"Guys, listen"
Lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Si Ms. Michelle pala.
"I Just want to inform you guys na hindi tayo sabay sabay makakapunta sa Amana" sabi nito.
"Huwaaat? Panong hindi sabay sabay?" Sabi ni Wendy.
"Nagkaroon kasi ng problem yung isang van na inarkila ng project. So ibig sabihin may mauuna pumunta doon at meron susunod nalang"
"Pano po yung iba Ms. Michelle?" Sabi ni Suzette.
"Okay listen muna, Nakausap na namin yung anak ng manager natin. Kasama kasi sya sa mga magpeperform mamayang gabi sa resort."
Biglang napatingin si Jane kay Ms. Michelle.
"So nagprisita na sya na isabay yung iba sa inyo. Yung iba naman ay sasabay sa akin dahil dala ko naman yung sasakyan ko" sabi ni Ms. Michelle.
"Jane, Wendy, Suzette and Carlo dun na kayo sumabay sa anak ng manager natin. Joshua yung name nya. Pakabait kayo ah. Walang mag-aaway away lalo na ikaw Jane at Wendy."
(Parang nanay talaga nila si Ms. Michelle.)
"Ms. Michelle!" Tawag ni Wendy.
"Yes wendy?"
"Pede po bang makisiksik nalang kami ni Suzette sa inyo? Mukhang may kailangan po kasing magmoment" pabirong sabi ni Wendy.
"Maglubay!" Sabi ni Jane. Pinandilatan nya ng mata si Wendy.
"Biro lang eto naman napakaseryoso!" Sabi ni Wendy.
Pero ang totoo hindi dahil makakasabay nila si Carlo kaya seryoso ang mukha ni Jane. Naalala nya kasi na magpeperform din si Kaye Cal sa Amana. Bigla syang kinabahan. Muntik pa nitong malunok yung chewing gum na kanina pa nya nginunguya.
"May anak pala si Sir Kenneth na nagbabanda. Ganon yung mga tipo kong lalake" sabi ni Suzette.
"Lahat naman tipo mo eh" sabi ni Jane. Pero seryoso pa din yung mukha nya. Poker face.
"Grabeh sya oh!" Ani Suzette.
Nawala saglit si Ms. Michelle dahil may kailangan sagutin na tawag. Ilang minuto pa.....
"Alright, nakausap ko na si Joshua. In a few minutes ay pupunta na sila dito. Mag-aayos lang daw sila ng gamit nila"
"What the? Sila?" Sabi sa isip ni Jane.
Lalong natigilan si Jane. Parang natatae na ewan.
Napapansin ito ni Carlo.
"Okay ka lang? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong nito.
Tumango lang si Jane. Na ibig sabihin ay okay lang ito.
Wala ng nasabi pa si Carlo.
"So una na kme guys, see you sa event. Binigay ko pala kay Joshua yung no. Mo Jane"
Napaturo sa sarili. "Number ko?" Parang hindi makapaniwala.
"Oo. Number mo. Yun yung una kong nakita sa phone ko kaya yun na yung binigay ko. Parang nagmamadali kasi sila Joshua. Anyways,tatawag sya pagmalapit na sila" paalam ni Ms. Michelle.
Umalis na sila Ms. Michelle. Nakatingin lang si Jane sa unti unting palayong sasakyan nito.
"Kita mo tong si Ms. Michelle. Tayo yung mga anak nya, tayo pa yung iniwan" ani Suzette.
"Yaan mo na girl. Mga fafa kasi yung kasama. Para naman magkajowa na din, time na din nya umawra" sabi ni Wendy
Napansin din ni Wendy na parang tulala si Jane.
"Woy! Ano ba? Kanina ka pa walang imik dyan. Ayaw mo ba kasama si Carlo?" Bulong ni Wendy.
Napatingin si Carlo. Ngumiti lang ito sa kanila.
"Huh? Hindi ah. Okay lang naman." Labas sa ilong yung sinabi nya.
(Ano bang meron sa dalawang to. Bakit parang awkward lagi sila sa isa't isa?)
Ilang minuto lang ay biglang tumunog ang phone ni Jane.
Gulat na gulat si Jane. Para bang nakakita ng multo.
Sinagot nya...
"hello?" Halatang kinakabahan yung boses.
"Hello?" Sabi sa kabilang linya.
Ang gwapo ng boses. Malumanay. Parang mabait na nilalang ang kausap nya.
"Hello?" Sabi ni Jane. Parang familiar yung boses nito.
"Yes hello?" Sagot din ng nasa kabila.
"Anak ng... hindi na natapos yung hello na yan ah! Ako na nga!" Sabi ni Wendy. Kinuha nito ang telepono mula kay Jane.
(Takang taka si Jane sa boses. Mukang narinig na nya kung saan)
"Yes okay. . Sige. . Mga 10 mins. Pa? Sure. . No prob. Tawag ka nalang ulit pag malapit na kayo. Alright! Babush!"
Binaba na ng nasa kabilang linya ang telepono.
"Okay wait pa daw tayo ng 10 mins. Grabe! Ang gwapo ng boses nung Joshua ah infairness" nagsasalita sya pero nakatingin sa phone ng mapansin nya ai Jane.
"Woy! Ano bang nangyayare sayo bakla? Masama ba pakirandam mo?"
Mayamaya lang ay tumatawag na naman yung numero kanina.
"Hello" si Jane na yung sumagot.
"Hi!, malapit na kame. San banda kayo?"
"Dito sa tapat ng subway"
"Okay, malapit na kame. Sorry ah natagalan kame. By the way hindi pala si Joshua yung kausap mo ah. Sya kasi yung nagmamaneho"
Tumikhim si Jane. Naalala nya may chewing gum pa pala sya. Buti hindi nya nalunok.
Hindi si Joshua?
Familiar yung boses?
Magpeperform sa Amana?
"Hello? Are you still there?"
"Aa.. ou sige.. wait.. nalang namin.. kayo.. dito..." pautal utal na sabi ni Jane.
"Okay sige" cheerful yung boses sa kabilang linya.
Binaba na ni Jane ang telepono. Parang may nag-uunahan na daga dibdib nito.
"Baklaaaa! Maloloka na ako sayo. Ano bang nagyayare? Natatae ka ba? Pede ka naman magCR muna." Pabiro ni Wendy
"Maglubay!" Poker face. Tulala.
"Suzette! Mahahigh blood na yata ako dito sa isang ire!". Humawak sa noo si Wendy.
Gaya ng sinabi sa kabilang linya. Ilang minuto lang ay may pumarada sa harap nilang isang pulang van.
"Ayan na silaaaa!" Excited na sabi ni Suzette.
Unti unting bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang matangkad na lalake.....
------
Hello sa mga nocturnal dyan!
Tulugaaaan naaaaa!
Please comment, vote and Share😄
Follow nyo rin ako sa twitter account below.
Twitter: @simbjang
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfiction(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?