Jennie's POV.
Mapait akong napa ngiti at naramdaman ko rin ang pag tulo ng luha ko.
" Oh? Bakit ka umiiyak? Hindi ba dapat masaya ka na nandito ako". Sabi nya. Kita ko ang malawak nyang ngiti. " Hello, Jennie... I miss you". Sabi nya kaya mas lalo akong napa luha. Mabilis akong lumabas ng counter at agad syang niyakap.
" I miss you too... Yuan"
" Bakit ka ba umiiyak. Laki laki mo na umiiyak ka pa rin". Sabi nya kaya hinampas ko sya sa braso.
" I just really miss you..."
" Pwede ko bang mahiram ang oras ng bestie ko?" Tanong nya kaya tumango naman ako. " Wag kang mag alala. Ipag papaalan kita sa manager mo. Gagamitin ko ang ka gwapuhan ko". Sabi nya kaya pareho kaming natawa. Napailing na lang ako. " Nasan nga pala si Haley? Yung pangit na yun?"
" Oh my god? Yuan! Ikaw nga! Bwisit kang lalaki ka? Bakit mo pina iyak ang kaibigan ko?!"
" Bes. Wag kang maingay". Saway ko.
Naupo kami pare-pareho ng maka pag paalam na kami. " Kamusta ka?" Tanong ko.
" Good. Gwapo pa rin". Sagot nya.
" Taas naman ng confident mo". Sagot naman ni Haley kaya natawa kami.
" Pero seryoso... Jennie, nag punta dito si Charlotte at muka ka raw may problema". Kuwento nya. Nabanggit pala ni Charlotte ang pag kikita namin. " Mind to tell me?"
Nag ka tinginan naman kami ni Haley at nakita ko rin na naging seryoso si Haley. Huminga ako ng malalim.
" Everything is being complicated..."
" Why?"
" Nalaman ni Jennie na buhay ang tatay nya... That's why hirap na hirap syang harapin ang problema nya". Kuwento ni Haley.
" Kaya nung... Nalaman ko yung dahilan kung bakit nya kami iniwan ng mama ko, gusto ko syang patawarin... Gustong gusto ko... Pero hindi ko alam kung saan mag sisimula..." Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko.
" Kaya naging kumplikado na din kayo ni Third?" Seryosong naka tingin sakin si Yuan.
" I want to save our relationship pero kada araw ang dumadaan mas lalong... Mas lalong bumibigat... Gusto naming lumaban pero sobrang hirap na..."
" Jennie, tama na... Tumahan ka na". Pag papatahan sakin ni Haley.
" Jennie, re-respetuhin ko ang desisyon mo kung nahihirapan ka na... Pero diba mas maganda kung kikililanin mo muna ang tatay mo. Alamin mo kung ano ang totoong nyang pag katao. Unti-unti mo syang tanggapin, kahit ano pang mangyari tatay mo pa rin sya... Alam kong gustong gusto mong mag karoon ng tatay... Mangyayari lang yun kung papatawarin mo sya at mag sisimula kayo".
" Papaano?"
" Sisimulan mo sa pag papatawad..."
~~~
Pag ka labas ko sa cubicle ay nag hugas ako ng kamay at kumuha ng tissue. Pinakatitigan ko ang mukha ko at tinignan kung namaga ba ang mga mata ko sa kakaiyak.
" Kayang mong simulan, Jennie..." Bulong ko sa sarili bago umalis.
Pag kalabas ko ng coffee shop ay kinuha ko ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim bago ako nag text sa cellphone ko.
It's my father's number...
Handa na ako. Haharapin ko na sya.
It's me, Jennie... Mag kita po tayo sa sabado... Kung pwede ka... Makikipag usap na po ako sa inyo...
Agad kong tinago ang phone ko at umalis na rin. Pag dating ko ng bahay ay nahiga agad ako sa kama ko. Tulala lang ako. Halo halo lahat ng iniisip ko. Panay rin ang iwas ko kay Third, o kaya naman wala na talaga kaming time na mag kita kahit sa bahay.
Napapikit ako at ilang sandali pa ay nakaramdam na rin ng antok.
~~~
Inayos ko ang damit ko habang naka tingin sa salamin. Sabado mgayon at ngayong araw na ako makikipag kita sa tatay ko. Na realize ko rin na hindi lang sya ang may mali. Ako rin.
Kinuha ko ang bag ko at aalis na sana ng may makita akong maliit na papel. Kinuha ko yun at binasa.
' Good luck, princess. Sana maging okay ang pag uusap niyo ni tito. I love you...'
Napangiti ako. Alam na alam nya talaga kung papaano pabilisin ang puso ko. Tinago ko ang sulat at umalis na rin.
Sumakay ako ng taxi at sinabi kung saan ako pupunta. Huminga ako ng malalim at pumikit.
Ma, masaya ka ba na kakausapin ko na si papa? Galit ka ba sakin dahil nagalit din ako kay papa? I'm sorry ha... Wala lang talaga akong naka lakihan na tatay. Alam mo naman na gusto ko rin na mag ka tatay.
Siguro ito na yun... Dahan dahan kong tatanggapin... Para sayo... Para sakin...
" Ma'am, nandito na po tayo". Nagising ako sa realidad ng mag salita ang driver na sinasakyan ko.
" Thank you po". Sabi ko bago bumaba. Inayos ko muli ang dress ko at pumasok sa isang restaurant.
" Ma'am any reservation?"
" Ahhh, yes. Kay Cendrick, Cendrick Lee". Sabi ko. May tinignan naman sya at matapos nun ay ngumiti na sya sakin.
" Right this way ma'am". Sabi nya at sinundan ko naman kung saan sya papunta.
Nahigit ng paningin ko si...
Si papa.
Tumayo sya ng makita nya ako at ngumiti. " Kamukhang kamukha mo ang mama, anak". Dahil sa sinabi nya ay napatigil ako. Tinawag nya akong anak. Sa iba ko lang kasi yun na ririnig. Ang saya pakinggan.
Naupo kami at nabalot kami ng katahimikan. " Umorder na tayo?" Tanong nya kaya tumango naman ako. Muli kaming nabalot ng katahimikan.
" Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa... Jennie, sorry sa lahat ng nagawa ko---"
" Hindi po... Sorry po sa lahat ng nagawa ko. Nanghingi na po kayo ng sorry... Maraming beses na. Kaya dapat ako po yung mang hingi ng sorry... Gustong gusto kong mag ka roon ng tatay... Kaya ngayon palang sisimulan ko na... Kaya nyo pa po bang tanggapin ako? Papa?"
Napangiti sya. " Oo naman. Kahit ilang ulit pa... I'm sorry". Sabi nya kaya niyakap ko rin sya.
" Papa... I'm sorry... Sorry talaga..."
" Shhh. Okay lang... Mag sisimula tayo... Mag sisimula tayo".
Napangiti ako. Pinunasan ko ang luha ko ng biglabg kumulo ang tyan ko. Pareho kaming natigilan at parrho rin kaming natawa.
" Mabuti pa, kumain na muna tayo... Pinag titinginan din tayo ehh". Sabi ni papa kaya natawa ako.
" Sorry po. Sorry". Pag hingi namin ng tawad sa iba.
A/N.
Sorry for the late update... Ang dami ko kasing ginagawa, idagdag pa yung mga school work ko... Sorry talaga. Hope you understand...
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Ficção AdolescenteIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano