Jennie's POV.
Tahimik lang ako habang sila nag kakasiyahan. Kanina pa rin kapit ng kapit si Dimple kay Third kaya ako tuluyan ng nairita. Sino ba namang matutuwa sa nangyayari?! Yung alam ng may girlfriend na yung nilalandi mo, sige lang ng sige. And worst! Harap-harapan pa!
" Restroom lang ako". Sabi ko at tuluyan ng umalis ng hindi ko sila nalilingon. Nang makapasok ako sa restroom ay agad akong nag hlamos ng mukha. Nakaka irita!
" Bwisit!" Singhal ko. Ilang sandali pa napatigil ako sa pag huhugas ng kamay ng biglang bumukas iyun. Hindi na ako nagulat na si Dimple yun. Pinag patuloy ko ang pag huhugas ng kamay ng pumunta rin sya sa tabi ko at nag hugas rin ng kamay.
" You know what? Bagay kayo ni Third". Bigla nyang sabi kaya napa tingin ako sa kanya. " Pero mas bagay kami". Dagdag nya. " Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. I like Third". Sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay. Nag patuloy aki sa pag huhugas ng kamay.
" I'm not shock..." Sagot ko. " Halata naman sa kilos mo".
" What?"
" Yes, I know na gusto mo ang fiance ko. Sino ba naman hindi makaka halata. Harap-harapan mong nilalandi ang fiance ko". Sabi ko at tumigil sa ginagawa ko.
" Alam mo naman pala ehh".
" Pero hindi ako pinanganak ng nanay ko para lang mag pa talo...".
" Okay. Tignan na lang natin kung kanino rin sya mapupunta". Sabi nya habang may ngisi.
" Okay then". Sabi ko at aalis ng may maalala ako. " Oo nga pala". Sabi ko at may dinukot sa purse kong maliit.
" Ito, condom. Baka sakaling may mahanap kang makakalantari mo". Sabi ko at umalis. Buti na lang binigay sakin yun ni Kurt. Well, kilala naman natin si Kurt sa pagiging babaero nya ehh.Pag ka balik ko roon nagkaka siyahan na sila. Naupo ako sa tabi ni Haley kaya agad nya naman akong napansin.
" You alright?" Tanong nya.
" Gusto ni Dimple si Third". Mabilis na sagot ko.
" What?!"
" What? As if naman na magugustuhan sya ni Third". Sagot ko.
" Naku, Jennie. Bantayan mo mabuti si Third ahh. Ako ata ang tataas ang dugo sa inyo. Go na, bilis. Punta ka na sa bebe mo". Pag tataboy nya sakin kaya pumunta rin ako kay Third.
" Hey, you alright?" Tanong nya sakin nh maka upo ako.
" Paano kung sabihin ko sayong hindi. Anong gagawin mo?" Tanong ko. Huminga naman sya malamin at yumuko. Sinandal nya ako sa balikat nya at hinawakan ang isang kamay ko.
" I'm sorry... Akala ko magandang time to para makasama kita... Bu I think i was wrong... Sorry, kung hindi tayo nag kakaroon ng time para sa isa't-isa... Kung pwede ko lang ikulong si Dimple sa kwarto, gagawin ko. Pero hindi ehh... I am sorry, my princess..." Seryoso ko syang tinitigan. This man really knows how my heart melt for him. Ngumiti ako sa kanya.
" Okay lang... Alam ko naman na may iba pang time..." Sabi ko. Biglang lumabas amg ngisi nya.
" Gusto mong mag karoon tayo ng time?" Tanong nya sakin habang may nakakalokong ngiti sa labi nya.
" What are you thinking?" Tanong ko sa kanya.
" Come. Let's have some time". Sabi nya at umalis kaming dalawa sa party. Buti na lang busy ang lahat sa pakikipag party. Gabi na kaya wala na ring tao sa beach. Nag punta kami roon at doon kami pumuwesto sa may malalaking bato.
" Ano bang ginagawa natin dito? Gabi na Third, baka mapano tayo". Sabi ko sa kanya pero hindi nya ako pinakinggan.
" Don't worry... Akong bahala sayo. Just relax". Sabi nya sakin. Bogla syang umupo sa buhangin kaya kumunot ang noo ko.
" Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko ulit.
" Come. Sit besides me". Utos nya sakin kaya umupo ako sa tabi. Lumapit sya sakin at ngumiti. " Sorry kung walang effort ahh. Biglaan lang ehh... Anong gusto mong gawin natin?" Tanong nya kaya nanlaki ang mga mata ko.
" Hoy!! Mag tigil ka nga! Ano na naman nyang iniisip mo huh?! Puro ka manyakan yang alam mo!" Singhal ko sa kanya.
" Princess, hindi iyun ang ibig kong sabihin... Ang tanong ko anong gusto mong gawin natin dito. Hindi yung tanong na pang manyakis". Pag lilinaw nya. Napaiwas naman ako ng tingin. Utak mo kasi Jennie. " Tara. Isasayaw na lang kita". Sabi nya kaya tumayo kaming pareho. Agad sayang kumapit sa baywang ko at hinawakan ang kabilang kamay ko.
I smile when I hear him humming. Mahigpit nyang hinawakan ang palad ko at naramdaman kong hinalikan nya ang ulunan ko.
" Third? Kailan ang uwi natin?" Tanong ko. Napa isip naman sya sa tanong ko.
" I don't know? Siguro kapag wala ng mga sagabal?" Natatawa ko syang tinitigan. " I love you, Jen..."
" I love you too". Sagot ko at niyakap sya ng mahigpit.
" Wait, let me tell you story... Did you know na may multo dito?"
" Really? A ghost? Naniniwala ka dun?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
" What? Wala naman masama, right? Alam mo bang nag paparamdam sya sa mga taong nag mamahalan, like us? At dito mismo sa resort ko yun". Kwento nya kaya napa iling iling ako. This lil kiddo.
" Third, really? Tinaguriang ka pa namang gangster sa University natin. Tapos naniniwala ka sa multo-multo". Di makapaniwalang usal ko.
" So?... Kaya daw sya nag paparamdam dahil bigo daw ito sa pag ibig". Sabi nya kaya nasapo ko na lang ang noo ko. Aalis na sana ako sa harap nya dahil hindi ako maka paniwala sa pinag sasabi ng lalaking to. Napatili ako ng biglang may sumigaw.
" THIRDDDD!!!! NANDYAN KA LANG PALA!!!"
Parehas kaming napa tigil ni Third ng makita namin si Dimple. Pati ba naman hanggang dito, natutunton nya si Third. Ibang klase.
" I told you, may multo dito". Bulong ni Third sakin bago mag lakad palayo. Sinundan naman sya ni Dimple kaya ako naiwan mag isa.
Did he mean na si Dimple ang multong tinutukoy nya? Great! Ngayon naniniwala na ako.
A/N.
Sorry guys kung ngayon lang ulit ako naka pag ud. Nagiging busy lang talaga ako minsan... Sorry talaga. Sana maintindihan nyo. Luv you!! Keep voting!
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Teen FictionIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano