The Rehearsal

283 22 2
                                    

"Jusme! Kanino naman kaya ako sasabay?. Naku naman! Bakit kasi hinintay pa ako ni Carlo at ito namang si Kaye.. K-a-y-e" Nagslow motion ang lahat pagkasabi ng pangalan ni Kaye sa utak. Napatingin s'ya dito. "Kaye bakit kasi hindi ka nagsabi? Bakit kasi may pagsurprise pa???" Pagtatalo ng isip ni Jane.

In her 26 years of existence ngayon lang s'ya nagkaroon ng problemang katulad nito na actually hindi naman malaking problema pero big deal sa kanya kasi minsan lang mangyari at feeling n'ya ngayon sya si Rapunzel sa sobrang haba ng hair n'ya at pinag-aagawan ng dalawang lalaki este isang lalaki at isang mukhang lalaki na kayang-kaya magpakilig ng mga babae. Hiningal ako dun aah haha.

"Ano Jane, kanino ka sasabay?" Tanong ni Carlo. Seryoso ang mukha nito.

"Jane, you have to decide. It's getting late." Tanong ni Kaye.

The pressure is real. Para s'yang nasa isang game show na 10 secs. nalang to answer. Papalit-palit ang tingin niya sa dalawang nakatayo sa harapan n'ya na naghihintay din ng kanyang sagot.

10...

9...

8..

Ano na Jane, decide!


7..

6..

5..

You only have 4 secs. to answer.

4..

3..

Hindi nalang kaya sya sasama sa rehearsal para hindi masaktan si Carlo. Pero si Kaye naman ang madidisappoint. Nababaliw na si Jane.

2..

1..

Your time is over. Please cast your vote now Jane.


*Ring!* *Ring!*


"Ay pusang gala!" Gulat na gulat ang reaksyon ni Jane. Focused kasi s'ya sa pag-iisip.

Nagkatinginan silang tatlo ng may marinig na tumatawag. Patuloy ang pagtunog kaya napacheck sila sa kanikanilang mga cellphone.

"Si Tita" banggit ni Carlo at saka sinagot ang phone.

"Hello Tita.. ngayon na?.. Akala ko po sa makalawa pa? .. 'Yon kasi yung sabi n'ya sakin kanina... Alright sige, punta na po ako sa airport.. Bye po!"

Mukhang may nanalo na.

"You don't have to decide Jane. Kay Kaye ka na sumabay, napaaga kasi yung flight ni Tito. Susunduin ko s'ya ngayon sa airport. Kaye, take care of her ah. Galingan n'yo sa rehearsal. Sayang wala ako dun para mapanuod." sabi ni Carlo.

"Of course Carlo. Ingat ka. See you sa Year-end party" ani Kaye.

"Ingat! Salamat sa paghihintay sa akin kanina" paalam ni Jane.

"Wala 'yun. Sige bye!"

Ibabalik na sana ni Carlo ang bag ni Jane nang bigla itong kinuha ni Kaye. Gentle(wo)man ka talaga ng taon Kaye. Nagkatitigan si Kaye at Carlo. Yung titigan na may something. No! Not that kind of cheesy something. Something na parang nag-uusap sila telepathically.

"Ikaw muna ngayon. Ako naman sa susunod" -Carlo.

"Better luck next time bro" - Kaye.

At may spark na lumabas sa mga mata nila. No! Not that kind of spark na cheesy something, yung rivalry between them. Yon!.

A/N: Pero ang lahat ay nasa isip lang ni Author. Char lang yun. Alam nyo ba yung game na nauso dati sa commercial ng piatos na, ikaw ang mag-dub sa mga kilos ng mga tao? Yun lang yun. Haha.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon