18 Years Ago

265 23 6
                                    

Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time


Tumutugtog ang latest song ni Ed Sheeran na Perfect sa Background. Kaunti lang ang tao at makikita sa gitna sila Jane at Kaye. May mga ilan na tumitingin kay Kaye, ang iba naman ay akala mo mga bulateng inasinan dahil sa sobrang kilig. Hindi din maiwasan ang mga bulung-bulungan tungkol kay Jane. Ang iba naman ay kinikilig para sa kanilang dalawa.

"Ahmm Jane, okay lang ba kung iwan muna kita saglit? Pwede mo akong hintayin sa sasakyan ko if you want? Puntahan ko lang si Doc. Nandun na kasi s'ya sa office n'ya" sabi ni Kaye.

"Maglalakad lakad nalang muna ako. Mga anong oras ka kaya babalik?"

"Hmmm I'll text you nalang. I have your phone no. Remember?"

Biglang nag-init ang pisngi ni Jane sa narinig. Nakay Kaye pa rin pala ang cellphone no. nito. Nakasave kaya? Ano kayang name ko dun? Biglang nacurious si Jane. Pero dahil denial queen s'ya ay nagpanggap lang ito na parang wala lang sa kanya ang narinig.

"Aah sige. Text mo nalang ako"

"Sige una na 'ko, saglit lang ako promise!"

Itinaas pa ni Kaye ang kanang kamay para masigurado kay Jane na hindi ito magtatagal.

"Okay sige." Nakangiting sabi nito.

Nagmamadaling umalis si Kaye habang si Jane ay naiwang nagkakape.

*Tok* *tok*

"Tuloy" sabi ni Doc. Hernandez

"Hello po Tito"

"Oh Kaye ikaw pala 'yan. Buti at napadalaw ka. Nabanggit ng nurse kanina na hinahanap mo daw ako kaya binilisan ko 'yung pagrarounds. Kamusta? Balita ko sikat ka na"

"Hindi naman po Tito, konti lang. Ahmm, Oo Nga po pala Tito may gusto lang kasi akong malaman."

"Ano 'yun? Parang napakaimportante at napasugod ka dito?"

"Kasi ganito po 'yon, may nakilala kasi akong girl sa gig ko kagabi" hindi alam ni Kaye kung paano sisimulan.

"Advantage ng pagiging sikat ang makakilala ng mga magagandang babae haha. And then?" pabirong sabi ni Doc. Hernandez.

"Haha grabe naman po 'yon. Hmmm, pag-uwi ko kasi kagabi, nagtry lang naman ako na magsearch about her. Out of curiosity lang, ang galing n'ya kasi kumanta at tumugtog ng gitara."

"Nangangamoy inlove ka ah." Nakangiting sabi ni Doc.

"Tito naman!." Nahihiyang sabi ni Kaye.

"Okay continue mo na. Namumula ka na oh"

"Ayun nga po, Luckily hindi nakaprivate ang Instagram account n'ya so nagbrowse po ako ng pictures n'ya then I just noticed an old picture, throwback picture na may caption na 17 years ago with my no. 1 fan. One year ago na po yung post na yun dated Dec. 21, 2016 Same date today"

Nakikinig ng mabuti si Doc kay Kaye. Mukhang seryoso na ang usapan.

"And then, kasama ka po sa picture Tito. Isang batang babae, lalaki at ikaw po kaya lalo akong nacurious"

"Ako?" Napaturo si Doc sa sarili, halatang nagulat.

"Yes po. Ikaw Tito. Alam kong ikaw yun kahit may buhok pa." Gumaganti si Kaye sa pang-aasar ni Doc kanina. Medyo nakakalbo na kasi si Doc. Wala na ang malagong buhok nito.

"Ito po oh" Pinakita ni Kaye ang picture na nakasave na sa phone n'ya. Tinignan naman ng mabuti ni Doc. Hernandez. Natahimik ito pero tuloy pa rin si Kaye sa pagkukwento.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon