The Truth

211 24 8
                                    


Ang ganda na ng umpisa.

Tawag hindi inaakala,

Hindi inaasahang pagkakabangga,

Romantikong paglalakad sa gitna ng kalsada,

Pagtatama ng mga kamay kasabay ang indayog ng mga braso,

Simpleng regalo,

At maliit na bagay sa nakayukom na kamao.



Biglang tumamlay ang masiglang katawan ni Jane. Ang kaninang masaya, nabalot ng pagtataka. Nawala ang excitement n'ya ng malaman kung ano ba ang laman memory card na kanina pa iniingat ingatan. Bukas nalang n'ya papanuorin. Matutulog nalang s'ya.....










"Jane, Happy New Year!"

Sent....✔



Makailang beses na Bukas-Sara si Carlo sa cellphone n'ya. Umaasang maalala s'ya ng taong kanina pa laman ng isip n'ya. Nagtext s'ya dito ngunit walang sagot na nakuha. Hindi nagreply si Jane sa kanya. Para hindi malungkot ay inisip nalang n'ya na tulog na ito. Pasikat na rin naman kasi ang araw.

Sa bahay nila ay halos gising na gising pa ang mga tao. Nababalot ng kasiyahan at halakhakan. Minsan lang magkita kita ang mga magkakamag-anak kaya nilulubos lubos na nila.

Pinilit ni Carlo na aliwin ang sarili, pero hindi mawala sa isip n'ya si Jane. Dumadagdag pa ang pagkabalisa kung paano sisimulan ang pinaplanong pagtatapat. Baka kasi magalit ang halos ituring n'yang Ama.

Kumuha ng dalawang wine glass si Carlo at isang bote ng red wine. Lumapit s'ya sa matandang lalaki na nakatayo sa may terrace. Iniabot n'ya ang isang baso at saka sinalinan ito ng wine. Nilagyan din n'ya ang para sa kanya.

"Salamat Carlo. Happy New Year!"

"Happy New Year din po Tito Luis"

Uminom s'ya sa basong hawak.  Napabuntong hininga at wala sa kausap ang kanyang tingin.

"Ahm Tito"

"Yes Carlo?"

"Ready ka na po ba? Sa birthday mo?"

"Yes I'm ready. I'm also excited to see her reaction once she knew that we're related."

Yumuko si Carlo at tumitig sa basong hawak habang iniikot-ikot ang laman nito.

"Tito, ano po kasi"

"Ano yun Carlo?"

"Hindi ko na po kaya"

"What do you mean?" Gulat na sinabi nito.

"I want to quit."

"Why?"

"Hindi ko po kaya, ayokong saktan s'ya. Sorry po" uminom s'ya ulit ng wine. Halos maubos n'ya ang laman ng kanyang baso.

Naghihintay siya ng isasagot ni Tito Luis. Tumangu-tango lang ito habang tahimik na tinikman ang kanyang binigay. Napangiwi pa ito ng bahagya, halatang naasiman sa wine na tinikman. Hindi naman mahulaan ni Carlo kung ano ang laman ng isip ng kanyang Tito.

Ilang segundo din ang katahimikan sa pagitang nilang dalawa. Namayani ang ingay sa sala gawa ng mga nagkakantahan nilang mga kamag-anak.

"Alam mo Carlo" biglang sinabi ni Tito Luis. Napatingin naman si Carlo sa kanya.

"This month, oh actually last month used to be hell for me. Bumabalik lahat ng sakit. Parang naging normal na nga ang maging malungkot." Ani Tito Luis.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon