"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago ka na,Isa..
Dalawa..
Tatlo.."
Dilat. Hakbang ng marahan. Lakad.
"San ka na? Magpakita na ka sa akin. "
Lakad. Lingon sa kanan, kaliwa, likod.
"Drew? Labas na d'yan"
"Drew? Makikita din kita kahit saan ka magtago."
"Drew? Ikaw ba yan Drew?"
Lumapit sa s'ya batang nakahandusay sa lupa.
"Dreeeeewwww"
Alas sais na ng gabi ngunit hindi paawat ang dalawa sa paglalaro. Naisipan nilang magtaguan. May kaunting liwanag na nanggagaling sa buwan.
Nakita n'ya ang kaibigan na nakahandusay sa lupa. Walang malay, maputla na ang bibig at nanlalamig ang mga palad.
"Drew! Gising. Bat ka natutulog d'yan. Naglalaro pa tayo. Taya ka na oh!"
Binibiro n'ya ang kaibigan ngunit taliwas sa reaksyon ng mukha niya. Nangingilid na ang mga luha. Niyuyugyog n'ya ito ngunit hindi gumigising o dumidilat man lang.
Tumayo s'ya para manghingi ng tulong. Nasa hardin sila ng bahay ni Drew para maglaro.
"Yayang! Si Drew po. Tulong po"
"Bakit Jane? Anong nangyari?"
"Maglalaro lang po kami sana ng tagu-taguan. Hahanapin ko na sana s'ya.. tapos.. tapos po nakita ko nakahiga nalang s'ya sa doon. Yayang anong nangyari sa kanya?"
Matalik na kaibigan n'ya si Drew. Simula ng lumipat sila ng bahay sa Bulacan ay ito na ang lagi n'yang kasakasama. Magkapitbahay lang sila kaya madalas si Jane sa bahay ni Drew. Minsan ay si Drew naman ang nagpupunta sa kanila. Walong taon pala sila noon, musmo pa ang isip ngunit malalim na ang pagkaintindi sa salitang pagkakaibigan.
"Di ba sabi sa inyo ni Sir huwag kayong magpapagod. May sakit sa puso si Drew hindi pwede sa mga ganyang laro." Sabi ng Yaya ni Drew habang naglalakad papunta sa direksyon na tinuro ni Jane.
"Diyos ko anak! Gising! Gising!"
Sinampal sampal ni yayang si Drew para magising.
"Jane tawagin mo si Berting, dalhin natin sa ospital si Drew"
"Opo yayang"
Tumakbo ng matulin ang batang si Jane. Halos madapa na ito sa kakamadali. Pinupunasan n'ya ng kwelyo ng damit ang luhang humaharang sa mga mata n'ya.
"Mang Berting! Tulong. Si Drew kailangang madala sa doctor"
Mabilis na kumilos si Mang berting at dinala sa pinakamalapit na ospital si Drew .
Kasalukuyang nasa emergency room si Drew at sinusuri ng mga doctor. Si Jane, Yayang at Mang Berting ay nasa labas ng kwarto naghihintay ng resulta. Maya maya pa ay dumarating na ang mga magulang ng dalawang bata.
"Anong balita?" Tanong ng Daddy ni Drew
"Wala pa po sir. Hindi pa lumalabas yung mga doctor" umiiyak na si Yayang sa pag-aalala.
Tumingin ito sa batang babae na nakatayo malapit sa kanya. Nanlilisik ang mata sa galit. Takot ang naramdaman ni Jane.
"Di ba kabilin bilinan ko huwag kayong magpapagod ni Drew? Bakit hindi n'yo ako sinunod?" hinatak nito ang braso ni Jane sa sobrang galit.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfic(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?