"Jane bakit ngayon ka lang?" Tanong ng Ate n'ya.
"Ano kasi. .tinapos pa namin yung party ni Tito. .Tito Luis"
"Tito Luis? Parang familyar yung name"
"A-ah baka kapangalan lang, di ba Carlo?" Pasimpleng n'yang siniko si Carlo.
"Ah opo. Common kasi yung name na Luis" sagot nito.
"Sabagay. Oo nga pala!" Excited na sabi ng Ate ni Jane.
"Oh ano yun? Bakit ang laki ng ngiti mo?" Tanong ni Jane, nagulat sa reaksyon ng Ate n'ya.
"Si Kaye Cal. Pumunta dito kanina. Hanap ka. May importante daw na sasabihin." Sumisiko sikong sabi nito.
"Si Kaye? B-bakit daw?" Nagkatinginan si Carlo at Jane.
"Hindi sinabi eh, ang bilin lang n'ya, sabihin ko daw sa'yo na magtext ka daw sa kanya kapag nakauwi ka na."
"Aahh. Okay"
"Taray ah, close na talaga kayo."
Hindi napigilang masamid ni Jane.
"Ehem. He. .he. . Hindi naman masyado. " nahihiyang sabi ni Jane. "Teka, di ba crush mo 'yun sana nagpapicture ka?" Pag-iiba n'ya ng topic.
"Well, I have. Ako pa ba?" Sabi nito habang winawagayway yung cellphone n'ya.
"Ah, N-nice haha. Post mo na para marami kang likes." Pinipilit ngumiti ni Jane.
"Posted. Alam mo ba yung caption?"
"Ano?" Kinakabahan si Jane. Malamang kalokohan na naman iyon.
"Sabi ko lang naman. Unexpected visitor in the middle of the night. @kaye_cal dropped by to check if my sister is here. Hi @jane where are you? My sister/brother-in-law is waiting for you. Uwi ka na daw hindi na s'ya galit. Yun lang naman sabi ko"
"Hala. Bakit ganon yung caption mo. Bugaw na bugaw lang ah. Baka mamaya mabash ako. Lagot ka sakin."
"Hindi yan" ngumingising sabi ng Ate n'ya.
Napabuntong hininga nalang si Jane. Ang daming nangyari sumasabay pa yung Ate n'yang feeling teenager.
"Oh Sige na itext mo na s'ya. Sabihin mo rin na pumunta ulit s'ya dito. Tapos jamming kayong dalawa hehe." Pilyang sabi pa nito.
"Busy yun. Bahala ka d'yan. Kulit mo din eh noh? Sige na punta na ako sa kwarto. Carlo, thank you sa paghatid. Ingat ka"
"K.J nito. Nagkukwentuhan pa tayo eh" reklamo ni Ate.
"Madaling araw na oh. Bukas na tayo magkwentuhan."
"Sunget!, sige Carlo, salamat sa paghatid sa kapatid kong K.J pero long hair. Ingat sa pagmamaneho ah."
"Sige po Ate. Jane,una na ako. Text ka if may kailangan ka" ani Carlo.
"Haba talaga ng hair oh." Panunukso ni Ate habang hinihimas himas ang buhok ni Jane.
"Tss. .sige na Carlo. Text nalang kita." Paalam ni Jane. "Te!" Sumenyas lang ito sa Ate n'ya na pupunta na s'ya sa kwarto. Tumango naman si Ate.
Kinuha ni Jane ang Cellphone n'ya.
"Itetext ko ba s'ya?" Tanong nito sa sarili.
Pinindot n'ya yung message button. At nagtype.
"Kaye, nandito na ako sa apartment."
Nagdadalawang isip s'ya kung isesend ba n'ya o hindi.
Hit send?
No.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fiksi Penggemar(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?