi ko na yayain si Jane ang sungit nya saken ee" sabi ni Carlo. Magtatapon sya ng basura. Saktong malapit sila sa may trash bin kaya lumapit muna ito sa pwesto nila Jane.

"Sasama ako hindi mo na ko kailangang ayain." Sabi ni Jane.

" Ayan ka na naman!" sabi ni Suzette.





-------------------------

Nakakatuwang makita yung mga old friends mo. Walang pinagbago. Ang haharot pa din. Hi Kaycee and Lara!. 😄

Anong masasabi nyo dito guys? Thanks sa pagbabasa. Please leave a comment if may gusto kayong sabihin. Pakivote and shar na din sa mga friends nyo.

Thanks you!. 😚

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon