Chapter 1

4.2K 99 3
                                    

Jennie's POV.

" Jennie naman, this is the first time na may hindi magandang nangyari sayo? Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Manager sakin habang nakayuko ako.

" Sorry po ma'am... Hindi ko naman po talaga sinasadyang mabangga sya ehh". I said. Huminga ng malalim si manager at tumingin sakin.

" Kung ganon sige na. Papalagpasin ko na yung ginawa mo sa kanya. Pero promise me na hindi na mauulit to". Sabi sakin ni manager kaya tumango ako. " At... Ano mo ba yun? Boyfriend mo?" Tanong bigla ni manager kaya nanlaki yung mata ko.

" Hindi ko pa sya boyfriend. Hindi ko nga po kilala yun ehh". Sabi ko kaya napatango si Manager.

" Sige na umuwi na kayo dahil gabi na rin.. Mag iingat kayo". Lumabas kami ng office at kinuha na rin namin yung gamit namin. Habang nag lalakad kami pauwi ni Haley bigla akong nagtanong sa kanya.

" Sino ba yung lalaking humalik sakin?" Tanong ko.

" Uyy... Gusto nyang malaman". Panunukso nya.

" Hindi no. Nakakinis lang kasi". Sagot ko.

" Si Third Luminia yung humalik sayo! Seriously Jennie? Hindi mo sya kilala?! Kaklase natin sya! Ayan kasi sa sobrang busy sa buhay hindi mo na napapansin yung ibang tao... And according sa kanya he's a gangster. May isang syang gang that called 'Bad devil man' at sya ang pinaka leader". Pagpapakilala nya rito.

" Ganon?" Tanong ko at tumango sya.

" Sige bye na. Nasa harap na ako ng bahay ko". Sagot ni Haley kaya niyakap ko sya at nag beso kami. When I got home bunganga na naman ni tita ang sumalubong sakin.

" Buti naman at nandito kana! Balak mo ba kaming gutumin?! Kanina kapa namin hinihintay!" Sigaw nya sakin.

" Sorry po tita.. May nangyari po kasi kanina sa coffee shop". Sagot ko.

" Naku! Palusot mo na naman, magluto ka na!" Sigaw nya sakin kaya nagpunta muna ako ng kwarto ko para mag palit. Pagkatapos kong magpalit bumaba ako para magluto. Mabilis naman akong natapos sa pag luluto kaya naupo spkami para kumain.

" Ate, kamusta po yung work nyo?" Tanong sakin ni Pao.

" Okay naman... May nangyari lang hindi masyadong maganda". Sagot ko sa kanya.

" Ano naman yun ha?" Pag tataray sakin Bella

" Sabihin mo na samin. Akala mo naman ang ganda ganda para maging pabebe". Singit naman ni Belle

" Nabunggo ko kasi si Third Luminia---" Naputol naman yung sasabihin ko ng tumili silang dalawa.

" Oh really? My god!"

" He's so gwapo like he's the perfect man in the world". Sabi nila kaya napatingin ako. " Tapos ano nangyari?" Tanong nila.

" Ahh ano po, natapunan ko po sya ng ice coffee". Sabi ko at hindi ko na dinamay yung pag nakaw nya sakin ng halik.

" Oh pag katapos mo dyan Jennie hugasan mo na yung mga plato tapos gawin mo na rin yung assignment ni Pao". Sabi sakin ni tita.

" Pero tita---"

" Ano marami ka naman gagawin? Isingit mo na! Minsan mo nga lang tulungan ang mga pinsan mo". Inis na sabi sakin ni tita. Minsan? Halos araw araw nga ako ang gumagawa ng assignment nila at projects. Matapos kong kumain hinugasan ko na yung mga pinagkainan namin at ginawa na rin yung assignment ni Pao. Kung si Pao okay lang gawin ko lahat ng assignment nya at projects pero yung sa kambal hindi na. Matapos kong gawin yung assignment ni Pao nahiga na ako sa kama ko ng pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Pinikit ko na lang yung mata ko at pilit na natulog.

***

Pag dating ko ng University nasalubong ko si Haley na dapat mag lalakad na sana kami palayo ng magtilian na lahat ng babae sa University. Napalingon naman ako at nanlaki yung mata ko ng makita ko kung sino ang tinitilian nila. Si Third Luminia. Halos hindi ko sila mabilang dahil sa sobrang dami nila.

" Jennie, tara na". Biglang sabi ni Haley kaya nag punta na kami sa room. Naupo kami at nag kwentuhan lang ni Haley pero napatigil kami sa pag kwe-kwentuhan ng pumasok yung Bad devil man. Halos lahat ata sila kaklase ko. Nang mag start yung klase tahimik lang ako dun at busy sa pakikinig ng mag time na. Pinauna ko na si Haley sa cafeteria dahil may ibabalik lang ako sa locker ko. Pag kasara ko ng locker ko saktong pagkita ko kay Third. Iiwasan ko na sya ng bigla may nakabunggo sakin. Kaya natapon yung chocolate shake sa kanya.

" My Gosh! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?! Your so stupid! Alam mo ba kung gaano kamahal 'tong uniform ko?! I guess no? Mahal 'to! Alam mo ba yun?!" Sigaw sakin nung babae.

" I-im sorry. I-ikaw naman yung nakabangga sakin ehh". Sabi ko sa kanya.

" No I'm not. Ikaw yung nakabangga sakin. Kaya mo lang naman ako sinisisi dahil mahirap ka lang! Hindi ka naman talaga makakapasok dito kung hindi ka scholar right? So paano 'tong uniform ko". Nakakapikon na 'tong babaeng kaharap ko. Akala mo kung sino. Sarap ibuhos lahat ng chocolate shake na nasa cafeteria. " T-third..." Napatingin naman ako kay Third na nasa tabi ko na pala.

" What's happening here?" Malamig na tanong nya.

" S-sya kasi binunggo nya ako. She's so stupid". Sagot nung babae.

" I saw everything... Ikaw ang nakabunggo sa kanya".

" Pero hindi ako. Kung hindi lang sya tanga-tanga edi sana hindi wala akong chocolate sa uniform ko ngayon". Sagot ulit nung babae.

" Naliligo ka naman na sa chocolate, maligo ka na ng buo". Sagot ni Third kaya nanlaki yung mga mata namin.

" A-are you serious?" Utal na tanong nung babae. Tumango si Third at pilit na pinababa yung babae. Sa sobrang kaba ko naman pati ako sinundan sila. Nasa tapat kami ng cafeteria kaya lahat ng tao dun lumabas na. Dalawa sa grupo nya ang inutusan nya para ilabas yung isang galon ng chocolate shake.

" Ibuhos na yan! Ibuhos na yan! Ibuhos na yan!" Halos sigaw ng lahat. Nagulat na lang ako ng ibuhos sa kanya yung lahat ng chocolate shake. Nanlumo ako sa ginawa niya. Kaya nya talagang gawin yun? Napaka sama nya talaga. I don't know but I start to hate him. Napatingin naman ako kay Haley na nagulat din. He's really a trouble maker.

Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon