Epilogue

1.8K 31 2
                                    

Epilogue...

Maaga natapos ang klase namin ngayon kaya naman sabay kaming lumabas ng klase ni Haley.

" Makikipag kita ka ba kay Third?" Tanong nya sakin at umiling ako.

" Mamaya pa ang tapos ng klase nya kaya mamaya pa kaming mag kikita". Sagot ko. Pababa pa lang kami sa hallway ng makita namin si Kurt na tumatakbo samin.

" Anong nangyari sayo? Bakit may dugo ka sa labi? Huh?" Tanong ni Haley habang hingal na hingal si Kurt.

Umiling iling si Kurt." Don't mind me. S-si Third napapa away". Sabi nya kaya naman nanlaki ang mata ko.

" Huh? Saan?" Tanong ko.

" Doon sa may field". Sabay sabay kaming nag punta sa may field at nakita ko nga si Third na nakikipag away.

" Third!" Sigaw ko at napatigil naman sya sa pag sapak sa lalaking kaaway nya. Nag taas ako ng kilay sa kanilang dalawa. " Ano to huh? Akala ko ba bagong buhay?" Tanong ko kaya napa kamot sya sa batok.

" Ahh ehh..."

" At ikaw naman..."

" Jasper".

" At ikaw naman Jasper. Ang laki laki mo na, pinatulan mo pa tong lalaking to. Mag isip isip nga kayo. Hindi na kayo bata". Giit ko sa kanilang dalawa.

" Ito kasi".

" Anong ako!"

" Stop! Apologize to each other". Sabi ko. Wala naman silang nagawa kung hindi ang mag sorry sa isa't isa.

" Yan kasi nakikipag away pa". Bulong ni Haley.

" Oo nga! Pati tuloy ako nasapak ng di oras". Maktol naman ni Kurt kaya parwho kaming natawa.

" Sorry na. Hindi ko naman sinadsadya. Tsaka maliit na bagay lang naman ang pinag awayan namin".

" Maliit na bagay lang? Pero kung makipag away ka akala mo naman napaka tapang mo. Takot ka nga sa alcohol kapag ginagamot ka na". Sabi ko naman kaya muli syang napa kamot sa batok.

Pag ka dating namin sa tambayan nila ay nakita namin dun si Tristan na nag papahinga.

" San ka galing?" Tanong ni Third sa kanya.

" Di ba obvious? Hindi ako naka tulog kagabi dahil sa kakapanood ng 2gether the series. Lintik na Sarawat at Tine nyan. Pinakilig ako ng sobra". Paliwanag nya.

" Your watching that?" Biglang sulpot ni Kurt.

" Yeah why?"

" Same here!" Pareho kaming nag katinginan ni Third kaya pareho kaming natawa.

" But don't get me wrong ahh. I'm still straight. Na curios lang talaga ako panoorin yun... Next ko naman papanoorin is TharnType the series". Paliwanag ni Tristan. Naupo kami at nanguha ng madecin kit. Nilagyan ko ng alcohol ang sugat nya sa mukha.

" Dahan dahan lang". Sabi nya.

" Nag matuto ka". Sagot ko. Matapos ko syang gamutin ay bigla akong napa isip. " Diba may klase ka?"

" Uhhh. About that... I skip class".

" Third!"

" Sorry okay? Gusto lang naman kitang makita. Sabay sana tayo kumain ng lunch". Sabi nya kaya napa iling na lang ako. Mabilis dumaan ang oras kaya naman mag kasabay kaming umuwi ni Third. Dinalaw na muna namin ang puntod ni mama.

Naka tingin lang ako sa puntod ni mama bago ko inilapag ang hawak kong bulaklak.

" Ma, kahit hindi man kita nakasama sa pag laki ko. Alam kong palahi nyo akong binabantayan. Sana masaya ka.kung nasan ka man. Okay na kami. Okay na ang lahat samin. Hindi lang sakin, saming lahat. Sana wag kang mapagod na bantayan ako at si papa. I love you, ma". Ngumiti ako.

" And I love you po tita". Napatingin ako kay Third.

" Sira ka talaga".

" Why? Mahal ko naman talaga si tita ahh. Pero mas mahal kita". Sagot nya.

" Baliw ka talaga. Tara na nga, alis na tayo".

" Aalis na po kami tita. Hope na sana masaya ka dyan. Wag po kayong mag alala. Ako po ang mag aalaga dito sa anak nyong to". Sabi nya kaya napa ngiti ako.

Ganon ba kapait ang buhay ko at naka hanap ako ng lalaking ganito na sobra sobra mag mahal.

Nag lakad na kami palayo ng biglang hawakin ni Third ang kamay ko hanggang sa maka uwi kami ng bahay.

" Mamaya. Aalis ulit tayo. Get ready, I will fetch you exact 7 pm".

" Aano na naman tayo?" Tanong ko.

" You will find out".

" Pero hindi pa ako nakakapag paalam". Sagot ko.

" No need. Nag paalam na ako kay Tito. And he said yes". Ngumiti na lang ako. Niyakap ko naman sya ng mahigpit.

" I'll see you later... I love you".

" I love you too, princess".

~~~

Mabilis akong nag ayos ng sarili ko, sinuot ko ang dress na regalo sakin ni papa nun at nag dala na rin ng maliit na bag.

" You ready?" Napatingin ako sa nag salita. Nang makita ko si Third ay ngumiti ako at tumango.

" Both of you look perfect... Third ahh, ang usapan natin. Bago mag 10". Sabi ni papa.

" Yes po, tito". Sagot naman ni Third.

" Mag iingat kayo". Nag maka sakay kami ay agad akong nag tanong.

" San ba tayo pupunta?"

" Secret... Malalaman mo mamaya". Mabilis naman kaming nakarating sa sinasabi nya.

" Wow..." Giit ko.

" You like it?" Tanong nya kaya tumango ako.

" I love it. Ikaw ang may gawa nito?"

" Uhh, yes. Syempre may katulong ako. Anyway, let's eat. Baka lumamig ang pag kain". Tumango naman ako.

Sabay kaming kumakain ni Third pero hindi ko ginagalaw ang pag kain ko. Naka tingin lang ako sa kanya habang tahimik syang kumakain.

" Is there something wrong?" Tanong nya sakin.

" Wala, wala naman... I love you". Giit ko.

" I love you too, may bumabagabag ba sayo?" Tanong nya sakin. " Ano yun? Tell me".

" Third... Sorry kung nasaktan kita noon..." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Ngumiti sya sakin.

" Wag mo na ulit gagawin yun ahh". Tumango ako.

" I promise... Hindi na tayo mag hihiwalay. Ikaw lang. Ikaw lang Third". Sabi ko at ngumiti.

" Mag sisimula ulit tayo... Bilang isa, dahil mahal kita at mahal mo ako". Ngumiti ako at tumango. Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan nya ang ulo ko at ngumiti naman ako pabalik.

Wakas...







Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon