Holding Hands

297 31 9
                                    

"I love you Kaye Cal!"

Sigaw ng mga babae sa gilid. Halos malagutan ng litid mapansin lang ni Kaye. Hindi naman sila nabigo dahil ngumingiti naman ito sa gawi nila. Para bang gusto ding sumama ni Jane sa pagsigaw pero naalala n'ya bigla ang sinabi ni Wendy nong minsan silang kumain sa labas na 'pag nakita s'ya nitong nangunguna sa pag-sigaw habang nagpeperform si Kaye ay sasabunutan s'ya ni bakla. Minsan talaga hindi din maganda ang sobrang pagdedeny ng feelings. Iniisip din n'ya ang walang humpay na pang-aasar na gagawin ng dalawang kaibigan kapag nakita s'yang nasa ganong sitwasyon. Kaya naman imbis na magsisisigaw ay kinuhanan nalang n'ya ng video si Kaye habang nagpeperform. Saktong sakto naman ang pwesto nila at walang kahirap hirap kumuha ng video. Napapansin din n'ya ang minsanang pagtingin ni Kaye sa gawi nila. Kilig.

"Ang sexy naman ni Kaye sa part na 'yon" sabi ni Wendy.

"Ang manyak mo talaga!" Sabi ni Suzette.

"Ay mukha ba? Sorry hindi ko mapigilan. Haha natitibo na yata ako eh."

"Wag ka assumera, wala kang matres. Lalake ka pa din at babae pa din yan"

"Kahit na!"

Hinagisan ni Wendy ng chips si Suzette bilang ganti sa pangbabasag trip nito.

"Teka bakla, wag ka magulo. May busy dito oh. Tignan mo at ngumingiti ngiti pa." Tinuro ni Suzette si Jane.

Nagpangalumbaba si Wendy at halos sobrang lapit ng mukha nito kay Jane.

"Jane, yung tataa, gaano kahirap?" Tanong ni Wendy.

"Ang alin?" Sagot ni Jane.

"Ang magpanggap na deadma lang sa'yo yun oh" tinuro ng nguso ni Wendy yung kumakanta sa stage.

"What do you mean?"

"Slow mo talaga. Alam ko namang patay na patay ka d'yan pacool ka pa rin"

"Matagal na 'kong cool"

"Cool mo mukha mo!"

"Wag ka ng selos baby!" Pang-aasar ni Jane.

"Yuck! Kadiri ka!"

Tawang tawa talaga si Jane pagbinibiro n'ya ng ganon si Wendy.

Natapos ang 1st set ni Kaye. Nilapitan s'ya ng 2 host.

"So kamusta ka naman ngayon Kaye pagkatapos mo akong iwanan?" Sabi ni Ateng host.

Natawa lang si Kaye.

"Partner baka gusto mo pa ng isang venti size na coffee. Sabihin mo lang ililibre kita kahit mahal magkaroon ka man lang ng kaunting hiya dyan sa balat mo" sabi ni kuya Host.

"Joke lang eto naman oh! Hindi mo nalang ako sakyan eh!" Sagot ni Ateng partner kay Kuyang partner.

"Oh kayo d'yan, hulaan ko lahat ng babae dito ay hulog na hulog kay Kaye ngayon gabi." Sabay tapat ng microphone sa audience.

"Yesss!" Sigaw ng mga fangirl sa gilid

"Pano ba 'yan Kaye, kayo mo bang saluhin ng sabay sabay ang mga 'yan? Ang laki pa nung isa oh. Joke lang girl. Love you!" Kunwaring bumulong kay Kuyang Partner pero nakatapat pa din ang mic sa bibig "baka abangan ako mamaya eh"

Nagtawanan naman ang lahat sa sense of humor ni Ateng partner.

"Mukhang hindi lahat eh." Sabi ni Kaye kumakamot sa ulo at nakatingin sa side ng mga familiar na mukha.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon