Chapter 50

1.3K 27 4
                                    

Jennie's POV.

Nakaka isang gabi na si Third sa ospital. Ngayon ay ako na ang mag babantay sa kanya. Kasama ko ngayon si papa habang binabantayan si Third.

" Kamusta ka na?" Tanong ko.

" Feeling better..." Sagot nya.

" Great... Uhh. Nagugutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

" How about you? Nagugutom ka na ba?" Balik nyang tanong.

" Third... Hindi dapat ako ang tinatanong mo. Ako dapat ang nag tatanong sayo. Wag mo akong alalahanin". Giit ko habang kinukuha sya ng tubig.

" I'm fine... As long as you're fine..." Napatigil ako sa sinabi nya. Ngumiti ako sa kanya. Biglang tumikhim si papa kaya naman pareho kaming napatingin sa kanya. Natawa ako ng mahina.

" Here's the food---- Tito!" Pare-pareho kaming napatingin sa pumasok at nakita namin si Kurt na may dalang dalawang paper bag. Sunod naman doon si Tristan.

" Ano tong mga binili nyo?" Tanong ko.

" Mga makakain. May mga fruits na rin dyan at gamot. Mamaya pupunta na ang doctor ni Third". Sabi ni Tristan kaya tumango na lang ako.

" Hindi na ako mag tatagal. Aalis na ako. Mag iingat kayo. I love you anak". Paalam ni Papa kaya naman niyakap ko sya.

" Good morning, Mr. Luminia..." Bati ng doctor.

" Kamusta po ang kaibigan namin? Mamamatay na ho ba sya? Ilang linggo na lang po ang natitira sa kanya?"

" Sira ka talaga!" Sigaw ni Third kay Kurt.

" Just kidding. Kamusta po sya?" Tanong ni Kurt muli.

" He's doing great. Maliban nga lang sa pag ka bali ng braso nya. Pwede na rin naman syang umuwi bukas ng tanghali. Kailangan pa rin ng pahinga pag ka uwi nya ng bahay. Aside from that wala na rin, gagamutin na lang din ang mga sugat na natamo nya". Paliwang ng doctor. " I'll see you around..." Paalan ng doctor.

" Anyway, aalis na rin kami maya maya. Isasabay ko na si Jennie". Sabi ni Tristan.

" No!" Sigaw ni Third kaya napatingin kami sa kanya.

" Why? Ano meron?"

" Gusto ko si Jennie ang mag babantay sakin". Sabi nya kaya pare-pareho kaming napatingin ni Kurt at Tristan.

" Baliw ka ba? Alam mong---"

" Hindi. Sige na, ako na ang mag babantay sa kanya. Tutal wala din naman akong ginagawa sa bahay". Paliwanag ko. Nag ka tinginan kami ni Third kaya naman ngumiti ako at hinawakan nya naman ang kamay ko.

" Sana all may kalandian..." Biglang sabi ni Tristan.

" Gusto mo ako na lang landiin mo". Sabi naman ni Kurt at umarteng parang babae. " Come here babe. I miss you! Let me hug you! Kiss me! Bilis!"

" Yuck! Kadiri ka! Lumayo ka nga sakin! Parang kang ewan dyan!" Sigaw ni Tristan kaya nag tawanan kami.

Ilang oras ding nag stay sila Kurt at Tristan sa ospital kaya naman naiwan na ako ngayon. Kakadating lang din ni Haley dito kanina dahil nag dala sya ng makakain at bumisita na rin kay Third. Gabi na rin at mahimbing na natutulog si Third.

Tumingin ako sa kanya bago lumabas ng kwarto nya. Pumunta ako sa rooftop ng ospital. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si papa.

" Kamusta ka dyan?" Tanong ni papa agad.

" Okay naman po ako. Kayo po?" Tanong ko.

" Okay naman. Is Third okay? Gusto mo pumunta ako dyan?" Tanong ni papa.

" Wag na pa. Okay naman po ako ar sya".

" I love you anak. I really miss your mom". Napa ngiti naman ako sa sinabi ni papa.

" At alam ko pong miss na miss na rin tayo nun... Pa?"

" Hmm?"

" Sa tingin nyo ba pround sakin si mama?" Tanong ko.

" Oo naman. She is very pround of you. Ako pa nga lang napapahanga mo na. Si mama pa kaya". Natawa naman ako ng mahina sa sinabi ni papa. " Sige na, Matulog ka na at mag ka eye bags ka pa. Mag pahinga ka na dyan".

" Sige po". Nang ibaba ko ang tawag ay tumingin ako sa kalangitan. Ang daming bituwin.

" What are you doing here?" Napatingin ako sa nag salita. Nakita ko si Third na nag lalakad papunta sakin habang hawak nya ang dextrose nya.

" Hindi ba dapat ako ang nag tatanong sayo nyan? Tara na nga, bumaba na tayo.". Yaya ko sa kanya.

" No... Dito muna tayo". Sabi nya at tumingin sa kalangitan. Tumingin naman din ako sa kalangitan katulad nya. " I miss my parents..." Napatingin naman ako sa kanya.

" I'm sure they are very pround of you". Sabi ko.

" You think so?"

" Oo naman, kasi naging matapang ka. Kahit minsan ang yabang yabang mo". Sabi ko at natawa kami pareho.

" Pero mahal kita". Sabi nya kaya napatigil ako. Tumingin ako sa kanya at nakita kong seryoso syang naka tingin sakin. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. " Mahal kita Jennie, hanggang ngayon". Sabi nya.

" Mahal naman din kita". Sabi ko at tumingin sa kanya. " Pero diba ang sabi ko kapag oki na ang lahat". Sabi ko.

" Hindi pa ba okay ang lahat?" Tanong nya sakin at umiling naman ako.

" Hindi pa... Hindi ka pa okay ehh". Sabi ko kaya napatingin sya sakin.

" So you mean. Kapag okay na ako..." Tumango ako sa kanya. Biglang syang tumayo at nag tatatalon sa tuwa. " Yes! Yes!"

" Tara na... Matulog na tayo". Sabi ko at nauna ng mag lakad.

" Wait lang. Seryoso ka nga?" Habol nya hanang nag lalakad.

" Oo nga!" Bigla syang tumakbo papunta sakin.

"Oki doki! Tara na, Let's go to sleep. Mag papagaling na talaga ako". Sabi nya kaya napa iling iling ako.

" Ngayon naman inspired ka". Sabi ko habamg pababa kami.

" Syempre naman. Nurse kita ehh". Sabi nya kaya natawa ako. Pag kadating namin sa kuwarto ay pinahiga ko na sya. Kinumutan ko sya.

" Matulog ka na". Sabi ko at ngumiti sa kanya. Aalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko.

" Tabi tayo". Sabi nya kaya napatigil ako.

" Hindi pwede. Baka hindi ka makatulog ng maayos". Sabi ko naman.

" Believe me, mas lalong hindi ako makakatulog kapag hindi kita katabi". Sabi nya at walang atubiling hinatak ako. Sa gulat ko ay hindi na ako naka pag react. " Sleep beside me, princess". Sabi nya at hinalikan ang noo ko. Napa ngiti naman ako ng lihim.

A/N

Hi guys! Epilogue na ang susunod. Sana hindi ko kaya na disappoint. Ngayon din dapat ang moving up ko ehh sayang. Nang dahil sa krisis natin ngayon hindi na tuloy.

Keep safe sa inyo at stay at home. Mag basa basa na lang kayo sa bahay at manood ng kdrama. Hahahahhaa.



Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon