"Pwedeng magpapicture idol?"
Lumingon si Jane sa pinanggalingan ng boses. Si Carlo pala.
"Ang galing mo kanina." Dagdag pa niya
"Thank you, Carlo" nahihiyang sinabi ni Jane. Naisip n'ya yung holding hands nila ni Kaye kanina at alam n'ya na nakita iyon ni Carlo.
"Tatapusin mo ba yung party? Gusto mo ihatid na kita mamaya?" Pag-offer ni Carlo.
"Hindi ko tatapusin, kailangan ko din kasi umuwi kaagad. Hindi ako pwedeng magpa-late masyado. Uuwi kame sa bulacan nila Ate bukas ng umaga. Dala ko naman si Charlie, kaya ko ng umuwi mag-isa." Sagot ni Jane.
"Charlie? Aah oo, yung sasakyan ni Ate. Ang kulit, talaga pinangalanan n'ya yung sasakyan n'ya"
"Ewan ko ba dun kay Ate. Kung anong maisipan. Pati tuloy ako nakikiCharlie na din"
Nagtawanan ang dalawa.
"Thanks Kaye! Ang gwapo mo talaga sa personal" malakas na sabi ng fans ni Kaye.
"Grabe yon, hindi naman haha. Sige ah balik na ko sa backstage. Thanks guys, ang cool n'yo lahat"
Maraming flying kiss ang pinakawalan ni Kaye bago magpaalam sa nagkakagulong fans
Pagbalik n'ya sa backstage ay naabutan n'ya sila Jane at Carlo na nag-uusap. Binati s'ya ni Carlo.
"Hi bro, ang galing n'yo ni Jane kanina."
"Thanks bro! Ang galing ng kapartner ko eh." Ani Kaye at tinapik si Carlo bilang friendly gesture. Pagkalipat ng tingin kay Jane ay biglang mas naging energetic ito at mas malawak ang ngiti sa mga labi.
"Uy Janeee!"
"Uy Kayeee!" Panggagaya ni Jane.
"Ang galing natin! Appear naman d'yan!"
Walang anu-ano ay biglang napaanggat ang kamay ni Jane. Parang automatic na gumalaw ang kamay pagkasabi ni Kaye ng salitang "appear". Masayang ang mukha nito, dahilan para mapangiti din si Jane. Para silang batang nanalo sa isang laro. Hindi sinasadyang mapalakas ang paghampas ng palad ni Kaye. Nakalimutan yata ni Kaye na babae ang kaappearan n'ya.
"Ouch"
"Ay sorry Jane. Napalakas yata. Okay ka lang? Kumpleto pa ba yang daliri mo?" Biro ni Kaye.
Dahil sinimulan ni Kaye ang biruan ay sinakyan s'ya ni Jane. Inilabas na naman n'ya ang malupit n'yang acting skills.
"Napilay yata ako. Ouch!"
"Seriously? Sobrang sakit nga?"
"Oo, ang sakit. Sobra. Hindi ko magalaw ung daliri ko. Arrruuyyyy."
"Ang O.A naman. Pero totoo nga? Masakit?"
Dahil duda si Kaye ay mas ginalingan pa ni Jane ang pag-arte. Umupo pa ito para ipakita na hindi na n'ya talaga kaya "kuno". Bakit nga ba n'ya ginagawa yun? Wala lang. Napagtripan lang talaga n'ya.
"Aaahhh ouchh!"
"Huy Jane! Niloloko mo na naman yata ako eh" tumatalab na ang panloloko ni Jane. Nag-aalala na si Kaye.
Sumisilip silip si Jane kay Kaye para malaman yung reaksyon ng mukha n'ya. Nangingiti ito kaya yumuko nalang.
"Huhu!" Pangbest actress pa n'yang pag-iyak.
"Sinabi na ngang nasaktan yung tao eh ayaw pang maniwala" biglang sumingit si Carlo sa usapan.
"Jane, okay ka lang?" Lumapit si Carlo para icheck ang kamay ni Jane.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfiction(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?