Jennie's POV.
" Anong ginagawa nya dito?" Malamig na tanong ko kay Third habang naka tuon ang pansin ko sa sinasabing tatay ko.
" He's here for you..." Sabi ni Third sakin.
" Para saan?" Tanong ko ulit.
" To talk". Sabi ni Third.
" Paano kung ayoko syang maka usap?"
" Then, hindi mo maiintindihan ang lahat... Alam kong gusto mong malinawan".
" Sige kakausapin ko sya... Pero gusto ko bukas na bukas aalis na tayl dito". Sabi ko. Kailangan kong maging matapang. Huminga sya ng malalim bago ako yakapin.
" Alright..." Sabi nya. Nang maka alis si Third ay pinag masdan ko ang tatay ko.
May hawig kami... Sa mata. Sa labi at sa kilos... Napangiti naman ako.
" Jennie..." Nagising ako sa realidad ng tawagin nya ang pangalan ko. Dahan dahan akong lumapit at naupo sa harap nya.
" Ano ang kailangan mo?... Po..."
" Alam kong hindi ka sanay at alam kong na bigla ka sa lahat ng nangyayari... Alam kong galit ka pa rin sakin... Dahil sa lahat ng kasalanan ko. Naging duwag ako noon... Pero handa kong ibigay lahat ng oras ko sayo kung tatanggapin mo ako bilang tunay mong ama..." Hindi ako sumagot at hinintay lang sya. " Mahal na mahal kita kahit galit na galit ka sakin... I'm really sorry dahil hindi ka nag karoon ng ama habang lumalaki ka, pero mahal na mahal kita... Sorry kung wala kang pamilya tuwing may program sa paaralan mo noon, pero mahal na mahal kita... Sorry kung pakiramdam mo walang nag mamahal sayo noon... Sorry sa lahat ng pag kukulang ko sayo at sa mama mo. Nang dahil sakin hindi mo naranasan ang mag karoon ng masayang pamilya. Ng kumpletong pamilya... Kasalanan ko lahat... Sorry sa lahat ng nagawa ko. Ang duwag duwag ko..."
" Pero ito ang tatandaan mo... Mahal na mahal kita kahit anong mangyari... Mahal na mahal kita Jennie... Kayo ng mama mo..." Sabi nya bago tumayo at umalis. Naramdaman kong tumulo ang luha ko at doon na rin ako napa hikbi.
~~~
" JENNIE!!!" Tili ni Haley at agad akong niyakap. " Oh? Okay ka lang? Bakit parang hindi naging maganda ang bakasyon nyo ni Third?" Tanong nya sakin at doon ko sya niyakap ng mahigpit at doon na rin ako umiyak.
" Haley..."
" Bes, sige ilabas mo lang yan... Sige. Kaya mo yan... Ano bang nangyari? Hiwalay na ba kayo? Ano?" Tanong nya sakin. Nandito kami sa coffee shop at nandito kami kung nasaan ang mga gamit namin.
Nang mahimasmasan ako ay agad kong kinuwento sa kanya ang nangyari. Katulad ng naging reaksyon ko, nagulat rin sya sa lahat ng nalaman nya.
" Paano yan bes, buhay ang tatay mo".
" H-hindi ko na alam ang gagawin ko... G-gusto ko syang patawarin pero hindi ko alam kung saan mag uumpisa... Alam mong gustong gusto kong mag karoon ng tatay..."
" Alam mo... Tatay mo pa rin sya kahit ano ang mangyari... Kaya nya lang ginawa yun dahil gusto ka nyang protektahan pati na rin ang mama mo... "
" Ewan ko... Gulong gulo ako... At ang relasyon namin ni Third. Puro kasinungalingan na lang... Oo mahal namin ang isa't-isa pero dadating ka rin pala sa puntong nakakapagod na. Yung paulit ulit na lang..."
" Tahan na... Tahan na... Alam mo hindi ako ang kailangan mo ngayon... Si manager ang kailangan mo ngayon..." Sabi nya sakin kaya ngumiti ako ng pilit.
" Anong meron dito? Bakit umiiyak ka?" Napatingin naman ako kay Manager na ngayon ah nag tataka samin.
" Anong problema Jennie? Family? Lovelife?"
" Paano po kung pareho?" Mabilia na tanong konkaya napatingin sila ni Haley.
" Jennie. Hindi ko alam ang sitwasyon mo ngayon pero kung pagod ka na then suko na... Ramdam ko ang pag mamahalan nyo ni Third... Kitang kita ko kung paano ka nya napapasaya... Pero minsan talaga mapapagod ka na lang".
" Paano kung sa isang relasyon puro kasinungalingan na lang pala?"
" Jennie... Kung may balak kang makipag hiwalay sa kanya hindi na kita mapipigilan... Rerespituhin ko na lang ang desisyun mo..."
Bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko... Gusto ko syang mahalin ng mahalin pero napapagod na ako... Gusto ko syang ipag laban pero napapagod na ako...
Napatingin ako sa phone ko ng biglang mag ring yun. Agad kong sinagot ang tawag.
" Jennie... I... Uhh. I just want to let you know that I'm always here for you... I love you very much... Alam kong nagiging malabo na ang relasyon natin dahil sa mga nangyayari... Basta mahal na mahal kita..."
Agad kong pinutol ang tawag at lalo akong naiyak.
" Mahal na mahal din kita..."
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Teen FictionIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano