Chapter 15

2K 51 2
                                    

Jennie's POV.

" San ka ba nag punta kahapon? Pag balik ko wala ka na. Iniwan mo ako". Tanong sakin ni Haley habang nag lalakad kami patungo sa room namin.

" Emergency lang". Pag sisinungaling ko.

" Okay na kayo?"

" Huh? Nino?" Tanong ko sa kanya.

" Ni Third?" Sabi nya kaya na punta ang atensyon kay Third. Sakto talaga sa pag pasok namin sa room. Hindi ko na lang sya sinagot at naupo na lang. Nag start yung klase namin at habang nag kaklase kami bigla nag ring yung bell na sign na meeting na ng mga prof.

" Okay class, see you tommorow". Saad ng prof namin bago umalis. Napa dudok naman ako. Na mimiss ko na si Pao. Kamusta na kaya sya?

" Jennie, let's go". Pag aya naman sakin ni Haley dahil lunch naman na rin. " Problema mo?" Tanong nya habang nag lalakad kami.

" Na mimiss ko na kasi si Pao. Wala na rin akong balita sa kanya". Sagot ko sa tanong nya.

" Bakit hindi mo sya bisitahin. Wala naman masama doon ehh".

" I don't know. Matapos ng nangyari ewan ko na lang kung makatutong pa ako sa bahay ng tita ko". Sabi ko. Namili kami ng lunch namin at kumain na rin kami.

" Oo nga pala. Sasama kaba?"

" Saan?"

" Nag aaya kasi si Gina na mag club daw. Sabi ko okay lang. Sama ka?"

" Bahala na". Hindi ko naman talaga gawain na mag club. In fact ayoko talaga doon dahil sobrang ingay at nag lalandian lang ang meron doon.

" Hello~" Bati samin ni Yuan at naupo sa harap namin.

" Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya.

" Napagalitan kasi ako ng prof ko". Sagot nya.

" Yan, baliw ka kasi". Singit naman nu Haley.

" Ano connect?"

" Baliw".

" Tama na nga". Saway ko sa kanila. Nag patuloy kami sa pagkain hanngang sa naubos namin yun.

~~~

It's already 7pm at kakarating palang namin sa club ni Haley. Nauna na si Gina dahil sa sobrang exciment. Ngayon lang kasi kami mag kikita-kita since nag aaral sya sa ibang School.

Sa labas palang maingay na kaya pag pasok namin mas lalong umingay may mga taong nag sasayawan.

" Ano bang naisip ni Gina at dito pa sya nag aya".  Sabi ko.

" Ano ka ba? I-enjoy mo naman yang buhay mo kahit minsan. Minsan ka na nga lang pumunta dito, ganyan ka pa". Sagot naman sakin ni Haley. Inirapan ko na lang sya at hinanap namin si Gina.

" Haley! Jennie! Here! I'm here!" Nakita namin si Gina na nasa isang lamesa habang may hawak na shot glass habang kinakawayan kami. Nag punta naman kami sa kanya at niyakap namin sya.

" I miss you! Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya.

" Okay naman. Still pretty as always". Sagot nya sabay flip ng hair nya.

" Nag kahiwalay lang tayo, ganyan ka na? Nangyare sayo?" Giit ni Haley.

" Ikaw, panira ka talaga! Ayoko na nga sa School ko ehh. Kakaunti lang yung gwapo".

" So nag punta ka lang doon para sa gwapo". Sagot ko.

" Hindi naman. Haha"

" Wala ka samin ni Jennie. Doon napaka daming gwapo. Yung iba feelling gwapo... To ngang si Jennie eh, naka sungkit ng gwapo".

" Really? Ikaw huh! Luma-lovelife ka na". Natatawang sabi ni Gina kaya nag tawanan kami.

" Baliw talaga kayo noh".

" Sino naman yung gwapo?" Taning ulit ni Gina.

" Magugulat ka! Si Third Luminia". Sagot ni Haley kay Gina kaya nanlaki yung mga mata ni Gina.

" What? You mean that hottie gangster guy? Yung titig palang mamamatay ka na" Tumango naman si Haley.

" At nakatira lang naman si Jennie sa kanya".

" Ano? Ang swerte mo naman".

" Tumigil nga kayo. Aalis din naman ako doon kapag naka hanap na ako ng malilipatan malapit sa School". Sabi ko.

" Ayaw mo ba? Sige ako na lang". Nag tawanan naman kami ng sabihin ni Gina yun.

" Ito na pala yung order natin". Binaba nung waiter yung order namin at puro alak ang laman nun at iilang makakain.

" Lasinggera ka ba? Bakit ang dami?" Tanong ko kay Gina.

" Minsan lang tayo mag kita kaya let's have some fun!" Sigaw nya. Unti na nga lang iinomin ko. Hindi naman din ako mahilig uminom ng ganya.

Namili muna ako ng mukhang hindi malakas kaya agad ko iyun nilagok. Napapikit ako ng maramdaman kong uminit ang lalamunan ko. Nag kwekwentuhan lang sila habang ako naka samid sa mga taing nag sasayawan. Uminom ulit ako hanggang sa nakalimang beses na ako. Pag tingin ko kila Haley at Gina naka tunganga sila sakin.

" Why?" Tanong ko.

" Bakit mo ininom yan?" Tanong sakin ni Gina kaya napatingin ako sa iniinom ko.

" What?"

" Tequila yan. Malakas ang tama yan, Jennie". Sabi naman ni Haley kaya napatigil ako.

" Bakit ngayon nyo lang sinabi?"

" Okay lang yan. Nainom mo na ehh". Sagot naman ni Gina sakin. Sabagay wala na akong magagawa. Binigyan na lang ako ni Haley ng juice na may kaunting alak kaya ayun na lang ang ininom ko.

" Sayaw lang kami Jennie. Sama ka?" Tanong sakin ni Gina pero umiling lang ako. Nag punta sila doon kaya nag iisa na lang ako. Tumayo ako at nakaramdam ako ng pag kahilo. Nahihilo na ako. Sa alak ata to? Nag punta ako sa cubicle at nag C.R doon. Nag hugas na rin ako ng kamay. Nahihilo na talaga ako. Biglang may humawak ng braso ko at nakita ko si Third. Feelling ko tuloy nabuhusam ako ng malamig na tubig. Nawala tuloy yung tama ng alak sakin.

" T-third".

" Let's go home". Sabi nya at lumabas kami ng cubicle. May nadaan pa nga kaming babae at nag tataka kaming tinitigan nito.

" T-teka... Paano mo nalaman na nandito ako?" Sigaw na tanong ko dahil sa sobrang lakas ng tutog. Lumapit sya sakin at bumulong sa tenga ko.

" It's doesn't matter..." Bulong nya kaya tumayo yung mga balahibo ko sa batok. Bakit ba sya ganya? Stalker ko ba sya? Lahat ata ng pupuntahan ko alam nya. Hinatak nya ako papalabas kaya hindi na rin ako nakapag paalam kila Gina at Haley. Sapok na naman ako kay Haley nito.

" Bakit ka ba nag pupunta sa mga ganyang lugar?" Tanong nya, pag kasakay namin sa kotse nya.

" Inaya lang ako. Nag kita kita kasi kaming mag kakaibigan". Paliwanag ko.

" Buti na lang walang nang bastos sayo dun". Sabi nya.

" Nag iingat naman ako ehh". Sabi ko at naramdaman ko na  naman yung pag kahilo ko.

" Just rest... Alam kong nakarami ka". Sabi nya kaya sinandal ko ang ulo ko.

Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon