Chapter 28

1.5K 42 0
                                    

Jennie's POV.

Tatlong araw na ang nakalilipas at aaminin kong hindi ako komportable. Hindi kay Third kung hindi sa paligid. Pakiramdam ko kasi may nag mamasid sakin sa malayo pero tuwing lumilingon ako ay wala naman. Kahit sa coffee shop ay pakiramdam ko ay na roon din siya. Hindi naman sa nag aasume ako, pakiramdam ko lang talaga.

" Okay ka lang?" Tanong sakin ni Haley.

" Oo naman. May naisip lang ako". Sagot ko. Hindi ko pa nasasabi kay Third ang nangyayari sakin dahil baka mag alala pa siya... Hindi kaya isa sa mga kaaway ni Third ang nag mamasid sakin? Posible naman iyun hindi ba? Ayoko ng gulo. " Haley?"

" Hmmm?"

" Kapag ba sinabi ko sayo na may nag mamasid sakin anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

" Ugok ka ba?! Malamang mag aalala ako sayo!" Singhal nya sakin. " Bakit? May nag mamasid ba sayo?" Tanong sakin ni Haley. Tumango naman ako bilang sagot. " Naku! Baka mapano ka nyan. Alam na ba ni Third?"

" Hindi pa---"

" Sabihin mo na sa kanya. Ayoko naman na mapano ka. Baka mamaya ma kidnap ka. Alam mo na? Jennie... Sabihin mo na kay  Third para kahit papaano aware sya". Giit nya. Hindi ko na lang sya sinagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Baka mag alala sya sakin. Ayoko naman na mag alala sya ng dahil sakin.

~~~

Nag lalakad ako palabas ng University dahil uwian na namin. Iniisip ko parin kung sasabihin ko kay Third ang totoo. Nag aalala rin ako sa kanya.

" Miss? Miss?" Napatingin ako sa nag salita at nakita kong may lalaking may kalakihan ang katawan at lahat ng suot nito at itim. Lumayo naman ako ng kaunti ng hindi nya na hahalata.

" A-ano po yun?" Tanong ko. Hindi ako nging komportable sa tingin nya sakin. Kung titignan mo sya para syang masamang tao. Hindi naman sa jungemental ako, pero hindi ko talaga makakaila iyun.

" Alam mo ba kung saan ito? Mukang naliligaw ako ehh". Giit nya at may ituro sa papel. Tinignan ko naman ang nakalagay doon at ramdam ko ang malalim nyang titig sakin.

" Uhh... Sorry po. Hindi ko po alam yan ehh". Pag sisinungaling ko pero ang totoo ay alam ko kung ano ang sinasabing yang lugar. " Aalis na po ako". Sabi ko. Aalis na sana ako ng hawakin nya ang braso ko.

" Miss. Sure ka ba?" Tanong nya. Napa urong ang labi ko dahil sa higpit ng pag kakakapit nya. " Baka alam mo to".

" S-sorry po. Pero hindi po talaga". Sabi ko.

" Samahan mo na lang ako".

" Hindi po pwede". Sabi ko pero parang wala syang narinig. Sa pilitan nya akong kinakaladkad kaya agad kong syang sinaktan ng bag ko. Napa higa naman sya sa pag kakahampas ko sa kanya. Buti na lang sakbit ko ang bag ko. Agad akong kumaripas ng takbo habang may mga luha sa mga mata. Natatakot na ako. Nasa panganib na talaga ang buhay ko. Napa hawak ako sa bibig ko para pigilan ang hikbi na kumakawala sakin.

Nagulat ako ng may yumakap sakin. Bago pa ako maka sigaw ay tinakpan nya na ang bibig ko.

" Shhhh... Princess, I'm here... Don't worry. Don't cry. Fvck! Why are you crying? What's wrong? Tell me... Princess... Sinong walang hiyang gumawa sayo nito?" Bago pa sya mag tanong ng tuloy tuloy ay agad ko syang niyakap. I want his hug... I want to be safe with him.

" T-third... Natatakot na ako..." Sabi ko habang umiiyak.

" Shhhh... Tama na. Nandito na ako. Mag babayad ang may gawa sayo nyan. I'm gonna kill that guy... Come on... May pupuntahan tayo". Sabi nya sakin. Sabay kaming umalis na dalawa. Hindi ako umiimik mula biyahe hanggang sa makarating kami. Nang makababa kaming dalawa ni Third ay nataka ako.

" Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. Wala akong ideya kung nasaan kami ngayon.

" You will know later". Sagot nya na lamang at hinawakan ang kamay ko bago kami pumasok sa loob. Akala ko isang simpleng bahay lang ito pero mali pala ako. Pag pasok namin makikita mo agad ang lahat ng Bad Devil Man. Yung iba na mumukaan ko pero yung iba hindi. Binati nila si Third pero tango lang ang sinasagot nya rito. Pumasok kami sa isang kwarto at tingin ko, dito sila nag uusap usap dahil sa sobrang dami ng upuan.

" Call all the members..." Seryosong saad ni Third kay Terrence. Sinunod naman sya ni Terrence kaya ako ay tahimik lang rito. Nag simula silang pumasok isa-isa. Nag simula silang mag usap usap habang ako still confuse.

" Pero sa tingin ko hindi magandang idea yun, Third. I mean baka mas lalo syang bantayan ng mga kalaban natin... Mas lalagay sya panganib". Giit naman ni Kurt.

" Mas makikipag laro sila satin..." Saad naman ni Terrence. Napatingin ako kay Third ng mariin nya akong tinitogan. Ngumiti sya sakin bago tumingin ng malimig sa mga kasamahan.

" They want to play a game?..."






















" Then... Let the games begin..."

Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon