Chapter 3

3K 80 1
                                    

Jennie's POV.

Na nakikinig lang kami sa lesson habang si Haley pinipigilan na matulog sa klase. Napatingin naman ako bigla sa pwesto ni Third at nakita ko syang tahimik na naka dukdok at mukang natutulog.

" Class dismiss". Tumayo agad si Haley at nag inat. Nag hiyawan naman yung iba at lumabas. Tumayo ako para umalis na kami ni Haley pero nauna ang mga ka gang ni Third at huli syang lumabas. Pero bago pa sya lumabas walang emosyon nya akong tinitigan.

" Uyyy, Tara na". Aya sakin ni Haley kaya kinuha ko agad yung bag ko at lumabas kami para kumain. Pag pasok namin sa cafeteria ingay agad ang sumalubong samin. " Anong kakainin mo?" Tanong nya sakin ni Haley.

" Hindi ko pa alam". Sagot ko. Hahakbang na sana ako ng biglang may sumingit na lalaki sa harap ko. Napa scoff naman ako dahil hindi man lang sya lumingon. Bastusan lang? Kinalabit ko sya pero hindi man lang sya tumingin sakin.

" Excuse me? May pila diba? Pwede ka naman mag hintay diba?" I said while having a sarcastic voice.

" Sorry, pero I don't talk to strangers". Sagot nya.

" Ang kapal mo naman pala ehh, ikaw na nga 'tong sumingit ikaw pa ang may makapal na mukha". Singit ni Haley. May dinukot naman sya sa bulsa nya at napatingin kami ni Haley sa piso nyang hawak.

" Ito piso, mag hanap kayo ng kausap nyo". Sagot nya at binigay yung piso bago umalis. Napanganga na lang ako ng umalis sya. Bastos talaga yung lalaking yun.

" Miss, bibili ka ba?" Napatingin naman ako sa tindera kaya agad akong namili ng makakain ko. Pag kaupo namin ni Haley saktong dumating ang Bad devil man. Nag sitilian naman lahat ng babae sa cafeteria kaya napa irap ako. Ano bang meron sa kanila? Paki sabi naman sakin ng maintindihan ko. Well... Aaminin ko na gwapo sila pero puro gulo lang ang habol nila. Kung matitino lang sila baka nag ka gusto na ako sa kanilang lahat.

" Bes, yung pag kain mo. 'nu na?" Nagising naman ako sa realidad ng narinig ko ang boses ni Haley.

" Ha? Ano yun?" Tanong ko.

" Yung pag kain mo kasi. Ikaw huh, Baka matunaw yung Bad devil man sa kakatitinig mo". Sabi ni Haley kaya napa irap ako.

" Hindi kaya". Sagot ko.

" O sige hindi na sa Bad devil man, kay Third na lang". Sagot nya kaya napa iling na lang ako. Aalis na sana kami ng nagulat kami dahil bigla na lang may humawak sa balikat namin at pilit kaming pinaupo.

" Hello girls~". Bati samin ng Lucas na isang gangster din. But correction hindi sya member ng Bad devil man. Isa rin sya sa kalaban ni Third.

" Ano ba? Lubayan mo nga kami". Singhal ko at pag katayo namin ni Haley nagulat na lang kami ng lahat ng member ni Lucas nakapabilog samin.

" Gusto nyong umalis? Fine pwede kayong umalis... Kung makaka alis kayo". He said while having a big smirk.

" The fvck Lucas". Sa isang salitang yun lahat ng atensyon namin napunta sa kanya. Nanlaki na lang yung mata ko ng makita ko si Third na nasa katapat naming lamesa habang nakatayo sya dun. What the hell?! Kailangan madamay kaming dalawa ni Haley dito? Bumaba si Third mula sa pag kakatungtong nya sa lamesa at lumapit samin ng hindi kalayuan.

" Ano bang problema mo Third? Lahat ata ng galaw ko alam mo ahh. Ano ba kita? Stalker?" Sabi ni Lucas habang hawak hawak ang braso ko.

" You wish". Sagot ni Third.

" Oo nga pala Third. Girlfriend ko nga pala". Sabi nya kaya nanlaki ang Mata ko sa sinabi ni Lucas. Whut? Napa atras ako ng hahalikan dapat ako sa pisnge ni Lucas ng makita ko na lang sya na nasa lapag habang may dugo yung labi nya.

" You asshole!" Sigaw ni Third at sa isang suntok lang ni Third nag simula na ng away--- I mean gulo. Habang busy sila say pakikipag away nakita ko si Haley na hinahanap ako kaya tumakbo ako para pumunta sa kanya ng mapatili ako dahil bigla na lang may humatak sakin at nakita ko si Lucas na may naka turok sakin na matulis na bagay. Napatigil silang lahat dahil sa ginawa ni Lucas.

" Subukan mong lumapit. May dadalak na dugo dito". Saad ni Lucas kaya kinabahan ako. Napatingin ako kay Third na naka ngisi lang habang nakatingin sakin. Ano nasa isip nya? Baka sabihin nya 'patayin mo na dahil masama ang ugali nyan'

" Then do it..." Sagot ni Third kaya tumayo lahat ng balahibo ko sa buong katawan. " Pero kapag ginawa mo yun, sigurado akong wala ng leader ang gang mo". Dagdag ni Third at tumingin sa paligid. Nagulat naman ako ng makita ko na lahat ng mga member ni Lucas mga walang malay.

Ngumisi sya at naramdaman kong gumaan ang pag kakahawak ni Lucas sa kutsilyo. Tumakbo sya ng parang bata kaya ako napaupo na lang dahil sa sobrang panlalambot.

" Jennie! Thank god your okay". Napatingin ako kay Haley na ngayon na nasa harap ko. " Tulungan na kita alam kong nanlalambot ka pa". Dagdag nya at tatayo na sana ako ng makita ko si Third na nasa harap namin.

" Hey. Ayusin mo tong gulong ginawa mo". Sabi nya kay Haley.

" Excuse me?~ ikaw kaya tong nakipag away dyan". Sagot naman ni Haley.

" Nakipag away kami kasi para maligtas kayo. Now, clean this fvcking mess". Sagot naman ni Third kaya walang nagawa si Haley kung hindi umalis para mag linis. Nagulat ako ng buhatin ako ni Third na parang pang kasal kaya nakita ko ang mahabang nyang pilik mata. What the?! Gumising ka Jennie.

" Where are we going?" Tanong ko.

" Clinic". Maiksing sagot nya. " May utang ka sakin". Dagdag nya kaya napa irap ako.

" Sino bang nag sabi na tulungan mo ako. Kaya ko naman ang sarili ko. At I'm not a kid anymore". Sagot ko.

" Kung hindi pa kita tinulungan Baka naka hubad ka na sa buong cafeteria". Sagot nya kaya nagulat ako. Is he serious? " You don't know Lucas". Dagdag nya. Pag kadating namin sa clinic inupo nya ako sa kama. Nakapamulsa syang tumingin sakin.
" Sa susunod ko na lang sisingilin sa utang mo". Sabi nya sakin habang nakangisi. Umalis sya kaya ako Napa nganga na lang. Ako pa ngayon yung may utang sa kanya.

Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon