The Promise

262 22 3
                                    

"Balak mo bang magtinda n'yan?" Pasigaw na sabi ni Jane para marinig ni Kaye. Nasa likod ito ng sasakyan at inilalagay ang napamili sa compartment.

"Haha hindi ah, stock ko lang then 'yung iba ibibigay ko kay Ms. Ad para matuwa naman s'ya sa akin" sagot ni Kaye, isinara n'ya ang compartment at saka dumerecho sa driver's seat.

Naghoard yata sa longganisa si Kaye. 5 kilo lang naman kasi ang binili niya.

Pabalik na sila sa maynila, nagpaalam si Jane kanina sa mga magulang na dederecho na silang lumuwas para hindi gabihin ng husto.

"Salamat ah"

"Uy, hindi naman kita bibigyan ng longganisa noh, bakit ka nagpapasalamat?" biro ni Kaye habang minamani-obra ang sasakyan.

"Hindi ah, sa'yong sa'yo na 'yan. Magtae ka sana"

"Biro lang. Pero bakit nga?"

"Walang lang.. para lang sa araw na 'to. We're total strangers lang kahapon and then suddenly nakasama kita pauwi sa amin at pagluwas"

"Wow, ang formal naman 'nun. Walang anuman po. Magpasalamat ka din sa poor eyesight mo"

"Bakit naman? Dapat ba akong maging thankful sa pagkakaroon ng malabong mata?"

"Kung hindi dahil d'yan, hindi tayo magkakabungguan."

"Destined?" Bulong ni Jane

"Uy naman, kinilig naman ako dun. Baka naman sinadya mo lang akong bungguin ah"

"Jusmiyo!. Ang kapal po talaga!"

Nakangiting nagmamaneho si Kaye habang si Jane naman ay komportable na rin sa pakikipagkuwentuhan. Napapadalas na rin ang pagtingin n'ya na kanina lang ay halos mailang sa tuwing magtatama ang mga paningin nila. Pinagmasdan n'ya ang pagmamaneho ni Kaye, tila pinag-aaralan ang bawat galaw. Ang cool, simpleng simple, Malumanay, Nakakainlove.

"May dumi ba ako sa mukha? Baka matunaw ako n'yan"  Tanong ni Kaye.

"Oo meron, may dugo ka ng baboy sa pisngi" biro ni Jane.

"Seriously?"

Agad itong tumingin sa driving mirror para icheck kung may dumi nga s'ya sa mukha.

"Wala naman eh. Niloloko mo 'ko"

"Haha ang arte mo pala. Conscious na conscious lang?"

"Syempre dapat laging pogi, di ba?" Dinampi-dampi niya ang ilong gamit ang hinlalaki.

"Oo na, pogi ka naman talaga Kaye." Sabi ni Jane sa sarili.

"Silence means Yes"

"Feeler mo talaga!"

Mula ng makabalik si Jane sa bahay nila galing sa puntod ni Drew ay wala na itong tigil sa pagngiti at pagtawa. Mission Accomplished for Kaye Cal(!!!). Singer ka na, komedyante ka pa.

Tila napagod ang dalawa sa pagbibiruan. Dumaan yata si kupido este ang anghel kaya biglang natahimik ang paligid. Napansin na rin nila sa wakas ang kanina pang tumutugtog sa background. Naka-on kasi ang playlist ni Kaye galing sa cellphone nito.

Feels like I'm standing in a timeless dream
Of light mists of pale amber rose

Nakangiting tumingin si Kaye kay Jane,  tinatapik-tapik ang manibela at tumatango kasabay ang beat. Sinabayan niya ang susunod na linya ng kanta.

Kaye: "Feels like I'm lost in a deep cloud of heavenly scent
Touching, discovering you"

Tinuro niya si Jane, senyales para s'ya naman ang sumunod.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon