Mission: Make Her Laugh

308 21 10
                                    

Sa bawat pagtingin ni Kaye sa kanang side mirror ay kasabay rin ang pag-iwas at pagbaling ng tingin sa labas ng kanyang katabi. Tila ba naiilang si Jane sa tuwing ichecheck ni Kaye ang nakasunod na sasakyan gamit ang maliit na salamin sa gilid ng kotse. Sinasadya din ito ni Kaye para pasimpleng makatingin sa kanya. Pansin n'ya ang maluha luhang mga mata nito. May pagkakataon din na halos sundan nito ng tingin ang ilan sa mga lugar na nadadaanan, tila ba may naaalala sa mga lugar na iyon.

"Ahmmm Derecho?"

"Oo, derecho lang pa-malolos na 'yan"

"Okay ma'am" pabirong sabi ni Kaye.

Alas dos na ng hapon, hindi umiimik si Jane kaya akala ni n'ya ay s'ya lang ang nakakaramdan ng gutom ng biglang magwala ang tiyan ni Jane.

"Haha Mukhang gutom ka na. Gusto mong kumain muna?"

"Sa bahay nalang ako kakain" namumulang sabi ni Jane habang nakahawak sa tiyan n'ya.

"Eh paano naman ako?" Nakangusong sabi ni Kaye.

"Ah .. eh sa bahay ka na rin kumain"

"Talaga?"

Tumango lang si Jane.

"Yehey!" Parang batang sinabi nito.

Kinuha ni Jane ang kanyang cellphone para itext ang Nanay n'ya.

"Nay, pauwi na po kami. Luto ka naman ng masarap. May kasama kasi ako, sorry kung biglaan. Love you"

"Hindi mo naman kailangan magtext, kahit ano'ng ulam n'yo okay lang sakin. Kwek kwek nga lang masaya na ako." Biglang sinabi ni Kaye.

Nagulat si Jane sa narinig. Akala n'ya ay busy ito sa pagmamaneho at hindi mapapansin ang gagawin n'ya.

"Nakakahiya kasi sayo. Baka hindi ka kumakain ng kung anu-ano lang"

"Grabe 'yon! Simpleng tao lang ako" pabirong sabi ni Kaye.

"Ahmm, Jane" muli s'yang nagsalita. Sa tono ng boses nito ay parang may seryosong sasabihin.

Lumingon naman si Jane sa kanya.

"Ilang taon ka na pala?" Tanong nito.

Edad lang pala ang tatanungin. Pasuspense pa masyado itong si Kaye (face palm)

"26. Bakit?" Sagot ni Jane.

"Talaga? Hindi halata. Akala ko 21 ka lang"

"Bolero ka rin pala"

Unti unting nasisilayan ni Kaye ang pasimpleng ngiti ni Jane.

"Oo nga, promise! Eh ano namang height mo?"

"5 flat" nahiya bigla si Jane sa height n'ya.

"Akala ko 9'2"

Natawa si Jane ng malakas at tumingin kay Kaye

"9'2? Ano ako higante?"

"Hindi. Hindi pa kasi ako tapos. Akala ko 9'2", na-hin-to ang height"

Tawang tawa si Jane. Congrats Kaye nabenta ang Joke mo.

"Grabe ka sa height ko. Eh ikaw, ano bang height mo? Parang pwede kang pang Miss Universe eh." Itinaas ang kamay na parang sinusukat ang height ni Kaye.

"Hmm height ko is 5'9". Sabihin nalang natin na mas gusto kong maging basketball player" Umarte pa si Kaye na parang nagfree throw ng bola.

"Ay sayang naman. Sana sa akin nalang 'yung height mo"

"Oh eto sa'yo nalang ako"

Ilang minutong katahimikan. Tila nawala na naman sa sarili si Jane sa narinig. Maya maya pa ay biglang nagpreno si Kaye dahil may dumadaan na tatlong bibe. Habang nahihintay sa mabagal na lakad ng mga bibe ay kumanta si Kaye ng hit song na "Tatlong bibe" in a RNB tune.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon