Haley's POV.
" Nasan na ba yung babaeng yun?" Iritang kong sambit. Kanina pa wala si Jennie at kanina pa ako nag aalala.
" Haley? Bat nandito ka pa? Gusto mo ihatid ka na namin?" Tanong ni Kurt at Tristan.
" Hindi. Kanina pa kasi nawawala si Jennie, hindi ko alam kung nasaan na sya ngayon". Puno ng kaba ang puso ko.
" Ehh baka naman umuwi na sya".
" Imposible. Kanina pa sya wala, as in kanina pa sya nawawala. Nag aalala na nga ako ehh. Tsaka kung naka uwi na sya, dapat kanina pa ako naka tanggap ng text sa kanya. Pero wala ehh". Paliwanag ko. Napa tango naman silang dalawa.
" Di kaya may nangyari ng masama sa kanya?" Giit ni Tristan kaya napatingin kami sa kanya.
" Wag mo ngang sabihin nyan. Malalagot ka talaga sakin. Kita mong nag aalala na nga ako ehh". Ma ngiyak ngiyak kong sabi.
" Mabuti pa. Hanapin na lang natin sya". Tumango kami. Nag simula kaming mag hanap ngunit wala pa din si Jennie. Tinawagan ko na din ang daddy nya pero hindi pa daw umuuwi si Jennie.
" Dude. Buti naka dating ka".
" Yeah. Anong ibig nuong sabihin na nawawala sya?" Tanong ni Third at kita ko ang pag aalala nya.
" A-ano kasi kanina pa nawawala si Jennie. Kanina ko pa sya hinahanap, nag aalala na nga ako ehh. Ang sabi nya mamimili lang daw sya ng tubig--- right! Sa cafeteria!" Sabi ko kaya agad akong napa takbo papunta sa cafeteria. Ngunit nabigo kami ng makita kong wala ng tao roon. Lock na rin ang cafeteria namin.
" Wait. Is this Jennie's Phone". Agad kaming napa tingin kay Tristan. Hawak hawak nya ang phone ni Jennie. Agad naman kinuha ni Third iyun at binuksan. Sandaling katahimikan ang bumalot samin.
" Kinidnap sya".
" What?! Anong sabi mo?" Hindi ako maka paniwala. Sino naman taong kikinap sa kaibigan ko.
" Si Vincent. Sya ang may pakana nito".
Jennie's POV.
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at kasabay nun ang pag kirot ng ulo ko. Nanlalabo pa rin ang mga mata ko ng idinilat ko na iyun. Nasan ako?
" Hello, little princess..." Agad akong nangilabot ng biglang may bumulong sa aking tainga. Nang maging malinaw na ang aking paningin agad na nabuo ang takot sa mga mata ko.
" Ikaw..."
" Oh yes! It's me! Miss me?" Malawak ang ngisi nya sakin na tila natutuwa sa mga ginagawa nya.
" B-bakit mo to ginagawa? A-ano bang ginawa ko sayo?"
" Oh. Here we go again. Mag kukuwento na naman ba ako? O sige. Para naman may hint ka kung bakit kita kinidnap..." Sabi nya at natawa ng mahina. " Malaki ang kasalanan nyo samin ng magulang ko. Why? Pinapatay ng tatay mo ang tatay ko. Dahil lang sa pag nanakaw ng pera at pag tatraydor ng tatay ko, pinatay nyo na sya. At hindi lang yun namatay ang nanay ko sa aksidente! Alam nyo ba kung gaano kahirap ang mga pinag daanan ko? Kailangan ko pang mag nakaw at mag benta ng mga droga sa ibang tao para lang mabuhay ako".
" Bakit kailangan mo pa akong idamay? W-wala naman akong kasalanan sayo. Please. Pakawalan mo na ako Vincent". Pag mamakaawa habang umiiyak.
" Shut up!" Sigaw nya sakin kaya naman napa pitlag ako. " Buti na lang naka hanap ako ng pwedenv mag ampon sakin. Ginawa ko ang lahat para mapapayag lang syang amponin ako. At hindi naman ako nabigo... Alam mo ba kung anong tinanim ko sa utak ng nga panahon na mayaman na ako? Revenge... Gusto kong mag higanti sa mga taong nanakit sa pamilya ko. And thay's why your here. Umiiuak at nag mamakaawa sakin". Sabi nya at natawa.
" V-vincent... P-pakawalan mo na ako..."
" No! Makakawala ka lang kapag namatay ka na! Or kapag niligtas ka na ni Third!" Sigaw nya sakin kaya natakot ako. Ayoko pang mamatay. Please someone help me.
Third's POV.
" Third. Please, save my daughter". Pag mamakaawa ni tito sakin.
" I will tito. Wag kayong nag alala". Sagot ko.
" Make sure na ligtas sya... Ayokong mawala ulit ang anak ko sakin. Baka hindi ko na kayanin". Nakikita ko kung gaano nag aalala si tito kay Jennie. Kahit ako. Natatakot ako na baka mawala rin sya.
Gagawin ko ang lahat para lang maligtas sya. Kahit pa kapalit nito ang buhay ko.
" Third. Let's go. Kailangan pa nating mag handa. Hindi biro ito". Aya salin ni Kurt.
" Tito. Mauuna na kami". Sabi ko.
Nang maka alis kami ay hinanda ni Tristan ang mga gagamitin namin. Magiging madugo ang labanan na ito. Napatigil ako sa pag iisip ng biglang may tumawag sakin.
" Hello Third?"
" Vincent? Where is Jennie? Pakawalan mo sya!"
" As if naman kung gagawin ko yun?"
" Fvck you! Wag mo syang sasaktan! Nasan sya?!"
" Chill ka lang. Haha. She's safe, sa ngayon... Sige ito na lang. Pumunta ka dito. Ikaw lang, siguro naman alam mong kung sino sino ang hindi mo isasama. Kung hindi patay ang minamahal mo... Wag kang mag aalala. Mabait naman kami sa kanya ehh. See you Luminia". Agad nyang pinatay ang tawag kaya naman kumuyom ang kamao ko.
" Anong sabi nya?"
" Ako lang ang dapat pumunta doon". Sagot ko.
" Ano?!"
" Third. Your not serious right?"
" I am". Sagot ko.
" Hindi mo kailangan pumunta mag isa, Third. Nandito kami". Sabi ni Kurt.
" No. I have to".
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Teen FictionIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano