Bizaare Love Triangle

222 23 5
                                    

I feel fine and I feel good
I'm feeling like I never should
Whenever I get this way
I just don't know what to say
Why can't we be ourselves like we were yesterday
I'm not sure what this could mean
I don't think you're what you seem
I do admit to myself
That if I hurt someone else
Then I'll never see just what we're meant to be

Every time I see you falling
I get down on my knees and pray
I'm waiting for that final moment
You say the words that I can't say

Dalawang kamay ang sabay na humawak sa magkabilang braso ni Jane. Kilala n'ya ang isa, kamay ni Carlo. Tumingin sya sa isa pa, pamilyar ang malaporselanang kutis. Itinaas n'ya ang paningin at laking gulat ng malaman kung sino ang nakita. Minsan na n'yang napagmasdan ang seryosong mukha nito. Kung noon ay nagtampo lang si Kaye sa kanya, iba sa pagkakataon ito. Para bang galit. Nakakatakot.

"A-nong ginagawa mo dito?" Utal na sabi ni Jane kasabay ang pagkalas ng braso n'ya sa dalawang kamay na pumigil sa kanya sa pagtakbo. Pilitin man n'ya ngunit hindi talaga naitago ang luhang patuloy na dumadaloy mula sa mata n'ya. Pinunasan n'ya ng dalawang kamay ang mga mata at pisngi na basang basa ng kanyang luha.

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Kaye.

"Wa-wala 'to. Napuwing lang ako"

"Come on Jane, walang napuwing ng ganyang karaming luha. What happened? Tell me." Galit na tanong ni Kaye na s'ya namang ikinabigla ni Jane.

"Bro, it's a long story. Jane let's go" ani Carlo habang muling hinawakang ang braso ni Jane.

Hindi naman nasaktan si Jane pero nagulat s'ya sa pagkakahila ni Carlo kaya hindi naging maganda ang reaksyon nito.

"Nasasaktan si Jane oh. Please let her go" pipigilan sana ni Kaye si Carlo ngunit bigla umiwas si Carlo.

"Bro, ano bang ginagawa mo dito? All of the sudden bigla ka nalang susulpot at papakialaman kung anong nangyayari sa aming dalawa? It's none of your business anyway"

"Oh, I'm sorry if I ruined whatever it is. Pero isa lang naman ang concern ko dito at yun ay ang malaman kung bakit umiiyak si Jane." Matapang na sagot ni Kaye.

"Like what she have said, Wala 'to. Hindi mo ba narinig? Saka please lang pwede bang umalis ka na." Utos ni Carlo.

Hindi nagustuhan ni Kaye ang narinig.

"No. Hindi ako aalis hangga't walang nagsasabi kung anong nangyayari dito"

Natatakot na si Jane sa tono ng pananalita ni Kaye at Carlo. Parang ilang minuto ay maaari silang magsuntukan.

"Pwede ba, 'wag mo ng pakialaman si Jane. Dun ka nalang sa fans mo na patay na patay sayo. 'Wag kang umasta na parang matagal na kayong magkakilala"

"My fans are different from Jane. I love all of them pero iba si Jane."

"Iba s'ya? Ilang fans mo na ba ang nasabihan mo ng ganyan?"

"Oo iba s'ya at alam mo kung bakit?"

Hindi kumibo si Carlo. Naghihintay ng sunod na sasabihin ni Kaye.

"It is because I (Turo sa sarili).. LIKE.. HER (Turo kay Jane)"

Natulala si Jane sa harap harapang pag-amin ni Kaye. Iba pa rin pala ang pakiramdam pag personal na sinabi kaysa sa video lang.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon