Chapter 46

1.1K 22 1
                                    

Jennie's POV.

Inayos ko ang damit na nagusot ko at kinuha na ang bag ko na naka sabit. May event kasi sa school namin ngayin dahil anniversary ng school namin ngayon.

" Pa? Aalis na po ako..." Paalam ko kay papa.

" Hindi ka ba muna kakain? Baka magutom ka nyan? Marami pa naman kayong activities sa school". Umiling ako kay papa at ngumiti.

" Hindi na po. Kukunin ko na lang po itibg sandwich. Hinihintay na po kasi ako ni Haley. Alam nyo naman po iyun". Sabi ko at ngumiti.

" Sige mav iingat ka. Ikamusta mo na rin ako kay Haley". Tumango naman ako bilang sagot. Pag kalabas ko ng bahay ay sinalubong na ako ni Mang Canor.

" Ma'am tara na ho". Ngumiti naman ako. Simula ng maging maayos kami ni papa ay nag babo na rin ang buhay ko. Nung mga nakaraan din ay naging chismis din ako sa school namin dahil nga nakilala ko na ang tatay ko. Laking gulat ko rin noon ng malaman kong mayaman pala si papa. Noong una ay hindi ako maka paniwala pero tinanggap rin naman.

Sa gustong malimutan ang sakit na nararamdaman ni papa noon ay naging tutok sya sa trabaho kaya naman naging malago ang kumpanya nya.

" Ma'am nandito na ho tayo".

" Mang Canor. Diba sabi ko sa inyo--"

" Oo na. Hindi kita tatawiging ma'am. O sige na, ija. Magiingat ka ahh". Ngumiti naman ako kay Mang Canor at tumango bilang sagot.

" Hi Mang Canor".

" Hello din Haley".

" Sige na ho mang Canor. Baka ma late pa kami nito. Mag iingat din po kayo". Sabi ko at ngumiti bago kami umalis.

" Ba't ang saya mo ata ngayon?" Tanong ko habang nag lalakad kami.

" Syempre. Walang gagawin ehh. Mag sasaya lang tayo! Yieeeee!" Tili nya kaya naman tinakpan ko agad ang bibig nya. " Bastos lang?"

" Ang ingay mo kasi. Alam kong exciting pero relax ka lang. Nakakahiya sa iba". Sabi ko kaya naman natawa sya.

" Eto na. Tara na baka nag sisimula na yung program". Sabi nya kaya sabay kaming pumasok sa gymnasium. Pag pasok namin ay buti na lang ay hindi pa ganon karami ang tao kaya naka upo pa kami.

Ilang minuto din nga mag start na yung program. Nag simula sa pag sasalita hanggang sa may nag perform sa harap ng stage. Halos lahat is excited ngayon dahil maraming activity ang inihanda ng school para sa event ngayon. Yung iba ay may dala dala pang banner at may pa baloons pa.

" Manonood ka ng basketball? Mamaya. Tara manood tayo". Yaya sakin ni Haley.

" Oo na. Wala din naman akong gagawin mamaya kaya okay lang. Wag lang tayong mag pagabi. Baka kasi mahalit sakin si papa". Sabi ko.

" Wow. Takot na mag pa gabi ahh".

" Baliw ka talaga. Kahit naman noon takot akong mag pagabi... Ang pinag kaiba lang is baka kasi magalit si papa. Baka mag aalala yun". Sabi ko at ngumiti.

" Okay students... We can now start the fun!" Sigaw ng MC kaya naman nag hiyawan ang ibang mga estudyante. Tumayo naman kami ni Haley at umalis na rin.

~~~
Medyo maaga ng mag start ang laban ng basketball at halos din ng tao ay nasa court upang manood ng laban. Buti na nga lang ay hindi kami nwalan ng upuan ni Haley. Red VS Blue ang labanan.

" San ka kampi?" Tanong ni Haley.

" Wala. Edi kung manalo ang isa sa kanila, edi congrats". Sagot ko.

" Ang KJ mo naman. Alam mo. Masaya manood ng ng laro na ganito kapag may kinakampihan ka. Ako blue team ako! WOOHHHH! GO BLUE TEAM!"

Napalayo naman ako sa pag sigaw ni Haley. Nag mag ring na ang bell ay nag start na ang laro. Puno ng sigawan ang court kaya talagang alam mong walang nag papatalo sa kanila.

" SHET! IPASA MO NA YANG BOLA! BOBO MO NAMAN!" Sigaw ni Haley kaya muli akong napalayo. Napailing naman ako at muling itinuon ang paningin sa panonood.

Malakas din ang Red team at ganoon din ang Blue team. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako mahilig sa sports pero nandito ako ngayon nag bibigay ng suporta sa dalawang team.

Ang unang set ay nanalo ang red team kaya nakita ko kung gaano ka dismaya si Haley ng matalo ang Blue team.  Sa kalagotnaan ng laro ay naka ramdam na ako ng uhaw kaya naman kinalabit ko si Haley.

" Bili lang ako ng tubig sa labas". Paalam ko.

" Sige. Ako din ibili mo na rin ako ng tubig. Hindi malamig ahhh. Baka mamalat ako ehh". Sabi nya kaya naman tumango ako. Pag kalabas ko ng court ay naka hinga ako ng maluwag. Nahirapan pa nga aking makalabas dahil sa sobrang dami ng tao.

Medyo malayo pa ang cafeteria sa court kaya naman nag lakad pa ako. Namili naman agad ako ng tubig ng mapansin kong wala rin palang mga estudyante sa cafeteria. Busy ang lahat sa panonood.

Nang maka bili na ako ay agad akong umalis at nag lakad. Napa lingon ako sa likod ng mapansin kong may parang kakaiba. Nilibot ko din ang paningin ko pero wala naman tao. Nagulat ako ng biglang mag ring ang phone ko kaya naman kong sinagot.

" JENNIE! PUNTA KA NA DITO! NANANALO NA YUNG BLUE TEAM! WOOHHHH! GO!" Nang mamatay anf tawag ay biglang may nag takip ng panyo sa bibig ko kaya naman agad akong nanlaban.

Ngunit huli na ang lahat ng masinghot ko ang amoy na nasa panyo. Unti unti akong nahilo at doon na ako nawalan ng malay.





Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon