Chapter 24

1.7K 44 2
                                    

Jennie's POV.

Tatlong araw na ang lumipas at pwede na akong pumasok ngayon. Naka ayos na ako at tapos na rin kumain.

" Cassie, umalis na ba si Third?" Tanong ko sa kanya.

" Ayy opo ate. Kanina pa po sya naka alis". Sagot nya. Tumango ako, tumayo na rin ako at lumabas ng mansion ni Third. Pag ka labas ko ng subdivision ay nag lakad na ako. Pero habang nag lalakad ako ay pakiramdam ko ay may nag mamasid sakin. Binaliwala ko lang yun. Tumingin ako sa likod ko pero wala naman. Napailing na lang ako at binilisan ang pag lakad ko.

Nang makarating ako sa University ay naka hinga ako ng maluwag. Kahit lakad lang ang ginawa ko ay hinihingal ako. Bawat kilos ko ay nahihirapan ako kanina. Talagang may nag mamasid sakin pero hindi ko talaga alam kung sino. Tuwing tumitingin naman ako sa likod ay wala naman taong naka tingin sakin.

" Okay ka lang miss?" Tanong sakin nung gaurd.

" Okay lang po". Sagot ko. Pumasok ako sa room buti na lang hindi pa ako late. Naabutan ko si Haley na busy sa phone nya.

" Okay ka lang?" Tanong nya sakin.

" Ayos lang". Sagot ko kahit ang totoo ay hindi talaga. Nag start ang klase na lutang parin ako. Nang ma lunch ay sabay kami ni Haley dahil si Yuan ay tapos ng kumain at dumeretso na sya sa klase nya. Mukang busy nga sya. Masipag si kyah.

" Buti naman ay maayos ka na. Wala na bang masakit sayo?" Tanong ni Haley kaya umiling ako.

" Yang puso mo?"

" Huh?"

" Alam kong masakit yan, Jennie..." Seryosing sabi ni Haley.

" A-ano ka ba? Okay lang nga lang ako".

" Wag mo nga akong lokohin Jennie. Alam kong umamin na si Third sayo".

" Paano mo nalaman?"

" He told me everything... At si Yuan. He told me that he like you... Jennie. Anong gagawin mo?" Tanong nya sakin pero ang kinagulat ko ay ang sinabi ni Haley tungkol kay Yuan.

" May gusto sakin si Yuan?" Tumango sya. Unting unting nag proseso sa utak ko ang lahat, napapikit na lang ako ng mariin.

"Anong gagawin mo?"

" Hindi ko alam. Ano ba tong nangyayari sakin?"

" Nandito lang ako okay? Kung naguguluhan ka na. Nandito lang ako". Sabi ni Haley. Sumasakit ang ulo. Tumayo kami ni Haley para sana umalis na sa cafeteria ng masalubong namin si Third habang may nakapulupot na higad---- este ahas. I mean babae sa braso nya. Katulad ko napahinto rin sya at nag titigan kaming dalawa. Now I know. May problema nga. Naka ramdam ako ng kirot mula sa dib dib ko, pakiramdam ko rin ay naluluha ako sa nakikita ko ngayon.

Una akong umiwas ng tingin at agad naman akong hinatak ni Haley papalabas sa cafeteria. Nag seselos ba ako? Pero bakit? Hindi naman kami. Wala naman ako nararamdaman sa kanya. Pero bakit ang sakit? Hindi kami pero bakit ang sakit makita na may kasama syang iba. Na kaysa ikaw ang kasama nya ay iba ang kasama nya. Gusto ko na ba sya?

" I knew it! Hindi talaga sya seryoso sayo. Urrgghhh!" Singhal ni Haley.

" Haley tama na. Mauna ka na room. Gusto ko lang makapag isa... Gulong gulo na ako sa nangyayari". Sabi ko kaya napatingin sya sakin.

" Okay ka lang?" Tanong nya sakin.

" Hindi ko alam. Nasasaktan ako kahit wala akong karapatan". Sagot ko at doon pumatak ang luha ko. " Iwan mo muna ako..." Sagot ko saka umalis sa harap nya. Hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang alam ko ay gusto ko lang makapag isa. Gusto ko lang mawala ang sakit na narararamdaman ko ngayon.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin patalikod. Mas lalo akong naiyak. I'm sorry. I'm sorry...

" I'm sorry, Yuan..." Bulong ko pero alam kong naririnig nya yun. " I'm sorry pero hindi ko kayang..."

" Stop... Alam ko... Alam kong hindi mo ako magagawang mahalin... Sorry rin, kasi nagawa kitang magustuhan. Kasalanan ko lahat ng ito... Kahit masakit... Kahit sobrang sakin. Patawarin mo ako..."

" Y-uan... Sorry talaga. Pero hanggang pag kakaibigan na lang ang maiibigay ko sayo... Ayokong mawala yun". Giit ko kaya napatango sya sabay ang pag tulo ng luha nya.

" I know, I know. And sorry, pero hindi ko kayang makalimutan ka ng ganoon kadali..." Sabi nya at tumingin sakin.
" Aalis muna ako, pag papakalayo muna ako... Kapag okay na ako, I promise wala na akong pag tingin sayo..."

Napatango tango ako. " Promise me, walang mag babago satin. Ipangako mo sakin. Ayoko na may galit ka sakin kapag aalis ka na... I will miss you..."

" Me too". Sabi nya at niyakap ako ng mahigpit. " Nag kausap na kami ni Third. Kapag sinaktan ka nya, wala na syang babalikan dahil sa oras na saktan ka nya, babalik ako at sisiguraduhin kong akin ka na. Get me? Mag iingat ka huh? Wala ng Yuan Dave na mag tatanggol sayo. Wala ka ng baliw na kaibigan dito". Sabi mya kaya mas lalo aking naiyak.

God! Mamimiss ko talaga sya. Sorry talaga Yuan. Pero iba ang gusto ko. Kahit ako hindi ko inexpect na sya ang lalaking magugustuhan ko. Patawarin mo ako.

" Gusto ko pag dating mo dito may girlfriend ka na ahh. Gusto ko yung maganda pa sakin, yung babaeng babagay sayo at hindi ka sasaktan. Yung babaeng mamahalin ka sa kung sino ka". Sabi ko at niyakap sya. Tumangi sya bilang sagot.

" Can I hug you?"

" You can". Sagot ko at niyakap ko sya ng mas mahigpit.

" Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan..." Sabi ko kaya natawa ako ng mahina. " Sige na. Baka mabaliw yung Third mong gangster... Habulin mo na sya. I'm sure na nakauwi na yun ng bahay at nag skip ng class". Sabi nya sakin at humiwalay sa pag kakayakap. " I will miss you, Jennie Lee".

" Ako rin". Sabi ko bago ko sya bigyan ng mahigpit na yakap. Agad akong tumakbo papalayo sakin habang pinupunasan ang mga luha lumabas sakin kanina. Nag punta ako sa cafeteria at nakita ko pa si Haley na kasama ang iba namin kaklase pero napatigil sya ng makita ako.

" Anong ginagawa mo? Bakit mugto yang mata mo?" Tanong nya sakin.
" Ano bang gagawin mo?" Tanong nya ulit.
































" I need to get my Gangster..."

Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon