Jennie's POV.
" GET A ROOM!!!" Napatigil kami ng biglang may sumigaw. Napangiti naman ako.
" Whatever". Sagot naman ni Third sa ka grupo nya. Lumapit kami sa pwesto namin at napasin kong naka simangot si Dimple habang naka halukipkip ito. Ngayon alam nya na kung saan sya lulugar. Siguro naman tatantanan nya na si Third.
" Kain na kami". Sabi ni Third at binigyan ako ng paper plate.
" Nasan ang sayo?" Tanong ko.
" Share tayo". Sabi nya sabay halik sa ulunan ko. Tabi kaming umupo at sabay kaming kumain. Nang matapos kaming kumain, dumeretso na sila sa pool para maligo. Ako naman ay naiwan para mag ayos. Habang nililigpit ko yung kalat ay napa tingin ako sa nakatayo sa harap ko.
" I can't believe you. Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo?"
Huminga ako ng malalim at tinignan sya ng mariin. " Bakit naman ako mahihiya?"
" Because you kissed Third. Sa harap ng maraming tao!" Singhal nya sakin.
" Really, Dimple? Ano naman. He's my fiance. Akin ay akin. So what kung halikan ko sya? Bakit affected ka ba? Ohh? I forgot. May gusto ka nga pala sa kanya". Naka ngisi kong sabi sa kanya. Kita ko ang pag ka irita sa mukha nya. " Don't worry... Sa susunod, mag iingat ako". Sabi ko at umalis sa harap nya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Nasan na ba sila Third. Pumunta ako sa kwarto namin ni Haley para sana habapin sila ngunit wala sila rito. Nasan ang mga yun? Ang alam ko nasa pool lang sila.
" Excuse me?" Tawag ko sa babaeng naka uniporme.
" Yes ma'am?"
" May nakita nyo ba si Third?" Tanong ko. Siguro naman kilala nya si Third. Sya ang may ari ng resort ehh.
" Si Sir Third po? Hindi po ehh". Sagot nya. " Kung sakali pong wala pa po sya. Pwede po namin kayo sabihan mamaya kung nakita na po na namin sya... Excuse po". Saad nya kaya tumango na lang ako. Lumabas sya para hanapin si Haley at mabikis nya namang nakita ito.
" Nakita mo si Third?" Tanong nya agad.
" Wow talaga ah. Yan ang ibubungad mo sakin? Pero hindi ehh". Sabi nya.
" Ayy naku! Mamaya na yang Third- Third na yan. Tara selfie muna tayo". Aya nya kaya pumayag na rin sya. Baka busy lang talaga sya.~~~
Lumipas ang gabi ng wala pa rin si Third. Nag aalala na ako sa kanya. Wala man lang akong natanggap na text or tawag mula sa kanya. Ilang ulit ko na rin syang tinawagam pero wala.
" Nasan ka na ba Third?" Tanong ko sa sarili. Bakit kasi aalis sya ng walang man lang paalam. Nakakainis!
" Oh? Tama na yang pag aalala, nag text sakin si Tristan. Sabi nya na matulog na raw tayo dahil baka madaling araw pa sila maka punta dito. Nag ka emergency raw kasi sa bahay nila Kurt kaya ayun". Paliwanag nya. Sakto naman na nag ring ang phone ko kaya agad kobg sinagot yun.
" Princess..."
" Third... Nasan ka?" Tanong ko agad.
" I'm sorry kung hindi ako naka pag paalam sayo. Biglaan ehh. Wag ka mag alala nasa bahay lang kami ni Kurt. Mag pa hinga ka na. Ngayon lang ako naka tawag dahil sobrang busy namin. I receive your calls. I'm sorry. Don't worry, babawi ako. Promise... Mag pahinga ka na... Bukas pag gising mo nandyan na ako sa tabi mo... And believe me, I will give you a kiss mark..." Nakangising giit nya.
" Third!" Suway ko sa kanya.
" Allright. I'm sorry..."
" Sige, mag papahinga na rin ako. Pag pahinga na rin kayo". Sabi ko.
" I love you".
" I love you too". Sabi ko at pinatay na rin ang tawag.
" Wow huh? Ang layo nyo na sa isa't-isa. Ang sweet nyo pa rin. Baka hindi si Third ang makarating dito. Baka mga langgam na". Saad ni Haley kaya natawa ako.
Mabilis naman lumipas ang oras kaya na tulog na rin kami ni Haley. Hindi agad ako nakatulog dahil inaalala ko si Third. Miss ko na agad sya. Nag pakawala ako ng malalim na hininga.
" Matulog ka na... Bukas naman nandito na yan..." Napatingin ako kay Haley. Gising pa ba sya? Pero muka naman tulog. Umiling na lang ako.
~~~
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil nakakatinig ako ng ingay.
" Wakey-wakey, princess." Napangiti naman ako.
" Good morning." Bati ko sa kanya.
" Good morning too. Ayos ka lang ba kahapon nung wala ako?" Tanong nya.
" Not really". Sagot ko.
" Why?" Tanong nya.
" Wala ka ehh". Sagot ko kaya napa ngiti sya. Bigla naman may tumwag sa phone nya kaya sinagot nya. Naging seryoso ang pag uusap nila. Kaya hindi na ako nangi alam. Matapos ang pag uusap nila, tumingin agad sakin si Third.
" Bakit?" Tanong ko.
" Nothing... Princess, pack your things. Aalis na tayo..."
" Bakit? Anong meron?" Taning ko ulit.
" Uhhh... Sa iba naman tayo mag babakasyon." Sagot nya kaya napa tango-tango na lang ako. Kahit hindi ako kunbinsido sa sinabi nya. Sinunod ko na lang ang sinabi nya. Nang matapos ako mag empake ay nag punta ako sa kusina at doon ko nakita si Third na may hawak na baso.
" Ano yan?" Tanong ko.
" Orange juice. For you, of course". Naka ngiting sabi nya kaya natawa aki ng mahina. " Drink it. Baka mauhaw ka mamaya. Malayo ang biyahe ehh". Ininom ko yun tulad ng sinabi nya. Nang maubos ko yun ay nag punta ako sa kwarto para kunin sana yung mga inimpake ko pero wala na. Kinuha na ata ni Third. Kinuha ko yung maliit na bag ko sa kama ngunit nakaramdam aki ng pag ka hilo at pag ka antok. Umiling ako para mawala yun pero wala rin nangyari.
Mag lalakad na sana ako pero bumagsak na ang katawan ko sa kama.
" I'm sorry, princess... I have to do this..."
A/N
Sorry for the late update
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Ficção AdolescenteIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano