"Ang rollers....
Pangkilay...
Lipstick...
Eyeliner... "
Busy si Wendy sa pag-opera sa pasyente este sa pagmake-over kay Jane.
Ito lang naman kasi ang kasunduan nila kapalit ang video nila Kaye.
Sa wakas ay nagkaroon din ito ng pagkakataon para kalikutin ang mukha ni Jane. Dati pa kasi s'ya kating kati na ayusan ang dalaga pero dahil mas brusko nga sa kanya ito ay hindi n'ya magawa.
Si Suzette naman ang nagsilbing assistant nito. Lahat ng kailangan ay inaabot sa kanya ni Suzette.
Para silang nasa isang emergency room at kasalukuyang nag-oopera.
"Bakla 'wag yung kilay ko please. Hindi ako sanay na ahit ang kilay." Pagmanakaawa ni Jane
"Konting bawas lang 'to beshy. Parang gubat na kasi sa kapal eh. Promise, hindi ka magmumukang alien dito." sagot ni Wendy habang tutok na tutok sa kilay ni Jane.
Mangiyak ngiyak na si Jane.
"Bakla 'wag kang iiyak. Sayang ang eyeliner!" Sabi ni Suzette.
"Ibibili ko nalang kayo. Ilan ba gusto n'yo. Please itigil na natin 'to." Naiiyak na sabi ni Jane.
"Parang timang 'to. Heto oh tapos na. Wit ka lang d'yan." Ani Wendy.
Ilang minuto pa ay...
"Tenen! Tapos na!" Ang saya saya ni bakla.
"Wow ang ganda mo Jane" ani Suzette
"Sus! Small thing" sabi ni Jane "patingin nga ako"
"Ooops bawal pa. Wag kang excited" pagpigil ni Wendy kay Jane. Pupunta na kasi ito sa CR para magsalamin.
"Parang may kulang" sabi ni Suzette habang nakahawak sa baba.
Natatakot naman itong si Jane.
"Ano na naman kaya ang gagawin ng mga 'to saken" bulong sa sarili.
Katahimikan.....
"Alam ko na.. dress.. dapat magdress ka mamaya!" Napapalakpak na sabi ni Wendy.
"Wala akong dalang dress. Alam n'yo naman na hindi ako nagdedress noh"
"Hindi problema. May dala ako" sabi ni Wendy.
Nagkatinginan nalang si Jane at Suzette.
"Seryoso ka bakla? Meron ka ngang dala?" Tanong ni Suzette.
"Oo naman, always prepared kaya ako. Alam ko naman na hindi mag-eeffort magdala ng magagandang damit itong si Jane so ako na ang nag-initiate" pagmamayabang ni Wendy.
"Taray! Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi may kaibigan akong maalalahanin o matatakot kasi pipilitin n'yo akong magdress. Hindi nga kasi ako nagdedress" ani Jane.
"Pwes sa ayaw at sa gusto mo magdedress ka. " sabi n Wendy.
"A Y O K O!. "
"Magdedress!"
"Nope"
"Yes"
"Yung video"
"Nasa akin na" (tawa ng malakas)
"Ay oo nga pala"
"Suko na?"
"Hindi pa"
Kinuha ni Wendy ang phone n'ya at...
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fiksi Penggemar(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?