Alas onse na ng gabi pero gising na gising pa ang diwa ni Jane. Maya't maya lang naman nya naaalala ang mga (mga dahil sobrang dami talaga) ganap sa araw na iyon. Napapangiti ito ng hindi sinasadya.
"Uy mukhang ang saya mo ah" sabi ni Carlo.
"Wala, 'yung kanina lang. Hindi ko kasi akalain na mangyayari pala sa akin yung mga iyon atleast once in my life."
Sagot ni Jane.
Naglalakad silang dalawa sa ilalim ng maulap na kalangitan. Wala ni isang butuin ang sumisilip sa ulap. Mukhang may badya ng pag-ulan.
Si Carlo ay nakapamulsa at nakatanggal ang mga butones ng suot na tux habang si Jane naman ay nasa likod ang kamay at may sinisipang bato. Kanina pa n'ya pinag-iinitan ang maliit na batong nakita n'ya.
"Huwag ka magsalita ng tapos. Malay mo may kasunod pa 'yan" sabi ni Carlo hanggang sa mapatingin sa sinisipang bato ni Jane.
"Baka ma-out of balance ka d'yan ah." Singit n'ya habang tinuturo yung kawawang bato.
"Hmm hindi ko sure, hindi naman ako ganon kagaling. Sakto lang.. eto na po, stop na." Sinipa ng pagkalakas-lakas yung kawawang bato.
"Ayan ka na naman. Pahumble pa." Balik ang tingin sa dinaraanan.
"Hindi ah. Hindi talaga ako ganon kagaling kumpara sa iba"
"Paano 'pag isang araw sumikat ka nalang bigla? Lalo mo na ako makalimutan"
Napatigil si Jane sa sinabi ni Carlo.
"Baliw ka, never mangyayari 'yon"
Ano ang never mangyayari Jane? Yung sumikat o yung kalimutan si Carlo?
"Totoo naman!" pabulong na sabi ni Carlo pero tama lang para marinig ni Jane.
Namayani ang katahimikan.
Patuloy pa din sila sa pag lalakad hanggang sa may makitang silang duyan.
"Uy may duyan oh, gusto mo munang maupo? Kanina ka pa kasi nakatayo at naglalakad."
"Wow, bakit parang kanina ka pa concern?" Pabirong sabi ni Jane para mabawasan ng kaunti yung awkward atmosphere sa kanilang dalawa.
"Ganito naman ako kahit kanino, wag kang assuming"
"Aray ko beh!" Pabirong napahawak sa puso si Jane. "Kala ko sa akin ka lang ganyan. Pero pwera biro, hindi ako sanay na concern ka sa akin. Hmm.. Alam ko na! Dahil ba sa itsura at bihis ko ngayon? Ang galing talaga ni Wendy" nagpabebe ito. Nagsway sway pa habang nakahawak sa dress n'ya. Bagay naman.
"Matagal na akong ganito. Nakalimutan mo na. Sabagay, iniiwasan mo kasi ako." bulong ni Carlo.
Saktong may dumaan na grupo ng kababaihan na maingay na nagkukwentuhan kaya hindi narinig ni Jane.
"Friend! Si Kaye Cal ba yung nakita ko kanina na sumakay ng Van? o namamalikmata lang ako?" Sabi ni girl 1 na halatang hindi nila kasama sa trabaho dahil hindi nya napanuod si Kaye na magperform.
"Oo yata friend, ang gwapo pala n'ya sa personal" sabi ni girl 2.
"Hindi halatang babae noh? Crush ko na yata s'ya" sabi ni Girl 3.
Nagkatinginan lang ang dalawa. Natawa lang si Jane habang si Carlo, ayun poker face.
Dumerecho sila sa may duyan at doon nagpatuloy sa pagkukwentuhan. Kanya-kanya silang upo. Hindi inalalayan ni Carlo si Jane. Baka sabihin super duper to the max ang concern nito. Bahala-ka-d'yan-Jane ang peg n'ya ngayon.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfiction(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?