The Big day - The End

319 24 16
                                    

What? Concert? Really?" Sunud-sunod na tanong ni Jane.

"You heard it right Jane. Few months from now, you will going to sing in front of many people, live, in concert arena so paghandaan mo na." Ani Ms. Ad sabay ang kindat.

Hindi makapaniwala si Jane sa narinig. Magkakaconcert na talaga s'ya.

F O R R E A L

Dahil busy na ang schedule: Gigs, tv appearance and radio guestings at kung anu-ano pang ganap ay tuluyan na ngang nagresign si Jane sa pinagtatrabahuhan. Hindi madali sa kanya ang umalis nalang basta pero wala s'yang magagawa. Masesepanx talaga sya ng husto. Mamimiss n'ya ang lamig ng production floor lalo na kapag may client visit na galing ibang bansa, ang ilang taong pakikipagtitigan n'ya sa PC n'ya kapag sabaw moments na, ang sabay sabay nilang pagpukpok sa mouse kapag bumabagal ang system na wala naman confirmation from IT experts kung nakakatulong ba talaga ito at malamang sa malamang ay makakadagdag lang sa mga sirang mouse, mga monthly pakulo ng team nila para maengaged sila lalo at hindi mademotivate, at lalo na ang mga kaopisinang sobrang saya kasama.

Last day n'ya sa opisina at talaga namang naging emosyonal ang lahat lalo na ang mga naging espesyal na kaibigan n'ya.

"This is it, Jane. Sikat ka na. Sana hindi matatapos dito ang friendship natin ah" naiiyak na sabi ni Suzette.

"Oo naman! Pwedeng pwede naman tayo magkita kita. Basta free tayong lahat. Kain ulit tayo sa Korean-korean restaurant kung saan nagsimula ang lahat." Niyakap nya si Suzette. Naiiyak na rin ito pero pinipigilan n'ya dahil marami pang nakaline-up na magmemessage.

"Baklaaaa! Mamimiss kitang i-bully! Just kidding. I am so proud of you, gaya nga ng sinabi ko dati. Lagi lang kitang binubully pero deep inside may tiwala ako sa abilities mo na hindi mo kaagad sinabi sa amin. Hindi naman na ako nagtatampo. Basta libre mo nalang kami kapag bigtime ka na" pagdadrama ni Wendy.

"Mamimiss kita bakla. Ironic pero pati ung pambubully mo mamimiss ko rin. Ililibre ko kayo pag hindi na ako kuripot" biro ni Jane.

"Langya ka talaga!" Ani Wendy.

Nagtawanan ang lahat.

Nagkaroon ng katahimikan ng mapatingin si Jane kay Carlo.

"Ehem! Speech!" Pangangantyaw ni Wendy.

"Sa text nalang" nahihiyang sabi ni Carlo.

"Ah eh mahiyain naman pala!" Biro ulit ni Wendy

"Ang cheesy kasi masyado. Hindi ako sanay. Saka magkikita kita pa naman tayo eh"

"Daming palusot!"

"Basta ingat ka lagi, Jane" tanging nasabi ni Carlo.

"Sino ikaw? Si John Lloyd?" Singit ni Suzette

Namayani na naman ang tawanan. Hindi makangiti si Carlo sa kahihiyan.

"Wait ko yung text mo Bes. Ikaw din ingat ka lagi" tugon ni Jane.

"Awwww!" Hiyawan ng lahat sa production floor..

"Oh sya! Basta Jane, punta kami sa concert mo kahit medyo mahal yung VIP ticket. Mas okay rin naman kung ililibre mo nalang kami para masaya." Pilyong sabi ni Alex.

"Yung presyo nung ticket ko, walang wala pa 'yan sa nagagastos mo sa mga chikas mo, Alex. Huwag ako please"

"Umandar na naman ang kakuriputan mo bakla, sige na kasi ilibre mo na kami ng tickets." ani Wendy.

"Singer lang ako pero normal na tao pa rin. Kuripot will always be kuripot"

"Whatever! Wala, hindi na magbabago ang isang 'to" napasapo nalang sa noo si Wendy. One of her O.A gestures.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon