Confrontation

262 21 6
                                    

"Baklaaaaa"

Sigaw ni Wendy sa kausap n'ya sa cellphone.

"Nasaang panig ka na ng mundo naroon ha? Kanina pa kami naghihintay dito" gigil na sabi ni Wendy.

"Eto byahe na. Sorry na. Love you" sagot ni Jane sa kabilang linya.

"Love you mo mukha mo!. Byahe saan yan? Baka naman byahe pabanyo pa lang 'yan ah. Naku ka Jane. Inuugat na kami ni Suzette dito"

"Byahe na, 5mins. nalang. Sorry na, may emergency lang kanina kaya hindi ako nakapagprepare kaagad."

"Ang sabihin mo nakatulog ka na naman at nalate kang gumising kaya hindi ka nakapagprepare kagad. Jane, ilang beses mo ng nagamit yung palusot na yan. Isip-isip din ng bago." Pagmamaldita ni Wendy. Nakapamewang pa ito habang kaliwa't kanang pabalik balik ang paglalakad sa harap ni Suzette.

"Hehe. Pa'no mo nalaman? Oh eto na bababa na ko wait lang baka masagasaan pa ko dahil sa'yo"

"Ingat! Shoshonga shonga ka pa naman. Dalian mo at nanggigigil na ako sa'yo. Mapepektusan kita pagdating mo."

*Toot* *toot*


"Ay nasagsaan na yata. Joke lang. Nakuuuu Jane, kahit kailan ka talaga. Matitiris talaga kita pagdating mo, dumadami ang wrinkles ko sa'yo" ani Wendy habang dinadampi dampi ang mukha ng facial tissue na kanina pa n'ya hawak.

"Easy lang bading. Medyo maaga pa naman" ani Suzette, busy sa katext.

A/N: Clue: vocalist ng Bandang The Project 54. Napakahirap di ba? Ewan ko nalang kung hindi n'yo pa mahulaan.

"Isa ka pa. Mag seseven PM na kaya. Baka grand entrance tayo dun, nakakahiya sa Tito ni Carlo."

"Yes bading? Sobrang concern kay Tito?"

"Joke lang. Kay Carlo talaga ako concern eh" nakangising sabi ni Wendy.

"Ang landi landi mo talaga." Saglit na tumingin kay Wendy pero balik agad ang tingin sa cellphone.

"Eng lende lende me telege. Puro ka text d'yan. Si Marc na naman yang katext mo?"

"Uum" nakangiting sabi ni Suzette.

"Uum o hindim? Arte mo!"

"Inggit ka lang." Pang-aasar ni Suzette.

"May kinacareer din ako. Hindi ko sasabihin" pakantang sabi ni Wendy.

"Malalaman ko din 'yan kahit hindi mo sabihin" pakanta ding sagot ni Suzette. Para silang nag-aasarang bata habang dumidila dila pa.

"Speaking of career career na yan, alam mo may naamoy ako dun sa dalawa eh"

"Kanino? Kay Carlo at Jane? Di ba nga close sila kasi BFF sila dati. Pero mukhang bumabalik nga yung closeness nila, infairveiw" ani Suzette.

"Yep, pero bakla hindi lang as BFF ang nasesense ko ngayon. Nung Year-end party? Kitang kita ng dalawang eyeballs ko bakla, mukhang Gelli de Belen ang lolo mo kay Kaye at Jane. In fact nung christmas party pa lang, nasesense na ng radar ko eh. Tapos itong si Kaye, feeling ko ano eh. Feeling ko may triangulong namumuo."











"Tingin mo? Hmm. Sige bakla imbestigahan natin yan" nakataas pa ang hintuturo na akala mo may naisip na napakagandang ideya ng kalokohan.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon