Dalawang oras.
Dalawang oras na katumbas ay halos dalawang dekada. Hinding hindi n'ya makakalimutan ang mga ngiting halos abot kamay lang n'ya.
Para bang nagising bigla si Jane sa isang mahabang pagkakatulog at muling babalik sa reyalidad na singer sya at fan ka lang.
Sa youtube nalang n'ya mapapanuod ang mga random videos at maririnig ang tinig ni Kaye. Sa FB, IG at twitter nalang n'ya ulit makikita ang ngiting pang commercial ng toothpaste at ang makinis na siko nito na pang commercial ng lotion. (Feeling ko yayaman ng husto itong si Kaye pag pinagsabay sabay ang pagkanta, vlog at mowdeling. Pak! Ganern.)
Speaking of pictures. .
Napakamot nalang ng ulo si Jane dahil hindi man lang niya nakita ang picture na kinuha ni Kaye. Naalala na naman n'ya kung paano n'ya balak kuhanin ang cellphone mula dito. Too close. Kilig. Isang malaking palaisipan rin sa kanya kung ano ba ang itsura n'ya doon. Sa itsura ba naman kasi ng pagkakangiti ni Kaye habang tinitignan yung pictures kanina ay halatang hindi mo na napapagkatiwalaan.
"Baka mamaya mukha akong natatae d'un". Sabi ni Jane sa sarili
Naalala n'ya bigla ang nag-iisang remembrance nila ni Kaye. Ang picture na kinuha n'ya ng patago. Hindi pala, dahil nabisto sya ni Kaye.
"Yung shutter kasi talaga ang may kasalanan ng lahat" bulong ni Jane sa sarili pero nakangiti. Baliw.
Pero kahit na halos maubos ang kahihiyan n'ya ng araw na iyon ay hindi n'ya kayang sisihin ng husto si shutter kasi kung hindi dahil sa kanya ay walang : Akbayan moment, too close cheek to cheek moment, at higit sa lahat Honey moment
"Honey!". Sabi n'ya sa sarili habang nakangiti. Baliw na talaga.
Kinuha n'ya ang pahamak n'yang phone. Natuwa ito ng makita n'yang pareho silang nakatingin at nakangiti sa picture. Nasaktuhan kasi ang paglingon ni Kaye habang nakangiti. (Si Kaye na talaga ang hari ng Stolen shots).
"Uyy naman! Instagramable" natatawang sabi na naman ni Jane sa sarili. Malala na.
Nakatingin lang ito sa picture ng.....
"BABALA: totoo ang balita, isang babae ang nadiskubreng nagtataglay ng Kaye Virus. Taglay nito ang nga sintomas na : 1. Pagkatulala 2. Ngumingiti ng mag-isa 3. Namumula ang pisngi. At higit sa lahat 4. Kinakausap ang sarili. Mahigpit na pinapayuhan ang lahat na mag-ingat. Napag-alaman na totoong mabilis ang pagkalat ng nasabing sakit dahil noong isang linggo lang ito nakaramdam ng paghanga sa nasabing Virus pero ngayon ay nasa Severe stage na ito. Isa pang babala: Huwag na huwag iinom ng Soju habang nakatingin sa pictures ni Kaye. Masamang kombinasyon ito kung ayaw mong pulutin ka emergency room para magparevive ng pusong patay na patay kay Kaye. This is wendy reporting live"
Tawang tawa si Suzette sa kalokohan ni Wendy.
Hinagisan ni Jane ng bote ng mineral water si Wendy. Kahit anong mahawakan n'ya ay ibabato n'ya kay Wendy makaganti lang. Ganyan sila kasweet sa isa't isa.
"Erey! Ano ba! Brutal ka talaga! Suzette oh." Nagtago sa likod ni Suzette si Wendy.
"Loko mo kasi haha. Pero natawa ako dun. Infairness pwede ka nang maging reporter. Career'in mo kaya 'yan?" Sabi ni Jane.
"Ikaw bakit hindi mo career'in si Kaye? Obvious na obvious ka kaya!" Si suzette ang nagsalita.
"Talaga ba?" Nahihiyang tanong ni Jane.
"Oo kaya, mukha ka lang namang hindi matae kanina nung katabi mo si Kaye" wala talagang filter ang bibig ni suzette sa pagkataklesa nito.
"Kaya siguro napagtripan ka din n'ya kanina" ani Wendy.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfic(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?