Jennie's POV.
Pag bukas ko ng pinto ng bahay sinampal agad ako ni Tita.
" Walang Hiya ka! Ang kapal ng mukha mong mag pakita pa dito! Pag katapos kitang ampunin Ito ang gagawin mo sa mga anak ko! Anong klase ka?!!" Sigaw nya sakin.
" Sorry po..." Sabi ko.
" Sorry?!!! Sinaktan mo ang mga pinsan mo!!" Sa pag kakataong to Hindi ko na kinaya at naitulak ko na si tita.
" Oo nasaktan ko sila!! Pero hindi pa sapat yun at mukang pa yun sa daming pananakit nyo sakin!!" Sigaw ko sa kanila.
" Sumasagot ka na huh?!! Manang mana ka sa nanay mo!" Sigaw sakin ni Tita.
" Wag mong idamay si Mama dito! Sa totoo lang hindi ko alam Kung saan ka nag mana ng ugali mo! Dahil hula ko si lolo't lola mababait. Lalo na si Mama". Sabi ko sa kanya kaya nagulat sya.
" Ang kapal mo talaga! Pinanlaki kita, pinagaral at pinakain! Tapos Ito ang igaganti mo sakin". Giit nya.
" Bakit hindi? Pinanlaki mo nga ako, pinag aral at pinakain pero alam kong labag yun sa kalooban mo. Nung bata ako halos kulang nanlang maging katulong nyo ako. Sa murang edad naranasan kong mag trabaho sa inyo. Pinag lalaba nyo ako, pinag luluto, at kulang na kakawain nyo ako. Tiniis ko yun Kasi malaki ang utang na loob ko sa inyo.. pero siguro naman sapat ang ilang taon na pag papahirap sakin". Sabi ko kaya napatikom ng bibig si tita. Umakyat ako sa taas at sinundan naman ako ni Pao.
" Ate aalis ka na?" Tanong ni Pao habang umiiyak. Lumapit naman ako kay Pao.
" Pao, aalis ako pero promise ko sayo magkikita pa tayo. Sa bawat pagkikita natin promise ko sayo may pasalubong ako sayo... Basta promise sakin na mag aaral Ka ng mabuti, okay?" Sabi ko habang pinipigilan umiyak. Niyakap ko sya pero agad din akong umalis.
Pag kalabas ko ng bahay tumulo na lang ang luha ko. Biglang may humatak sakin at niyakap ako. Kahit hindi ako tumingin alam kong si Third yun.
" B-bakit hindi ka pa umaalis?" Tanong ko.
" I told you hindi ako aalis". Sagot nya. Aalis na sana ako ng bigla nya along buhatin para bang sako ako.
" Ano ba bitiwan mo nga ako!" Singhal ko sa kanya pero naisakay nya na ako sa kotse nya. " San mo ba ako dadalin? Mag hahanap pa ako ng matitirahan ko". Dagdag ko.
" Sakin ka titira". Mailing sagot nya.
" What?!"
" Bakit may reklamo ka?" Tanong nya pa sakin. Umiling naman ako. Nakakatakot kasi sya.
" Pero kasi. Baka makaabala pa ako sa mga magulang mo". Pag dadahilan ko.
" I don't have any parents". Sagot nya kaya napatigil ako.
" Ano?" Tumango naman sya. Pareho Pala kami. " Pareho pala tayo... Sorry". Giit ko. Pag dating namin sa bahay nya bumaba agad ako mugik na ako Malika sa laki ng bahay nya. I mean sa mansion nya. Sya lang mag isa dito.
" Gulat ka?" Tanong nya habang binaba ang mga gamit ko sa likod. Pag pasok namin sa main door nila sinalubong agad kami ng limang katulong nila.
" Good evening po sir". Bati ng isang katulong nya na mukang kasing edad lang din namin. Mukang mataray nga eh.
" Good evening sir". Masayaang bati naman ng isa na kasing edad din namin. Ito naman, mukang mabait.
" Nandyan ka na pala Third". Bungad naman ng isang matanda na mukang mayordona ng mansion na to.
" Manang si Jennie po pala. Dito na po sya titira". Sabi ni Third kaya umiling agad ako.
" Pansamantala lang po. Kapag po nakahanap na po ako ng matitirahan mabilis naman din po akong aalis". Sabi ko.
" Kahit dito ka na tumira habang buhay.. wala naman akong kasama dito. Sila sila naman ang kasama ko". Giit ni Third. Hindi ko sya pinansin pero sinundan ko sya. Pumasok kami sa isang bakanteng kwarto and I guess this is the guest room. " Ito ang magiging kwarto mo... Isa lang naman ang rule ko para sayo.. bawal kang mag dala ng lalaki dito, maliban sakin". Giit nya. " Bye..."
Pag kalabas nya ng kwarto nilabas ko agab yung mga gamit ko. Nilibot ng paningin ko ang buong kwarto at hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng kwarto. Is this really gonna be my room? Bumaba ako at nag libot sa labas. Ang laki din ng garden nila at may pool din sila sa tabi ng garden. Habang nag lalakad ako biglang may humatak daming babae. Ito ata ang bumati kay Third na mukang mataray.
" Ikaw Pala si Jennie? Ano ka ba ni sir my labs? Girlfriend ka na nya?" Tanong nya habang nakataas ang kilay.
" Hindi ako girlfriend nya... Uhhm.... Mag kaklase lang kami". Sagot ko kaya napa tango tango sya.
" Close ba kayo?" Tanong nya pa. Sasagot na sana ako ng biglang may humawak sa balikat nya.
" Ano ka ba Bianca? Ano ba yang pinagsasabi mo? Umalis ka na nga, doon ka na.. tawag ka na ni Manang Helda doon". Sabi naman nung babae kanina mukang namang masayahin.
" Pag pasensyahan nyo na po. Ganun lang po talaga pag dating kay sir. Malakas lang po talaga ang Tama nya kay sir. Ako nga po pala si Cassie". Pakilala nya sakin." Ako naman si Jennie... Hindi ba kayo naliligaw laki ng bahay ni Third?" Natatawang tanong ko.
" Nung una ko pong pasok dito, syempre naliligaw po ako, pero nung nasanay na po ako hindi na po". Giit nya.
" Alam nyo po bang may topak si sir Third?"
" Ha?"
" Minsan po kasi masungit sya, minsan naman po mabait sya. Ewan ko nga po kung anong klaseng utak ang nasa ulo nya". Sabi nya kaya natawa kami pareho.
" Cassie..." Napatingin naman kami ni Cassie kay Third na nasa likod Pala namin.
" Sorry po. Aalis na po ako. Bye po sa inyo". Paalam ni Cassie. Sumabay sya sa pag lalakad ko kaya napatingin ako sa kanya.
" Pwede mag tanong?" Tanong ko sa kanya.
" Your asking right now". Sagot nya kaya napa irap ako. " Kidding.. what is it?" Tanong nya.
" Paano mo na survive yung buhay na hindi mo kasama ang magulang mo?" Tanong ko sa kanya.
" I don't know... Pero siguro dahil kailangan kong maging matapang? Nung bata pa ako nandyan naman ang tita ko para sakin. Pero ni isang araw hindi ako tumira sa kanila... May tumulong kasi sakin. At ayun ang piang papasalamat ko". Giit nya.
" Let's go". Aya nya sakin. " Kain na tayo"." Walang tayo". Natatawang giit ko.
" Wala nga ba?" Tanong nya at lumapit sakin. Nag titigan kami at buti na lang dumating yung isang katulong nya at sinabi get kakain na. Thank god!
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Teen FictionIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano