Photo Op

314 32 0
                                    

"Welcome po sir!" Bati ng guard kay Joshua.

Sinilip ng guard ang loob ng sasakyan nila Jane at mas lumawak ang ngiti ng makita n'ya si Kaye. Peymus talaga tong isang to.

(Sasakyan nila Jane. Feeling n'ya kasi sasakyan nila iyon at nasa Amana Waterpark sila para mag family outing. Deh joke lang. Haha)

Habang pumapasok sila ay tumingin tingin si Jane sa paligid. Mukhang ayos lang naman ang mga ito. Busy sa kanikanilang ginagawa. Habang s'ya, heto at parang guguho ang mundo. Ayaw pa n'yang bumaba. Gusto lang n'ya doon sa kinalalagyan n'ya. Katabi si Kaye Cal.

Bago pa matapos ang moment na 'to ay kailangan nyang makuhanan man lang si Kaye ng picture. Wala pa nga pala silang picture together. Pasimpleng kumuha ng phone si Jane at palihim na nagselfie. Yung tipong si Jane lang ang nakatingin at si Kaye ay hindi. Stalker na stalker ang dating Ng biglang.....

*Click*

Emeged! My shutter(!!!!!!!)

Napalingon si Kaye sa pinanggalingan ng tunog. Hindi alam ni Jane kung saan parte s'ya ng mundo magtatago sa mga oras na iyon. Pulang pula ang mukha nito sa kahihiyan.

"Pinipicture'an mo ba ako?"nakangising tanong ni Kaye.

"Ah eh hindi ah! Napindot lang!" Sagot ni Jane.

"Mukang kumukuha ka ng stolen shot ko eh!" Sinisiko siko pa ni Kaye si Jane.

"Hindi nga sabi eh!" Okay naiinis na si Jane.

"Ang cute mo. Para kang Rosas sa pula" sabi ni Kaye.

"Parang yung song mong Rosas Kaye!" Basag moment talaga tong si Suzette.

"Awww! Ang sweet mo talaga Suzette! Alam mo yung mga songs ko" napalingon si Kaye sa likod para tignan si Suzette.

"Ene be! Small thing!" Pag-iinarte ni Suzette.

Mabalik kay Jane. . .

"Jane gusto mo ba magpicture tayo?" Tanong ni Kaye.

(Sosyal ah. Yung singer pa talaga ang nagtatanong ng photo op. sayo Jane.)

"Jane sige na 'wag ka na mahiya. Alam kong gustong gustong gusto mo. Haha. Para may picture ka na tititigan hindi puro stalk sa FB at IG account ni Kaye" pang-aasar ni Wendy.

Hinagisan ng nakamamatay na tingin ni Jane si Wendy. "Lagot ka saken mamaya" sabi nito sa isip.

Nakahalata naman si Wendy. Parang nabasa ang iniisip nito "joke lang beshy hindi ka naman mabiro". Sagot n'ya sa isip.

"Mag-uusap tayo mamaya pagbaba ng sasakyan" iniisip ni Jane.

"OMG! Hindi na mauulit promise" napataas ng kamay si Wendy.

Nakatingin sa isa't isa si Jane at Wendy. Parang nag-uusap talaga sa isip. Friend's instinct nga naman.

Nakatingin lang si Kaye sa kanilang dalawa. Tila ba nawiwirduhan sa iniisip ng magkaibigan.

At dahil hindi sumagot si Jane sa tanong ni Kaye kanina, si Kaye na Mismo ang nagdecide para magpicture sila ni Jane. (Ang haba talaga ng buhok). Kinuha ni Kaye ang phone nya. Sa-mismong-phone-n'ya-sila-magpipicture.

Umakbay ito kay Jane. Medyo yumuko pa ito para kahit papano ay magkapantay ang height nila. Halos magkadikit ang mga pisngi.

"Okay! One.. two.. three.. smile!"

Hindi magawang ngumiti ni Jane. Nauunahan sya ng kaba. Para gusto na n'ya magpadala sa emergency room para magparevive ng puso nyang patay na patay kay Kaye.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon