"So ayun na nga 'tay, singer na yung anak n'yo. Akalain n'yo yun singer na talaga ang anak n'yo!"
"Totoo ba yun?" Masigla ang boses ng Ama sa kabilang linya.
"Oo tay, mukhang wala pa ngang balak sabihin sa akin buti nalang nakita ko yung contract. Burara kasi sya kakalat kalat sa kwarto nya."
"Salamat naman at natupad na rin ang pangarap ng bunsong babae ko"
Halos sumigaw ang Ate ni Jane sa sobrang saya at excitement.
"Ate baka gusto mong hinaan 'yang boses mo medyo pinagtitinginan na kasi tayo dito" nahihiyang sabi ni Jane.
"Bakit ba? Anong paki nila eh sa proud ako sa baby sister ko eh. ." umakbay pa ito sa kanya.
"Ah Totoo ba?" Sarkastikong sagot niya.
"Oo naman noh. Proud na proud kaya ako sayo ever since. Kahit ganyan ka, kahit wala kang kabilib-bilib sa sarili mo, bilib pa rin ako sa'yo"
"Ang sweet naman ng Ate ko" nagbigay ng pilit na ngiti si Jane. Halatang hindi naniniwala sa Ate n'ya.
"Hindi lang halata but I am so proud of yah 'lil sizum"
"Ang jeje!"
"Ah hello tay, mamaya nalang ulit. Tawag nalang ulit ako sayo. Babye! Love you!"
"Love you anak. Ingat kayo dyan. Pakisabi kay Jane congrats"
"Jane congrats daw"
"Thank you 'tay! Miss you. Love you!" Sigaw ni Jane para marinig ito ng Tatay n'ya.
Nasa isang cafeteria sila ngayon. Madalas nila itong puntahan, paboritong tambayan. Sa loob ito ng subdivision kaya naman hindi masyadong puntahin ng tao. May privacy at masarap din ang pagkain hindi tulad ng mga sikat na cafeteria na akala mo ay palengke sa sobrang ingay at daming tao. Quality time nilang mag-ate ngayon dahil minsan na lang silang lumabas.
"So when is your recording schedule?"
"Wala pang sinabi. Itetext or tatawagan nalang daw ako"
"Oh. Ang hirap naman n'ya. Paano kung may work ka?"
"Ayun na nga ang problem."
"I think later on, you will gonna choose what is important for you"
"Yeah" poker face na sabi ni Jane.
Seryoso din naman silang mag-usap, pero mas madalas silang magbarahan. #sistergoals
"What about Kaye? She's into you. I can feel it"
Nasamid naman si Jane ng biglang banggit ang pangalan ni Kaye.
"Nagkakamabutihan na ba kayo?"
Tumango lang si Jane na parang nahihiya.
"I knew it!" Napapalakpak pang sabi ng Ate n'ya
"Ang galing mo." Sabay turo ni Jane sa kapatid.
"Obvious kasi kayo"
"Totoo?"
"Joke lang. Hindi gaano. You both are so private. Minsan may mga epic fail moments lang na nagpapabuking sa inyong dalawa" nakangising sabi ng Ate n'ya.
"Like what?"
"Yung video ni Kaye na parang lasing tapos that night na tatakas ka to buy food. Haha That palusot.com medyo hindi bumenta."
"Anong video na naman 'yun?"
Inilabas ng Ate n'ya yung phone at sinearch sa youtube yung tinutukoy n'yang video.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfiction(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?