Chapter 5

2.6K 73 4
                                    

Jennie's POV.

Pag dating ko ng bahay naka abang na agad sakin si tita at yung kambal na pinsan ko.

" Nasan?" Tanong ni tita kaya kinuha ko ang wallet ko at binigay yung sweldo ko. Nagtira naman ako ng akin kaya okay na yun. Kahit unfair talaga. Sasaktan lang ako ni tita kung malaki laki yung kukunin ko sa Pera ko.

" Mag luluto na po ako". Sabi ko at umakyat sa taas para magpalit. Pagkababa ko agad akong nagluto dahil Baka bungangaan na naman ako ng tita't ko at ang pinsan kong kambal. Matapos Kong maluto kumain agad kami at agad din akong matulog dahil sa sobrang pagod.

~~~

Habang papasok palang ako ng University bigla na lang may bumusina sa harap ko kaya napatili ako at mapatalon. Agad din akong tumabi. Walang modong lalaki yun.

" Hoy! Walangyang lalaki ka na hindi pinangaralan ng magulang mo ng respeto!" Sigaw ko, bumaba naman yung lalaki at napairap na lang ako ng kung sino ang lumabas. Tsk...

" Sorry, Jennie Hindi kita nakita". Sabi ni Vincent habang pinipigilan tumawa. Sya ang secret boyfriend ni Bella, hindi naman sa nilalait ko sya pero ang totoo, isa syang walang Modo na ang tanging alam lang ay ang magyabang kahit ang totoo mukang syang unggoy na nilublob sa inodoro.

" Totoo ba Yan? Ikaw nga tong walang modong lalaki". Sagot ko sa kanya kaya hindi maiwasan ng mga students na magulat. Anak kasi sya ng mayor kaya ganyan na lang sya kung umasta.

" Bro, what's happening here?" Tanong naman ng pinsan na si Johnny. Secret boyfriend nanna ni Belle. Katulad ni Vincent wala din syang Modo. Kung tutuusin chick boy Yan. Bulag lang talaga si Belle kaya hanggang ngayon going strong parin sila, going strong sa kasinungalingan.

" Di ba halata? Bulag ka na huh?" Tanong ko na may halong pag tataray.

" What the hell Jennie?" Napatingin naman ako kay Bella at Belle na ngayon ang taas taas ng kilay na para bang aabot na sa langit.

" Inaano ka ba ng boyfriend ko?" Tanong ni Bella. " May point naman kasi sya. Kung hindi ka tanga tanga edi sana hindi ka bubusinahan ng boyfriend ko". Dagdag nito.

" Alam nyang may Tao. Bakit nya ako bubusinahan. Wag nyang idadahilan na hindi nya ako nakita. Sa laki ng mata ng boyfriend mo, siguro naman makikita nya ako". Sagot ko sa kanya kaya hindi sya makapaniwala na sinagot ko sya.

" Bastos ka! Alam mo na kung sino ang kinakalaban mo?" Sagot naman ni Vincent.

" Bakit? Kailangan ko bang kilalanin ka? Para saan pa? Para malaman ko kung gaano ka kataas?" Pang hahamon ko.

" Tumigil ka na nga Jennie! Mag sorry ka na lang Kay Vincent". Singit naman ni Johnny.

" Bakit ako mag s-sorry? Kayo ang mag sorry... Kahit wag na pala. Ano bang magagawa ng sorry nyo kung nangyari na ang nangyari". Sagot ko. This time, hindi na muna ang mag papatalo. Nakaka pagod maging talunan.

Sa sobrang galit ni Bella nasampal nya na ako. Sinampal ko naman sya pabalik kaya lang nakisali na si Belle. Kapatid nya ang kaaway ko, edi makikisali na rin sya.

" Walang Hiya ka! Pag ka naming ampunin Ito ang igaganti mo samin! Anong klaseng Tao ka!" Sigaw ni Bella.

" Inampon nyo nga ako! Tinuring nyo naman akong hayop!" Sigaw ko.

" Pasalamat ka parin dahil nabuhay ka!" Sigaw ni Belle. Nasipa naman ako ni Belle sa tiyan kaya napunta ako sa pwesto nila Vincent. Hinawakan ako ni Vincent sa braso at Johnny naman ay sa kabilang kamay ko.

" Pre, hawakain mo yung dalawang kamay nyan". Sabi ni Vincent kay Johnny. " Alam mo maganda ka Sana... Kaya lang masyado kang pakelamera". Sabi nya sakin. Sasampalin nya na ako kaya napapikit na lang ako.

" Don't you dare fvcking slap her..." Napatigil si Vincent at ako naman napamulat. Nakita ko si Third na seryosong nakatingin sakin.

" The fvck Third! Wag ka ngang makialam. Isa ka pang pakelamera ehh". Nag silabasan naman yung mga ka grupo ni Third na halatang handang handa ng nakipag away.

" Tsk. Mayabang ka lang dahil marami kang kasama". Singit ni Johnny.

" Yun lang? Fine. Isa laban sa dalawa. Okay na?" Tanong pa ni Third. Tinulak naman ako ni Johnny buti na lang may sumapo saking babae. Nakatingin lang ako Third habang sya nakikipag bugbugan.

" Vincent!!!"

" Johnny!!!"

Nagising na lang ako sa realidad ng lumapit si Belle at Bella sa kanila. Tumingin ako kay Third at nakita ko syang papunta sakin.

" Let's go..." Sabi nya at hinawakan ang braso ko. Mag lalakad na sana ako ng napa aray ako. Tumingin ako sa paa ko at nakita kong na mamaga na pala.

" Walang hiya ka Jennie! Tignan mo ang ginawa mo!" Sigaw ni Bella. Nagulat na lang ako ng biglang along buhatin ni Third. Hinayaan ko na lang sya dahil namamaga na din naman ang paa ko.

~~~

" Di mo naman kailangan gawin yun". Sabi ko habang hawak hawak ang ice bag na nasa paa ko.

" Kapag hindi pa kita tinulungan edi mas kawawa ka dun, baka nga piang tatawanan ka na nga dun ehh". Sagot nya.

" Kaya ko naman ang sarili ko... Hindi na ako bata para maawa ka". Sabi ko kaya napatingin sya sakin.

" Who said na naaawa ako sayo?" Tanong nya kaya napatingin din ako sa kanya. " Ginawa ko yun para mabawasan naman kahit papaano ang kasalanan ko sayo". Sabi nya. Tumayo sya bigla Kaya napatingin ako sa kanya. " Let's go... Iuuwi na kita". Sabi nya. Tumayo naman ako at nag lakad Ng paika-ika.

Pag kasakay ko ng kotse nya ibang direksiyon nya ako dinala. Nag taka naman ako.

" Teka... Saan mo ko dadalin?" Tanong ko. " Akala ko ba iuuwi mo na ako samin?" Tanong ko pa.

" Iuuwi nga kita. Pero Hindi sa bahay nyo. After what happened, I don't think so na tanggapin ka pa nila". Sabi nya.

" Hindi pwede yun. Take me home". Sabi ko.

" Bahala ka... Pero anong gagawin mo kung Hindi ka na nila tatanggapin?" Tanong nya pero hindi ako sumagot.

Nakakainis. Bakit ba sya nag mamarunong? Wala naman syang alam sa buhay ko. Tahimik lang buong biyahe kaya nakatingin lang ako sa labas.

" We're here..." Sabi nya kaya bumaba ako.

" Pwede ka ng maka alis... Salamat". Sabi ko.

" Hindi ako aalis. Dito lang ako kapag may nangyari sayo". Sabi nya.

" Walang nangyayari sakin. Alam ko ang ginagawa ko". Sabi ko at pumasok sa loob.

Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon