Jennie's POV.
Kakapasok ko lang sa University at sumalubong na agad sakin si Haley. Sabay naman kaming nag lakad papunta sa room.
" Sasali ka ba?"
" Ha?" Balik na tanong nya.
" Oh come on, don't tell me hindi mo pa alam?"
" Yung ano ba?" Tanong ko.
" Sasali ka ba sa booth booth something? Yung gagawa ka ng booth para sa event ng school? Malapit na rin daw yun ehh. Last week lang inanouce ehh". Paliwanag nya. I have no idea. Wala man lang nag sabi sakin na meron palang ganon.
" Ikaw ba?"
" Ayos lang. Basta kasama ka". Sagot nya.
" Ayos lang din sakin". Sagot ko. Pag pasok namin sa room naupo na kami at sakto naman na nag ring na ang bell. Booth? Ano naman kayang mga booth ang meron sa event ngayon? Dati wala naman ganon ehh. Puro activity lang at ngayon may pa booth na.
" Okay, class. Glad that no one is absence today. Come in guys". Napatingin naman kami lahat sa pinto at may mga pumasok. Halata naman na isa sila sa mga gumagawa ng booth para sa event ng school. Pumasok si Yuan. SI YUAN?! What?! Kasali sya dyan? Tumingin sya sa pwesto ko at ngumiti.
" What are you doing here?" Pabulong na tanong ko. Mukang naintindihan nya naman yun.
" Kasali ako. Minsan lang kasi to ehh". Sabi nya na pabulong rin. Napailing na lang ako. Lahat talaga ng pumapasok sa isip nya. Tsk.
" Okay, good morning schoolmates. Uhmmm. I guess alam nyo na ang mga booth na gaganapin next week. Uhmm. Kulang pa kasi kami ng tao dahil sa dami ng booth at activity na gaganapin para sa event. Now, we would like to anounce or to say na pwede kayong mag volunteer para tulungan kami. Hindi naman namim kayo pinipilit pero sana mag volunteer kayo". Pag papaliwanag ng isang babae.
" As of now. Ito pa lang ang mga naiisip namin booth". Sinabi naman nila lahat at mukang masasaya nga ang mamangyari para sa event next week.
" So...? Sinong gustong mag volunteer?"
" JENNIE!" Sigaw naman ni Yuan kaya nanlaki ang mata ko.
" Ako?"
" Jennie? Jennie Lee. Okay ba sayo?"
" Uhh..." Hindi ako makasagot. Tinignan ko si Yuan at pinanlakihan nya ako ng mata. " I guess so..." Sagot ko.
" Great! Now, please sign your name here at pasa pasa na lang para sa iba. Katulad ng iba, pinapasa pasa lang tayo". Napa iling na lang ako. Nilagay ko na lang ang pangalan ko. Okay... Mukang mapapagod ako sa susunod...
~~~
" ARAY!! ARAY!! TEKA! MASAKIT!! JENNIE! MASAKIT".
" Talagang masasaktan ka sa ginawa mo sakin?! Pasalamat ka at kaibigan kita at hindi kita pinahiya". Singhal konsa kanya habang hawak hawak ang tainga nya.
" Okay, okay. I'm sorry... Gusto ko kasing makasama ka. Okay? Sorry na". Binitawan ko sya.
" Tsk. Pasalamat ka mahal kita bilang kaibigan". Sabi ko.
" Really?"
" Ayaw mo ba? Sige wag na". Sabi ko. Lumapit naman sya sakin at niyakap ako.
" Glad to hear that you love me..." Niyakap ko naman sya pabalik.
" Okay okay, tama na. Let's eat". Kumalas ako at pumunta sa upuan namin para kumain. Nag volunteer na rin si Haley dahil wala naman daw syang gagawin sa susunod.
Matapos naming kumain dumirrtso kami sa meeting place dahil mag uusap usap kami para sa booth. Naupo kami sa vacant sit at ilang minuto lang nag start na. Nandito din pala sila Belle at Bella.
" So, any suggestion pa? Para sa booth at activity?" Wala naman nag salita kaya nag tinginan kaming tatlo. Wala pang nag sasalita ng biglang mag taas ng kamay si Haley.
" Kissing booth!"
" Kissing booth?"
" Yup, pumasok lang sa isip ko. Pasin ko rin na maraming ng tao na gustong maka experience ng kiss so.. yeah!"
" Okay naman... But! Mas magiging okay kung nandon lahat ng bad devil man". Napatingin naman ako sa nag salita na si Joyce. Really?
" Yes! It's absouletly gonna be fun! Lalo na kung nandon si Third Luminia. The hottest guy in our University!"
" I love your idea, Joyce". Singit naman ni Belle. Nag apir sila ni Bella at sabay na napangisi.
" Uhh. I guess it's a bad idea". Sagot ko naman kaya natahimik silang lahat.
" What?! Are you seriuos? Ang ganda kayang idea yun". Sagot nama ng iba. Bumulong naman salin si Haley.
" Wag ka ng tumutol... Mamaya mapahamak ka pa nyan". Napaisip naman din ako.
" Okay! That's... So great!!" Ngumiti naman ako ng pilit.
" At ikaw Jennie. Ikaw lang ang pwedeng mag papayag kay Third. Kami ng bahala sa iba". Sagot naman ni Joyce na kina bagsak ng panga ko. Whut? Me?! Why me?! Third and I are not that even that close.
" But---"
" No buts, Jennie. Ikaw lang ang pag asa namin". Sabi nya. " Okay, meeting is over. See yah~!" Nag si alosan sila habang ako nakatunganga parin. Tumingin ako kay Haley at Yuan. Lumapit sakin si Haley at inakbayan ako.
" Kaya mo yan. Fighting!" Pag cheer nya sakin at umalis. Tumingun naman ako kay Yuan.
" Well, good luck". Sabi nya at naka pamulsang umalis. Napa singhap na lang ako. Kaya ko ba to?
Pag uwi ko ganon parin naman. Tinukungan ko sila manang at gumawa ng mga assingment. Gabi na rin at kakadating lang din ni Third. Nasa kwarto lang ako at palakad lakad at hindi mapakali.
" Jennie! Kaya mo to! Sabihin mo.na ngayon, okay? Para kung ayaw nya may magagawa ka pang paraan". Kausap ko sa sarili ko. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto nya. Pag harap ko sa kwarto nya para akong ewan na nanghina. Bakit ganon? Bakit?! Kakatok ba ako? Kakatok na sana ako ng mag dalawang isip ako. Ano ba? Ano ba talaga? Okay! Kaya mo yan! Si Third lang yan. Si Third lang yan.
Fvck!!!
Si Third Luminia yan! Jennie ano ba?!!! Kaya mo yan! Wala kang inuurungan diba? Okay! Kumatok ako at ilang sandali pa bumukas na ito. Bumungad sakin si Third na naka white shirt habang naka boxer short lang. Basa pa ang buhok nito at halatang mau tumutulo pa habang ang towel ay nasa batok nya. He's hot!
" What?" Tanong nya.
" Youre hot". Sabi ko kaya nanlaki ang mata ko. Kita ko rin ang pag ngisi nya.
" I mean, it's hot kaya naligo ka right?" Sabi ko habang tumatango. Nag karon ng kaunting katahimikan. " Uhmmm. Third, gusto sana kitang ayain about sa booth something para sa event ng University". Sabi ko. Hindi sya nag salita pero sabay na tumaas ang kilay nya. " Gusto kasi ng mga babae except me, na sumali as a kisser sa kissing booth... Kung pwede?" Paliwanag ko." Kisser? Me? Kissing booth?"
" Yeah. Mag kakaroon kasi ng kissing booth sa event". Sabi ko. " So?..." Nag isip sya kaya sana. Sana pumayag ka.
" No". Sabi nya.
" No?"
" Yeah. As in N.O" Sabi nya kaya tumango ako.
" Okay, thank you. Good night". Paalam ko at umalis. Pag pasok ko sinampal ko agad ang sarili. I knew it! Alam kong hindi talaga sya papayag. Well sorry for the girls...
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Teen FictionIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano